Azen's POV
ALAM kong nahihilo na ang kaibigan kong si AJ dahil sa paglakad ko paroon at parito sa loob ng silid niya.
"Ano ba, Aze? Balak mo ba akong masuka sa pagkakahilo sa 'yo? Para kang pusa na hindi mapaanak, ah. Maupo ka nga muna. Relax ka lang. Look at you, parang isang ihip nalang ay matutumba ka na. Kumakain ka pa ba?"
Naupo naman ako sa tabi ng kaibigan ko. Sinapo nakin ang noo. Sa totoo lang ay tama si AJ. Dahil sa kaiisip sa problema sa bahay nila ay hindi na nga ako nakakatulog nang maayos. Naiinis ako kay Aira pero hindi naman siya ito masisisi. My sister deserved to be happy with the man she loved.
Niyugyog ako ni AJ. Siya si Alenie Jean Nacana o mas kilalang AJ, best friend ko ito noong grade school. Napatingin ako sa kaniya.
"Mukha ka na namang luka-luka sa hitsura mo. 'Kain nga muna tayo sa' baba. Nagpaluto ako ng spaghetti kay Carla,"tukoy niya sa kasambahay at hinila na niya ako palabas ng silid.
Mabuti nalang, kahit paano ay may nakikinig sa aking mga problema sa katauhan ni AJ. Hindi na nakin alam kung kakayanin ko pa kung wala na siyang makakausap. Baka matuluyan na akong maging luka-luka.
"Ano na ang gagawin mo? Umeskapo na ang magaling mong kapatid. Iniwang sayo ang lahat ng problema, dude. Hindi pa naawa kay Tita, may diperensya na nga, iniwan pa. Pati ang daddy mo, parang nabibilang na lang ang buhok sa bumbunan. Kasalanan di 'to ng daddy mo, eh. Kung hindi siya nagbuhay-hari noon, sana ay hindi kayo nagkabaon-baon sa utang-na-loob kina Justin. Akala siguri niya ay hindi nauubos ang pera."
" Stress nga kasi. At' yong nangyari kay Dad, tapos na 'iyon. Nangyari na, eh. Ano pa' ang magagawa? "sabi ko, saka sumubo ng spaghetti.
Kanina pa kumakalam ang akin tiyan. Hindi na ako pumasok sa opisina dahil kailangan ko ng makakausap.
" Ang sabihin mo, naiinis iyon dahil sana, hindi nalang ang pasaway nsa si Aira ang inereto niya sa anak ni Don Gio. Sana ay ikaw na lang na willing na makatuluyan si Justin."
"Hindi ako type n'on, noon pa man. Si Aira nalang ang gusto niya." At alam nakin na si Aira ang gusto ng mga magulang na makatuluyan ni Justin. Dahil ako... Pakiramdam ko ay hindi ako kasapi sa pamilya noon pa man. Lumaki ako na hindi naramdaman anv pagmamahal ng mga ito.
Alam din ni Aira ang lihim ko kaya wala siyang naiitago rito.
"Paano kaya, dude, kung i-offer mo ang sarili mo kay Justin? I mean, 'di ba, ang problema mo ay kung paano mapanatili sa inyo ang LM Holdings at ang mansyon n' yo? You should do something. Sabihin mo sa kanya na ikaw na ang papalit kay Aira. Willing na kamo na maging kapalit ni Aira para lang hindi mawala ang kabuhayan n'yo. It's a win-win situation. Biruin mo, you'll still have your wealth and you will also have Justin. "
" Dude, kung madali lang sanang gawin 'yan walang pagdadalawang-isip na subukan ko. Pero... Mahal nga niya si Aira,'di ba? At si Aira ang talagang gusto ng bawat pamilya para sa kanya. "
" Ano na nga ang gagawin mo? "
Kinamot ko ang aking noo." Ano pa? Parang sabon lang na iaalok ko kay Justin. Hindi ko alam kung papayag siya pero wala na akong choice. Susubukan ko 'yang sinabi mo dahil wala na akong pagpipilian"
"Pagkakataon mo nang ma-fulfill ang pangarap mo." May himig-panunukso sa tinig ni AJ.
"Pangarap?" curious kong tanong.
Humagikgik ang. "Pangarap na matikman siya."
"Sira-ulo!"
"Sus, kinilig naman," tukso pa niya.
Naisip nakin su Justin at ang mukha ng binata. Naaksidente kaya ito kaya na-damage ang kalahati ng mukha? Pinagsiklop ko ang mga kamay. Ano ang nangyari kay Justin na nakalipas dalawang taon pagkatapos mamatay si Don Gio?
Sinabi ko iyon kay AJ at pumalatak ito. "Kapag nakita siya ni Aira na gano'n ang hitsura lalong magtatago iyang kapatid mo. 'Yon nga na walang damage ang face niya, hindi siya magustuhan ng magaling mong kapatid. 'Tapos... Hay naku! Makakain na nga lang. Nakaka-stress nga sitwasyon mo."
Pero para sa akin, kahit masira ang kalahati ng mukha ni Justin, ito pa rin ang pinakaguwapong lalaki sa mundo. Sana lang ay hindi pagsisihan ni Aira ang ginawa nitong pagtalikod.
***
HINAWI nakin ang makapal na puting kurtina na tumatabing sa bintana ng aking silid, saka tinanaw sa ibaba ang kahihimpil lang na sasakyan sa may bukana ng mansyon.
Mula sa sasakyan ay bumaba si Justin. As usual, nakasuot ito ng jacket na may hood. Ilang sandali rin itong nakatingin lang sa pinto ng mansyon bago nagtaas ng tingin.
Naramadaman kong naparalisa ang aking katawan sa pagtama ng aming mata. Pero pinagsasawa pa lang nakin ang tingin sa mukha ni Justin ay umiwas na ito.
Gustong-gusto ko malaman kung ano ang sanhi ng pagkasira ng kalahati ng mukha ni Justin. I wanted to touch those marks; I wanted to take away those dejected shadows in his eyes.
***
NAGKAKAGULO sa ibaba at iyon ang nagpabilis sa pagbaba nakin. Natagpuan ko ang ama ko na pinipigil ang ilang lalaki na hinahakot ang mga gamit namin. Si Justin ay walang kibo na nakamasid lamang sa nangyayari.Halos makipag-away na ang aking ama sa mga lalaki.
"Hey! Put that down! Pinaghirapan kong maipundar ang mga 'yan." Lumapit ang ama ko sa kinatatayuan ni Justin at humawak sa mga binti ng huli. "Justin, hindi naman tayo dapat humantong sa ganito. Give us week to find Aira. Alam kong naguluhan lang siya kaya siya umalis. Please?"
Nilapitan nakin ang aking ama at sapilitan nakin itinayo. "Dad, tama na po 'yan."
"No, hija. Let me do this, alang-alang sa mommy mo. She loved this house at hindi ako papayag na mawala ito sa atin."
"Nasaan si Mommy?" alalang-alala na tanong niya.
"She's in her room. Ini-lock ko muna dahil baka sumama ang loob niya kapag nakita niya ang nangyayari."
I looked at Justin. I could see no mercy in his eyes, only pure fierce. Nang pumunta ang tingin ko sa bahaging iyon ng mukha niya ay nag-iwas siya ng tingin. Titig na titig ako roon. Animo ay balat ng punong-kahoy ang kalahati ng mukha ni Justin. He looked more ferocious than I ever imagined.
"Nakaempake na ba kayo? Dahil kung hindi pa ay bilisan n'yo na or else, hindi n'yo na mapapakinabangan ang mga gamit n'yo. Maghihintay ako sa kotse hanggang sa matapos ang pag-alis n'yo sa pamamahay ko."
Tumalikod na si Justin palabas ng mansiyon. Nakita nakin na bumagsak ang mga balikat ng aking ama.
" Akala ko ba ay walang pakialam su Justin sa mansyon, Dad? "
" 'Yon din ang alam ko. Noon pa naman ay hindi siya nagkainteres sa mga itinulong sa atin ng ama niya. Pero dahil sa ginawa ni Aira ay napagbuntungan niya 'yon ng galit. Nalaman niya sa abogado na hindi na pinabayaran ni Don Gio ang mga utang natin. But he has all rights to Don Gio' s property kaya... "
" Dad, huwag mo masyadong isipin 'to. "
" Arnaldo? "
Kapwa kami napalingon ni ama sa nagsalita. Hindi namin namalayang nakalapit na pala ang aking mommy. Nakalabas siya ng silid. Lumuluha siya at yakap-yakap ang aming family picture . Hindi ko rin mapigilan ang mapaluha ngunit agad kong pinalis iyon.
" Mom, Dad, huwag kayong mag-alala. Kakausapin ko si Justin. I promise, hindi niya tayo mapapaalis sa bahay na 'to," matatag na wika ko.
"What are you going to do?" my mother asked.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga magulang.
"Whatever it takes to change his mind, Dad. Dito lang kayo." Dali-dali siyang lumabas at hinanap ko si Justin. Hingal na hingal na ako ay hindi pa nakin siya mahanap. Wala si Justin sa kotse niya katulad ng sinabi na doon siya maghihintay, at wala rin sa pool area. Pero bumagal ang mga hakbang nakin nang makarating sa garden.
I saw him there right on that where we had our very first kiss...
YOU ARE READING
It Is Us Forever
RomanceMali ang paghangad ng pagmamay-ari na ng iba. Alam iyon ni Pearl Azenith Losde. Pero kahit pigilan niya ang nararamdaman para kay Justin Merigo ay talagang mahal niya ang binata. Kahit pa ang kapatid na si Aira ang nakatakda nitong pakasalan. But h...