Chapter 3

84 39 5
                                    

Terrence's POV

"Hello po," sagot ko sa tumawag pagkalabas ko ng kwarto. Umupo muna ako saglit sa upuan sa tabi ng mga kwarto.

"How is she?"

"She just woke up. Kailangan niya po munang kumain sabi ng doktor bago siya ma-discharge." Narinig kong bumuntong hininga ang taong nasa kabilang linya.

"Okay, then. Papunta na kami riyan." Napatayo ako sa kinauupuan ko at napakagat sa labi.

"Uhmm... I think this is not the right time, tita," kinakabahang sabi ko sa kaniya. Yes, this is not the right time lalo na't hindi pa okay si Abigail.

"And why is that? She's my daughter. I can visit her anytime I want." Napasapo ako sa ulo.

"Kilala mo naman po si—" at binabaan ako. Napahawak ako ng mahigpit sa cellphone ko. This is really not a great idea.

Hindi naman sa pinagkakait ko si Abigail sa magulang niya. Actually, gusto ko pa nga na ayusin na niya relationship niya sa family niya, eh. The problem is Abigail. She's too stubborn to listen.

Muling nag-ring phone ko indicating that I received a text message.

From: Tita Jen

We're still going whether she likes it or not.

I sighed. They're both stubborn. Like mother, like daughter.

Abigail's POV

I'm currently lying on the bed right now. Gusto ko na talagang umalis dito. Hindi pa ba ako pwedeng lumabas? Bakit pa kasi ako tinakbo ni Rence dito? Nakakainis.

"Abigail..." Napatingin ako sa gawi ng tumawag sa akin.

"Sino iyong tumawag? Ang tagal mo, ah." I noticed that he flinched right after I asked the question.

"Wala... Uhm, it's just work. Nagkaroon kasi ng minor problems." Tumango nalang ako kahit na nagtataka pa rin ako sa kinikilos niya. It seems like he's hiding something from me.

Hay nako, Abigail. Nagooverthink ka nanaman. Malay mo sa work talaga niya.

"Hindi pa ba ako pwedeng umuwi? Gusto ko na talagang umalis dito. You know how I hate this place, right?"

"Let's just wait for your doctor to check up on you. At kapag binigay na niya iyong go signal na pwede ka nang lumabas, aalis na tayo rito. Okay?" He cupped my face and held out a fainted smile. I smiled back.

"I love you, Terrence."

"I love you too, baby." He kissed my forehead before holding my hand tightly.

Knowing that he's beside me, I can't help myself but fall asleep naturally.

I woke up to the sound of people talking in my room. Bakit bigla namang dumami ang tao rito?

Wait... The other voice sounds so familiar. Don't tell me... No, why is she here?!

"Sa amin siya uuwi, Terrence. Hindi mabuti sa kaniya kung magste-stay siya sa apartment na iyon." No, ayoko. Hindi pwede. I won't let her.

"Ayoko," bumangon ako sa pagkakahiga ko at tinignan ng masama iyong babaeng nakaupo sa tapat ng higaan ko.

"I already paid for her hospital bills. Sakto nagising na siya, we'll be going." Hinawakan niya bigla ang braso ko kaya naman napadaing ako sa sakit dahil nakaswero pa ako.

"No, I won't go. Bakit ka ba pumunta rito? At pwede ba? Bitawan mo ako. Nakita mong may nakasaksak pang bagay sa kamay ko, 'di ba? Masakit!" iritang sabi ko sa kaniya. 

Ano nanaman bang gusto niya at ngayon pa siya humarap sa pagmumukha ko?

"Why not? My daughter's in the hospital. Of course, I would be worried." I scoffed.

"Worried, my ass. Now you're acting like a mother who cares for her child? Stop this act, please?" I looked at her in the eyes. "You make me sick."

Agad siyang bumitaw ng pagkakahawak sa braso ko. Sakto namang may pumasok na nurse at sinabihan ako na tatanggalin na iyong nakatusok sa kamay ko. I just nodded at her. Buti naman.

Habang ginagawa noong nurse ang trabaho niya, napatingin ako sa lalaking kanina pa balisa at kinakabahan sa tensyong nangyayare sa kwarto.

Work pala, ah. No wonder nag-iba ang aura niya after that call. I should have known.

He suddenly looked at me pero tinaasan ko lang siya ng kilay implying that I'm asking him what the fuck just happened at papaanong nandito itong babaeng ito. He knows very well na ayaw kong makipagkita sa kaniya, and he knows very, very well kung anong epekto nito sa akin.

"Tapos na po ma'am. Pwede na po kayong umuwi," sabi ng attending nurse at nilagyan na ng tape iyong cotton pantakip doon sa tinurukan sa kamay ko.

"Thank you po." I smiled at her tapos lumabas na siya ng room.

"Abigail..." Hindi ko siya pinansin.

"Sa amin ka uuwi whether you like it or not." Here we go again.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo? Ayaw ko. Kaya ko ang sarili ko nang wala kayo!" I gathered all my belongings at hinila na si Rence palabas ng kwarto. Ayaw ko nang magpakita sa kaniya.

"Kaya mo ang sarili mo? But look at you. You're a mess!" Natigilan ako sa sinabi niya pero hindi ako nagpatinag. I just continued going out of that fucking room.

Pagkalabas ko ng kwarto, may nakita nanaman akong familiar na mukha.

It was my little brother. Nginitian ko lang siya at umalis na agad dahil ayaw ko pang magkaroon ng second thoughts. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. I'm so sorry... Kailangan nang umalis ni ate.

"Ginamit pa talaga niya kapatid ko para mapapilit ako," I whispered to myself. Tuloy-tuloy lang akong naglalakad hanggang sa makarating kami sa parking lot nang bigla akong tigilan ni Terrence.

"Abigail, stay calm. Please." Hinarap ko siya.

"What? You... want me... to stay calm?" I scoffed again.

"Bakit mo ba pinapunta iyong babaeng iyon? You know how I fucking hate her! Rence, naman. Kung 'iong pagpunta natin dito sa hospital, naiintindihan ko pa. Pero ang makita pagmumukha niya? Ibang usapan na iyon. Hindi mo ba nakita? She even used Justine to take me!" I am literally trying so hard to hold back my tears. Ayaw kong umiyak ngayon.

"I'm so sorry. I should've known better." Hinawakan niya ang kamay ko at niyakap ako ng mahigpit.

"Umuwi na tayo, please. Ayaw ko na talaga rito," pagmamakaawa ko sa kaniya.

Inalalayan niya ako papunta sa kotse niya. Bubuksan ko na sana ang pinto nito nang may tumawag sa akin. Biglang napako ang mga paa ko sa lupa.

"Ate..." Napalingon ako sa gawi niya. No, not you. Please, stop.

Come Back, Abigail... (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon