Chapter 9

65 23 4
                                    

Abigail's POV

Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng iyon. Naiinis lang ako lalo kapag naalala ko iyong natanggap naming article kahapon. Huwag na huwag siyang magpapakita talaga sa akin dahil kapag nangyare iyon baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Ang kapal talaga!

"Babe!" Natauhan ako bigla nang tinawag ni Terrence ang atensyon ko.

"Nandito na tayo sa school ni Justine." Napasilip ako sa labas ng bintana at napatingin sa kapatid ko na nasa passenger's seat. Nginitian ko siya.

"Pumasok ka sa school, ah. Mag-aral ka nang mabuti," sabi ko sa kaniya. Tumango lang siya sa akin at lumabas na ng sasakyan. Kinawayan ko siya nang lumingon siya sa gawi namin at hinawi ang kamay ko para sabihin sa kaniyang pumasok na siya sa school. 

Hindi na namin siya hinintay na makapasok ng gate dahil may pupuntahan pa kami ni Terrence. Sinabi niya kasi sa akin na makikipagmeet siya sa isang client niya ngayon. Sumama na lang din ako kasi wala naman akong magawa sa apartment.

"Anong sabi ng client mo? Papunta na ba siya?" Terrence is an interior designer, by the way. He works at a well-known company abroad at masaya ako dahil dito ulit siya inassign sa Pilipinas. Meron kasi silang firm dito at iyon nga imi-meet niya ang client niya ngayon. Ayaw niyang sabihin sa akin kung sino. As if kilala ko naman diba kahit sabihin niya.

"Sabi niya sa akin five minutes ago, papunta na siya." Tumango lang ako at nagbrowse na lang sa phone ko. 

Scroll lang ako ng scroll sa fb at twitter feed ko pero puro iyong article lang ng engagement ng babaeng iyon ang nakikita ko. Masyado kang kalat, girl? Tinago ko nalang ang cellphone ko sa bulsa at napatitig nalang sa labas ng bintana.

Nang makarating kami sa café na pagme-meetingan nila Terrence, nagulat ako sa taong nakasalisi namin. Nauna na siyang pumasok sa loob at mukhang hindi niya pa kami napapansin. Good enough. Kinalabit ko si Terrence na tila papasok na rin sana ng café.

"Terrence, sure ba na rito talaga kayo magmemeeting? Pwede lumipat nalang tayo ng ibang café? I don't like the ambience here," bulong ko sa kaniya.

"Uhm... we can't do that, Abi." Napa-pout ako at napatingin ulit sa loob ng café. 

"Nandito na kasi iyong client ko. Hindi na tayo pwedeng lumipat." I gave up. Fine, ayaw ko namang maging sagabal sa trabaho niya. So ayon nga, pumasok na kami sa loob ng café at iniiwasan ko na magtama ang tingin naming dalawa ng babaeng iyon. 

"Terrence!" Oh shit. We've been spotted.

"Oh, tita—" Hinawakan ko ang laylayan ng damit ni Terrence at tinignan siya ng masama. Don't you dare come close to her is want I want to say to him right now. Akala ko ba nandito na iyong client niya? Bakit uunahin niya pa iyong babaeng iyon? 

"Abi, wait. She's my client." Napanganga ako sa sinabi niya. Ano raw? Client? Siya iyon?!

"What?!" Hindi niya sinagot ang tanong ko at pinuntahan lang iyong babae sa table niya. Aba, iniignore na ako ni Terrence ngayon, ha.

Naiirita ko nalang siyang sinundan at nang makaharap ko siya, narealize ko na hindi ko kaya talagang makapagpigil kapag nakikita ko ang pagmumukha niya kaya nagpaalam nalang ako kay Terrence na sa ibang table nalang ako uupo. Alam niyo na, "respeto" na rin sa business nilang dalawa. Ay, scratch that... Respeto nalang sa WORK ng boyfriend ko.

I'm currently playing games on my phone pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na tumingin sa gawi nila. Bakit kaya siya magpapainterior design kay Terrence? Babaguhin niya ba ang mansion? No! Hindi pwede. Legacy na ni papa iyong itsura ng mansion at wala siyang karapatang baguhin o sirain iyon. 

After kong marealize ang mga bagay na iyon, bigla akong napatayo sa upuan ko at akmang lalapitan na sana sila nang biglang may pumasok sa café at tumawag sa atensyon nilang dalawa.

"Hon!" Napalingon ako sa gawi ng lalaking pumasok at napaupo ulit ako sa kinauupuan ko. I was left dumbfounded. I looked at Terrence and I think he just saw my reaction just now because he keeps on flashing me this worried look on his face.

Napailing nalang ako sa kaniya at lumabas ng café. Bago ako lumabas, nakasalisi ko ang isa sa mga taong kinamumuhian ko at binigyan siya ng nakakasindak na titig bago tuluyang lumabas ng establishment. Hindi nalang sana pala ako sumama kay Terrence. Kaya ba ayaw nanaman niyang sabihin sa akin dahil baka pagbawalan ko siya? Tsk. I'm starting to hate it here. 

Nagpara ako ng taxi at sumakay rito. Narinig ko pang sinigaw ni Terrence ang pangalan ko pero inignore ko lang siya. 

Sinabi ko na sa driver kung saan ako dadalhin at pinaandar naman na niya agad ang sasakyan.

To: Boyfie <3

Bumalik ka na sa loob. Ayaw kong magkaproblema sa trabaho mo kaya umalis nalang ako. See you at the apartment. I love you.

Tinext ko nalang si Terrence para hindi na siya mag-alala pa. Unahin na muna niya ang trabaho niya dahil iyon ang mas importante. 

Pinagmasdan ko ang paligid sa labas ng bintana ng taxi—makulimlim. Sana hindi umulan. Traffic pa man din sa pupuntahan ko. Wala akong dalang payong. Tsk, grabe talaga ang kamalasang bumabalot sa buhay ko, oo. 

Nang makarating ako sa destinasyon ko, bumuntong-hininga muna ako at ginather ang sarili ko. Nagpapalakas lang ng loob kasi ngayon lang ulit ako nakapunta sa lugar na ito. Dapat kasi kahapon pa, kaso nahuli ko nga si Justine kaya naudlot. Tiyaka, I think it's about time na bumisita naman ako once in a while baka kasi ako nalang ang natitirang may pakialam. 

Hinanap ko ang pangalan niya na nakaukit sa mga lapida rito. At napatigil nalang ako sa kinatatayuan ko nang mahanap ko ito.

"Your Memory Will Remain In Our Hearts"

Feliciano Mendoza

June 24, 1967 - October 16, 2018

Nangilid ang mga luha ko nang mabasa ko ang pangalan niyang nakaukit sa lapida. 

"Sorry pa, kung ngayon lang ako bibisita sa iyo. Sorry rin dahil ngayon na nga lang ako makakabisita, wala man lang akong dinalang flowers at kandila. Biglaan ang pagpunta ko rito, eh. Wala na akong iba pang alam na puntahan kaya rito na muna ako dumiretso." Umupo ako sa tabi nito at kinapa ang lapida niya. I pulled my knees in my chin and buried my face against it and cried my eyes out, again. Wala na yatang araw na hindi ako umiiyak. 

"Did you know? Mom's getting remarried," I laughed while there are still tears running down my face. Pinunasan ko ito gamit ang laylayan ng damit ko at napahinga ng malalim.

"Hindi ko alam kung saan pa niya nakuha ang lakas ng loob para gawin iyon. After what she did to you? After what she did to our family?" I brushed my hair off of my face and once again rested my head against my knees. Nakatingin lang ako sa pangalan ni papa.

"I think hindi ko na talaga siya mapapatawad, pa. I'm sorry." Napatingin ako sa langit nang bigla itong kumulog. Biglang bumuhos ang malakas na ulan at bahagya akong napatawa.

"Masama rin ba ang loob mo, pa?" Tumulo muli ang luha ko nang bigla nanamang kumulog. It seems like sinasagot ako ng tatay ko. Sana totoo nalang.

I stayed in that position for a minute at tumayo na sa pagkakaupo. Pinunasan ko ang mga natitirang luha sa mukha ko at kinausap si papa.

"Mukhang walang balak tumila ang ulan, pa. Babalikan nalang ulit kita kapag okay na ang panahon. Sana sa pagbalik ko hindi ka na umiiyak, ha. I love you, pa." I took a last closer look at his name bago ko ito talikuran. 

Sakto namang tumalikod ako ay ang pag-ring naman ng phone ko. Napakunot ako ng noo nang mabasa ko kung sino ang caller.

Calling...

Justine's Adviser

Come Back, Abigail... (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon