☣ CHAPTER SEVEN -THAT AWKWARD MOMENT PART 2- ☣

372 46 7
                                    

JUSTIN' POV

Ala sais na ng gabi, nakaupo kami ni mama sa sofa at masayang nanunuod sa sala habang kumakain ng pop corn. Naging routine na namin ito since nung iniwan kami ni papa at sumama sa ibang babae.

"Nak, yung sinabi ko sayo kaninang maga. Hindi ako nagbibiro. Pakiramdam ko kasi talaga may gusto sayo si joshua. Nakikita ko yun kasi nanay mo ko" Seryosong sabi ni mama.

"Ma naman eiiii, Anong may gusto? Mokong yun, mokong. Tsaka isa pa lalake yun nu. Magkakagusto ba yun sa kapwa nya lalake." Sagot ko naman kay mama

"MANHID ka kasi, kaya hindi mo alam at ramdam" Sabay kurot sa tagiliran ko. "Aaaraaay maa, sige nga kung manhid ako bat ko naramdaman yung kurot mo" depensa ko naman.

"Hmmm. Pilosopo. Anyways, kaya ko lang naman nasabi yun. Kasi yun yung napapasin ko. Best friend kayo Diba? Baka ikaw, tingin mo sa kanya best friend lang kaya hindi mo nararamdaman yung pinapakita nya sayo. Eh sya? Tinanong mo ba? Baka nga higit pa sa pagiging isang kaibigan tingin nya sayo eh. Masyado kasing nakasara yan (Sabay turo sa dibdib ko) Hindi lahat ng lalake katulad ng papa mo at ng naging ex mo. Sino na nga ulit yun? Ah, Oo Si Mac. Try mo rin naman buksan yung puso mo baka sakaling makita no yung sinasabi ko. Anak, hindi lang dapat utak pati puso" Seryosong sinabi ni mama.

Tinitignan ko lang sya. Hindi na ko nagsalita tama naman sya simula nung iniwan kami ni papa natakot na kong magmahal baka iwanan lang din ako. Sinubukan ko naman kaya lang ganun din nangyari iniwan din ako kaya simula nun hindi na ko nagmahal ulit. Crush mana pa, pwede. tsaka fling fling. Pero yung papasok sa relationship. Wag muna ngayon at yung sinasabi ni mama kay joshua. Tsss. Impossible.

Para lang kaming mag kapatid ni mama. Open kami sa isa't isa. Minsan nga napagkakamalan ng iba na ate ko lang sya eh.

Sa kalagitnaan ng panunuod namin ni mama biglang tumunog yung cellphone ko. Kinuha ko yung Cellphone ko sa bulsa ko para tignan kung sino yung nag text.

From: Stacey 👯

Where are you? My house now na... P.S magsuot ka ng pajama and bring your Teddy bear XOXO.

What? Teddy bear? Seryoso ba sya? Tumayo na ako at inabot kay mama yung mangkok na may pop corn "San ka pupunta?" Tanong ni mama "Kila joshua" bigla naman napangiti si mama "Sabi ko na eh, aamin ka na ba? Sa bagay kung ako yun mapapaisip ako. Ang Gwapo kaya ni joshua" Pangaasar ulit ni mama "Mama naman eeiiii"

"Ah! Nak, baka naman nakakalimutan mo in 2 months aalis kana. Punta kana ng Baguio para mag review. Paalala lang" napabuntong hininga lang ako "Yes ma, I know. Don't worry kaya ko yun" at pumunta na ako sa kwarto para magbihis.

-*-

-TOK! TOK! TOK!-

Pagbukas ng pinto "Cooool, nandito na sya... Oh! My! Gosh! I like your pajamas. Sooooo, Flowery. Wait, is that your teddy bear? Ang ganda ha" nginitian ko lang sya. Pumasok na ako at ng nakita ako ni joshua.

"Oh, Bwahahahaha bakit nakaganyan ka? Muka kang bata hahahahaha" Pangaasar ni joshua. May pa hawak-hawak pa sa tyan. Mamatay ka sa kakatawang busit ka. Yan ba yung sinasabi ni mama na may gusto sakin?

"Busit kaaaa. Paepal. Hoy! Stacey, bakit tayo lang yung Naka ganito?" Tanong ko kay Stacey, tumatawa parin yung mokong.

"Ahhhh! Rules kasi yun ng game, kasi sa lalaruin natin yung girls kaylangan ganito yung Suot. Wala lang, trip lang. Wag mo nalang pasinin si kuya" paliwanag nito.

"Girls? Eh! Hindi naman babae yan eh, shokla yan eh, hahahahaha" napipikon na ko, kumukulo na yung dugo ko. Isa pa. Isa pa talaga. Lumingon ako sa kanya.

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon