[3]

1.1K 20 7
                                    

FLASHBACK


Nag ring bigla yung phone ko pag tingin ko si Mina yung tumatawag kaya agad kong sinagot

"Hi love kamusta napatawag ka?" Tanong ko

"Chaeyoung pumunta ka sa dati nating tambayan mamayang gabi may pag-uusapan tayo" hindi nya sinagot ang tanong ko, halatang may galit sa tono ang boses nya

"Teka love bakit?" Pagtatanong ko ulit

"Basta pumunta ka dun nalang tayo mag usap, bye." Sagot nya dipa ako nakakasagot pero agad na nyang binaba yung phone

Ano nanaman ginawa ko bat galit yun? Tanong ko sa sarili at sinimulan ng tapusin ang trabaho ko

Pag kagabi agad na akong pumunta sa dating naming tambayan doon nakita ko syang nakaupo sa isang bench

"Love" sabi ko at akmang hahalikan na sya sa labi pero napahinto nalang ako sa ginawa nya

Sinampal nya ako. Tulala akong nakatingin sa kanya

"Hanggang kailan mo pa balak itago sakin Chaeyoung?" Tanong sakin ni Mina

Kahit ang sakit pa ng mukha ko pinilit kong sumagot "A-anong pinagsasabi mo?"

"Na may nangyari sa inyong dalawa ni Somi?!" Sigaw nya sakin gulat akong napatitig sa kanya pa'no nya nalaman

"Ano Chaeyoung haggang kailan pa?!" Tanong nya umiiyak na sya

Diko kayang nakikita syang umiiyak ng dahil sakin. Para bang nadudurog puso ko

"Chaeyoung sumagot ka!" Sigaw nya

"Hindi namin yun sinasadya lasing kami nun di na namin alam kong anong nangyare" paliwanag ko at lumapit sa kanya pero lumayo sya

"Lasing? Kung mahal mo talaga ako Chaeyoung kahit lasing kapa hindi mo magagawa yon!" Sigaw nya sakin at pinag hahampas na nya ako sa dibdib

"Hayop ka Chaeyoung minahal kita minahal kita!" Sigaw nya kaya't niyakap kona sya

"Minahal kita Chaeyoung pero ba't mo ginawa sakin 'to?" Tanong nya habang umiiyak

"Sorry Mina sorry mahal na mahal din kita" sabi ko sa kanya habang nakayakap

Agad syang kumalas at tinignan ako sa mata

"Hindi mo ako mahal Chaeyoung" sabi nya

"Mina, swear mahal kita" sabi ko pag kukumbinsi sa kanya

"Hindi. Hindi mo ako mahal Chaeyoung" sabi nya naluluha na ako sa nangyayare

"Let's take a break" saad ni Mina

"Ayun yung nangyare" saad ko at ininom na ang alak sa baso

"Eh gago ka pala bat mo ginawa yun?" Tanong sakin ni Tzuyu

"Hindi ko sinasadya lasing ako nun. " sabi ko

"Kahit na Chaeng kahit lasing kapa" saad ni Tzuyu

Kaya uminom nalang kami ng uminom

LOVE ME AGAIN // MICHAENG ✔Where stories live. Discover now