☣ CHAPTER TWENTY ONE -ONE YEAR LATER- ☣

193 30 0
                                    

JUSTIN'S POV

Isang tunog ng ambulansya ang gumising sa dugo namin. Pag pasok ng pasyente sa emergency room agad akong tumakbo upang tignan ito.

"Code blue" Hiyaw ko. Agad na nag lapitan ang tatlong nurse na kasama ko. I immidiately start chest compression. Agad na kinabit ni enzo ang pulse oxymeter at blood pressure cuff sa pasyente na naka konekta sa cadiac monitor.

"Nurse francine patawag sa pulmonary department pasabi may code tayo and papirmahin mo yung isang relative ng consent for intubation. Nurse enzo pa ambubag and connect it to oxygen. Nurse ellie palagay ako ng line Plain NSS on gauge 22 then start epinephrine 1 amp every 3 mins" agad naman silang sumunod

"Papunta na daw po. Pababa narin po si doc may nag code din kasi sa taas. Nakapirma narin po ng consent for intubation yung asawa ng patient" mabilis na sagot ni francine sakin. "Okay salamat..pa prepare ng intubation set. Given na ba yung 1 amp epinephrine?" Tanong ko sa kanya kay ellie

"Given na po capt." sagot naman sakin ni ellie. Tumingin ako sa cardiac monitor. 57% oxygen saturation. "Nurse francine. Pa run ako ng ECG please" Mabilis naman itong sumunod.

"Capt. asystole (flat line) po tayo" Sagot ni francine sakin.

"2nd dose of epinephrine 1 amp given. Capt." Sagot ni ellie sakin.

"Please! Kaylangan mong bumalik sir. Kaylangan mong lumaban. Hindi mo pa oras" bulong ko sa patient. Napansin ko namang nakatingin sakin si enzo.

"Good afternoon. I am doctor helix. Updates natin capt." Tanong sakin ni doc. "Doc 2 ampoules of epinephrine given na po still on asystole doc. Nakapirma narin po ng consent yung realtive" sagot ko kay doc.

"Capt. Do want to switch?" Tanong sakin ni francine "Okay lets swicth in 3, 2, 1" agad naman na pumalit si francine para sya naman ang magbigay ng chest compression. "Pa-asisst capt." Agad naman akong pumunta sa tabi ni doc.

"Pa abot ng laryngoscope at edotracheal tube palagay narin ng Gel please" agad ko namang binigay yun kay doc "3rd dose of epinephrine given na po doc" mahinanong sabi ni ellie. Pinalitan naman ni tyrone (taga pulmonary departmen) si enzo. Para sya ang mag bigay ng ventilation gamit ang ambubag.

"Doc, asystole parin po tayo" sabi ni enzo. "4th dose of epinephrine given" aniya ni ellie. Patuloy parin ang chest compression ni francine

Nang makabit ni doc ang edotracheal tube. "Capt. Pa-preapre nag defibrilator and charge it to 200 joules" agad kong kinuha ito at inabot kay doc ang pad nilagyan ko ito ng gel "Charging to 200 joules"

"Everybody's clear?" tanong ni doc. Agad naman sumagot ang lahat ng "clear". Nang marinig yun ni doc ay shinock nya ang patient. "5th dose of epinephrine given na po" lahat kami tumingin sa cardiac monitor pero still on flat line parin yung patient.

"Capt. Pa charge ulit. Another 200 joules"

"Charging 200 joules" sagot ko agad sa kanya. "Everybody's clear?" Agad ulit kaming sumagot ng "clear" and then doc helix shock the patient.

Tumingin kaming lahat sa cardiac monitor at sa awa ng dyos na revive ang patient and the oxygen saturation of the patient is 94%.

"Thank you lord" bulong ko sa sarili ko. Nagpalakpakan naman ang lahat

"Thank you doc" pasasalamat ko sa kanya. Ngumiti naman sya at ginulo nya ang buhok ko. "Thank you guys. Good job" nag okay sign naman yung mga kasama ko. Lumapit ako sa patient "Welcome back sir" bulong ko sa kanya

Nag order naman si doc na i-transfer ang patient sa Intensive care unit (ICU). Si enzo na ang nag asikaso na mag tranfer ng patient sa ICU.

Inasikaso ko naman ang iba pang patient at ng matapos ko iyon umupo muna ako saglit sa nurse station. Napabuntong hininga nalang ako. "Kaya yan" bulong ko sa sarili ko.

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon