Chapter 21

27 10 6
                                    

Abigail's POV

"Hindi ko alam kung bakit pa ako kailangang ipatawag ng department head kung pwede naman na niyang ibigay sa iyo ang document ng diretso," iritadong sabi ni ma'am Perez habang minamasahe niya ang noo niya.

"Baka type ka no'n ma'am," sulpot ni Lance sa gitna naming dalawa. Napatigil si ma'am sa ginagawa niya at tinignan siya ng masama bago naunang maglakad.

"Sungit talaga," bulong niya pero narinig ko pa rin. Humarap siya sa akin at nginitian ako habang siniko niya ang braso ko.

"Problem solved na ba?" I smiled awkwardly at tumango bago ako sumunod kay ma'am Perez.

Tinignan ko ang orasan ko nang makalabas kami ng building dahil napansin ko na nagdidilim na ang paligid. Sa kinahaba-haba kasi ng proseso namin sa paginvestigate eh, inabot na kami ng hapon.

"Bakit ka ba nandirito, Mr. Gutierrez? Sa pagkakaalala ko si Ms. Mendoza lang ang pinadala ko rito, ah?" Napatingin ako sa harapan ko at nakita ko si Lance na kinukulit si ma'am Perez. Naunahan na pala niya ako, hindi ko man lang namamalayan.

"Sige na, ma'am. Diba Abigail, gutom ka na rin?" Nanlaki ang mata ko sa biglang tanong ni Lance. Pahamak talaga.

Kinakabahan akong tumingin kay ma'am Perez at nakita kong nakatingin din siya sa akin habang nakataas ang isa niyang kilay at nakahalukipkip.

"Ha? Hindi. Sa bahay nalang ako kakain. Naghihintay na rin kasi kapatid ko roon," napahinga ako ng malalim nang iniwas na ni ma'am ang tingin niya sa akin at nilipat ito kay Lance.

"Fine. Bumalik na tayo sa office," nagtatampo niyang sabi at naglakad na kami papuntang parking lot. Si ma'am na ang nakasakay sa harapan habang ako eh nasa likod. Respeto na rin 'no. Nakakahiya kaya kung ako pa ang umupo roon.

Nang makarating kami sa office, iniwan ko sa desk ko ang mga documents na hawak-hawak ko at nagtime-out na.

Kinuha ko ang phone ko mula sa bag at nagulat ako nang makita kong marami akong natanggap na missed calls at text messages mula kay Terrence. Shocks! Hindi pala ako nagsabi sa kaniya na malelate ako ng uwi dahil nga pinuntahan ko yung kliyente namin.

Agad ko namang dinial ang number niya at buti nalang sinagot niya ito kaagad.

"Damn, Abigail! Bakit ngayon ka lang tumawag?" I bit my lower lip nang marinig ko ang boses niyang alalang-alala sa akin.

"Sorry. Ngayon ko lang kasi binuksan ang phone ko. Galing kasi kami ng senior ko sa isang client. Sorry talaga." Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Uuwi ka na ba? Susunduin na ba kita?" Umiling ako as if nakikita niya ako.

"Hindi na. Magtataxi nalang ako pauwi," sabi ko sa kaniya dahil ayoko na siyang maistorbo. Baka nagluluto pa 'yon sa apartment.

"Are you sure? Ingat ka sa pag-uwi ah. I love—" Hindi ko na natapos ang sinasabi ni Rence nang biglang may humatak ng palapulsuhan ko.

"Tara na hatid na kita." Bumitaw ako sa pagkakahawak niya at tinignan ang phone ko. Nakababa na ang tawag. Shit!

"Sorry Lance pero magtataxi nalang ako pauwi. Nakakahiya na kasi." Lumayo na ako sa kaniya bago siya magsalita para hindi na niya ako kulitin pa. Narinig yata kasi ni Terrence 'yong pag-aya niya sa akin kanina.

I tried calling again pero hindi na niya sinasagot. Buti nalang may dumating agad na bakanteng taxi kaya nakasakay ako kaagad rito. Kinakabahan ako habang pinaglalaruan ang phone ko dahil hindi na talaga niya ako tinawagan pabalik. 

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang naninigarilyo sa may porch nang makababa ako ng taxi. Agad ko siyang nilapitan at inagaw ang stick sa kaniya. Inapakan ko na rin ito para mawala ang sindi.

"I thought you already quit smoking?" Gulat na tanong ko sa kaniya. He looked at me coldly with his eyes. Nakaramdam ako bigla ng takot.

"Nakahanda na 'yong pagkain mo sa loob. Pumasok ka na," walang emosyon niyang sabi at nauna nang pumasok sa loob ng apartment. I was about to reach out his arm nang mapalingon ako sa dining area. Lumingon ako kay Rence pero wala na siya sa paningin ko. Baka umakyat na siya papuntang kwarto.

"Shit," napamura nalang ako at napasapo sa ulo ko nang marealize ko kung para saan ang nakahanda ngayon sa lamesa. "Ang tanga mo, Abi," sabi ko sarili ko at pinulot ang papel na nakalapag sa tabi ng plato ko.

Happy 4th Anniversary Babe!

Stay strong sa ating dalawa! I love you always. <3 <3 <3

Napatakip ako sa bibig ko nang mabasa ko kung ano ang nakasulat dito. How can I damn forget our anniversary? Masyado na yatang occupied ang utak ko at pati 'to eh nakakalimutan ko na rin.

Inilapag ko muna ang letter sa lamesa at pinuntahan si Terrence sa kwarto. Napabuntong-hininga ako nang makita ko siyang nakasandal sa may balcony. Malalim ang iniisip. Ang tanga-tanga mo talaga, Abi!

Tahimik ko siyang tinabihan at binasa ang mood niya. Napansin kong napatingin siya sa akin saglit pero iniwas din ito kaagad.

Tahimik lang ako kasi naghahanap ako ng sasabihin sa kaniya. Naramdaman kong gumalaw siya sa pwesto niya at aalis na sana nang hawakan ko ang laylayan ng t-shirt niya.

"I'm sorry." Tumigil lang siya sa paglalakad pero 'di niya ako nililingon. Hinihintay niya yata ang susunod kong sasabihin.

"I was so busy. Hindi ko namalayan 'yong araw ngayon. I'm so sorry." Napahigpit ang hawak ko sa damit niya para 'di niya maisipang layuan ako. Kailangan naming mag-usap. Ayaw ko nang ganitong iniignore niya ako.

"Uy Rence, kausapin mo naman ako." Malapit na akong maiyak sa kinatatayuan ko pero pinipigilan ko lang. Nagsisimula nang bumigat ang dibdib ko at manghina ang mga tuhod ko. Niyakap ko siya mula sa likuran niya bilang support baka bigla akong matumba ng 'di oras dito. Binaon ko ang ulo ko sa likod niya.

"Si Lance?" Napaangat ang ulo ko nang magbanggit siya ng pangalan. Sabi na eh, narinig niya 'yong pag-aya niya sa akin.

"Tinanggihan ko naman yung offer niya kanina, eh. Nakita mo naman akong nakataxi diba?" Hinigpitan ko pa ang yakap sa kaniya kasi feeling ko anytime by now, kakalas siya at iiwan akong mag-isa ulit dito.

"Sumakay ka parin sa kotse niya," bulong niya pero sapat lang para marinig ko. Natahimik ako. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na kahit anong tunog sa bunganga ko. Parang gumawa tuloy ako ng matinding kasalanan sa kaniya kahit wala naman akong ginagawang masama. 

"Pano—," hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang bigla niyang tanggalin ang braso kong nakayakap sa kaniya.

"Do'n muna ako sa condo matutulog," wala paring emosyong sabi niya at dumiretso lang ng lakad palabas ng kwarto. I was about to follow him nang tuluyang manghina ang tuhod ko at napabagsak ako sa sahig. A tear fell down my face.

I was expecting him to come back at sabihing prank lang lahat ng 'to at nagkukunware lang siyang galit pero tuluyang bumagsak ang mga luha ko nang marinig ko ang pagbukas ng makina ng sasakyan niya at ang unti-unting paglaho ng tunog nito mula sa apartment.

Iniwan nanaman niya ako.

Come Back, Abigail... (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon