☣ CHAPTER TWELVE -THE CAMPING PART 1- ☣

361 40 1
                                    


JUSTIN'S POV

Maaga akong nagising kanina para ayusin ang mga gagamitin ko sa camping at hindi na ko nakapag ayos kagabi dahil ginugol ko lahat ng oras ko para magbasa ng mga articles about sa camping. Kung anong mga nangyayare, Anong dapat gawin at kung bakit halos lahat ng nasa age bracket namin excited pag usapan ang tungkol sa camping. Etcetera-Ecetera.

Effective naman yung pagbabasa ko ng mga articles kasi kahit papaano nakakuha ako ng mga ideas kaya lang more on romantic camping get away lang yung mga nabasa ko. Ewan ko. Perooo, instinct ko na siguro yun. Para hindi naman ako mahuli sa kanila kasi nakakahiya naman kung ako lang yung hindi marunong sa kanilang lahat.

Masyado bang O.A? Kasi naman first time ko kasing sasabak dito. Kahit nung nasa primary and secondary level ako hindi ako sumasama sa ganitong klaseng trip. Ako lang ba talaga? Haist! Ewan. I just hate everything pagdating sa camping. The muds under you shoes, mosquitoes and bugs na kasama mong matulog, yung crickets na maingay, backaches dahil sa matigas mong hinigaan and the freaking cold morning when you wake up.

I just don't get it kung bakit ang saya-saya nila pag pinag-kwekwentuhan ang mga bagay na ito. Ano bang masaya sa lahat ng yan?

Papaano kung naje-jebs na ko? San ako maliligo?

Papaano kung sumama ang kalangitan at umulan? Ang hirap ng magiging sitwasyon pag nangyari yun.

Don't get me wrong ha. Hindi naman ako maarte.

Ayoko lang talaga. Hindi ko nga alam kung bakit excited na excited si Stacey dito. Eeeehh, napaka kikay kikilos nun.

"Ready kana?" Napatingin naman ako sa nagsalita. Si joshua, sinalubong nya ko ng isang matamis na ngiti kaya ginantihan ko din ito ng isang matamis ng ngiti.

"Oo, I- I guess" Sagot ko sa kanya. Sa totoo lang gusto ko talaga umurong sa trip nato kaya lang nandito na ko o. Ano pa nga bang magagawa ko? Naka handa ang lahat.
"Sa nakikita ko.... mukang hindi. Wag kang magalala I promise you magiging masaya to. This is your first camping. Right? I'll make sure na magiging memorable sayo to" I know he's trying to cheer me up. Kasiiii, kilala nya ko pag ganito na yung itsura ko. Nginitian ko lang sya.

"Anak, Maiingat ka dun haaa. Alalahanin mo yung mga sinabi ko sayo" Niyakap ako ni mama ng mahigpit "Ma, ano ka ba? Two days lang naman kami dun. Two days lang akong mawawala hindi 5 years. Kayaaa, wag kang magalala tsaka kasama ko naman si joshua"

"Oo nga po tita. Wag kang magalala nandito naman po ako. Pro-protekhan at aalagaan ko po si justin" bumitaw naman si mama sa pagkakayakap sa akin at tumingin kay joshua.

"Sige na, Papasok na ko sa loob at baka magbago pa ang isip ko at hilahin pa kita papasok ng bahay. O, Manugang alagaan mo tong asawa mo ha" Nagulat ako sa sinabi ni mama. Hindi na ako nakapagsalita kasi biglang pumasok si mama sa loob ng bahay na akala mo batang hinahabol. Tumingin ako kay joshua at nakangiti lang sya. "Uy, bakit ka nakangiti dyan?"

"Wala naman, Ako na magbubuhat ng dala dala mo. Asawa" huh? Talagang ginatungan pa nya yung sinabi ni mama. Perooo, aaminin ko medyo kinikilig ako ngayon kay joshua kasi simula nung sinabi nya sakin yung mga bagay nayun kahapon parang naiba lahat. Pinanindigan nya talaga. Kahapon nga habang kumakain kami pinagsisilbihan nya ko tsakaa--- "O, Ano nanaman yung iniisip mo?" Tanong nya sakin "Huh? Wala. Ano namang iisipin ko?" Kinuha nya sa akin yung bibit kong gamit at naglakad papalayo papunta sa sasakyan namin. "Sumunod ka nalang dito ha" pahabol nya.

Ibinaling ko naman ang mga tingin ko sa itaas upang tignan ang ganda ng kalangitan. Mukang hindi naman ito sasama at mataas ang sikat ng araw. Muli akong tumingin sa kanila at--

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon