23

146 4 0
                                    

Chapter 23
BUO na ang desisyon ko na umuwi na kami sa Masbate. I want a new life for my Dad. Tama na, na muntik na siyang mamatay dahil sa pagiging mabuting tao. It's already enough that my feelings got involved to a fake love.

Gusto ko na ng bagong buhay na malayo sa mga agents na 'yan. I want to leave everything that makes my heart ache.

"Anak, kailangan ba talaga natin umalis?"

I sighed as I look at my Dad who is throwing a tantrums. Ayaw na ayaw niyang tumigil sa pagiging drug lord kuno.

"Opo, Dad," I lazily answered. "You almost died. Hindi pa ba sapat 'yun para iwan mo na 'yang trabaho na 'yan? Alam ko po, para ito kay Mommy pero.. sobrang tagal mo na po 'yang ginagawa. Maiintindihan na po 'yun ng Mamshie ko na nasa up above the world so high-"

"It's not that, Rosetta," he lowly said and sighed.

"Eh ano po?"

Para siyang pagnagsuklaban nang umangat muli ang tingin niya sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat. "The adventures, out of the country trips and.. the money."

Bumagsak ang panga ko at napahilamos ng mukha. "Daddy naman e!"

Akala ko naman kung anong pinanghihinayangan niya. We could still have those things without being in this kind of situation. I have enough money and so is he.

Tumawa naman ito at napakamot sa batok. "Sorry, 'nak. Sayang kasi talaga," he said.

Napakamot ako sa noo at tumayo na. "Loko-loko mo po. Gutom na 'ko, Dad. I'm just gonna grab some food, babalik din po ako kaagad. Mag-ayos na po kayo ng gamit niyo dahil darating na rin 'yung si Doc para sa medical records mo po at nang makauwi na. Gets mo po?"

He pouted and whined like a child. "You sound just like your Mom when you're being serious," he told me.

I raised my eyebrows and turned around like in a pageant. "Siyempre po. Magkasing ganda nga rin kami e," I boasted and waved my hand like a beauty queen.

Tinawanan niya lang ako na punong puno ng eksaherada. "Funny mo, 'nak," he said in between his laugh.

Humaba naman ang nguso ko. "Oo kaya," I said before going out of his room.

Napatigil ako nang may matabig ang paa ko. I saw a paper bag with Mcdo imprinted on it.

Huminga ako nang malalim nang maisip na baka kay Dastan na naman ito galing. Kinuha ko ito at tiningnan kung ano ang laman.

I smiled as I saw a chicken fillet ala king inside. Matagal din akong hindi nakakain nito.

Bubuksan ko na sana ang takip pero napatigil ako nang makita ko ang sticky note na nakadikit. I opened the note and felt my heart beating rapidly.

I know you are still mad at me that's why I can't manage to let you see me right now. Gusto kitang yakapin pero alam ko na mas lalo ka lang lalayo sa akin. I love you, sweetie. Hinding hindi ako magsasawa na sabihin 'yan sa 'yo kasi 'yun 'yung  totoo. I hope you find in your heart to forgive me and to hear my explanations.

Ps. I'm never giving up on you.

Your one and only sweetie,
Baste

Stop your Heart✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon