Kabanata 5

20 12 0
                                    

[Kabanata 5]

Ilang araw na ang nakalipas magmula noong nakauwi kami. And I can say na I really did enjoy na pumunta roon. Dahil nakapag bonding rin kami at the same time pagkatapos kong matapos lahat ng shooting ko doon.

And as of now, back to work na naman ako dito sa kumpanya na pinag tra trabahuan ko.

"Do you believe in reincarnation?"- napalingon ako sa make-up artist kong si Rika after nyang sinabi iyon sa akin

Bakit naman kaya nya natanong? Reincarnation? Totoo ba talaga iyon? Or it is just some weird stuffed na ipinagkakalat at pinaniniwalaan ng iba?

Nag kibit balikat nalang ako sabay sabing hindi ko alam. I sigh and suddenly think.

Totoo nga ba talaga ang reincarnation? Sabi sa akin ng lola ko, totoo daw. Edi okay fine, totoo nalang.

"Sabi nila, lahat daw ng tao once they died. There is a possibility na mabuhay sila muli sa ibang katauhan."- pag kwe kwento nya

Hindi nalang ako kumibo pero patuloy parin akong nakikinig sa kwento nya. Like seriously? Totoo man yang reincarnation na yan or hindi, labas na ako jan noh.

Lalo na't hindi ko naman tinatanong. Share nya lang ganon?

"Miss Rika, naka open ba ang GPS mo?"- diko mapigilan na mapatanong

Tumigil naman sya sa pagkikilay sa akin at tiningnan ang cellphone nya. Lihim naman akong napatawa sa kaloob looban ko.

"Oo, bakit?"- mahahalata mo naman ang kuryosidad nya sa tono ng pagkaka tanong sa akin

"Hanapin mo jan ang pake ko,"- pang aasar ko then I heard that she tsked

Mabilis nyang tinapos ang pag aayos sa akin pagkatapos non. Kanina pa kasi ako tinatawag ng camera man na si Kuya Hugo. Tapos na kasi yung mga kasamahan ko, so it's now my turn to shine.

Lumabas naman na ako dito sa make-up room pagkatapos akong ayusan. Saka dumiretso sa stage na maliit na kung saan may plain green clothes doon.

Hindi naman na nila kailangan sabihin sa akin ang dapat kong gawin. Dahil alam ko naman na sa sarili ko ang dapat kong gawin. Lalo na sa mga pag po pose ng kung ano ano.

That's why there are many companies who are hiring me to work for them. Because professional na daw ako pagdating sa mga bagay na ganito.

Click lang naman sya ng click sa camera nya, as I changed my pose in every 10 seconds.

Our theme today is about wedding. So obviously I am wearing a wedding gown today. Yun ngalang, masyadong nakakapagod. Dahil expected ko ng papalit palit ako ng suot na wedding gowns and also hairstyle.

Because gusto daw nilang ako ang maging model ng mga wedding gowns sa brochure na gagawin nila.

Makalipas ang ilang oras, binigyan muna nila ako ng break dahil nahahalata na nila ang pagod sa akin. Kaya yung mga ibang kasamahan ko muna ang pumalit sa akin.

Pagod na pagod naman akong umupo sa sofa. Inabutan naman ako ni Louis ng tubig. Sa una, nag dalawang isip muna ako kung kukunin ko ba ito or hindi.

Mahirap na at baka may inilagay sya ulit na pampa tae, tch.

"Kaya mo pa ba?"- worried nyang tanong

Naweirduhan naman ako sa itinanong nya. Kasi parang kailan lang lagi nya akong ina away at binabara. But pansin kong after this past few days. What I mean is after naming umuwi dito na galing sa Nueva Vizcaya, everything changed about him. Especially his treatment towards me, and I can say that he's now acting like a real assistant.

For Once Again (On-Going)Where stories live. Discover now