Pag dating namin don ay ang dami na kaagad tao kaya dumaretso na lamang kami sa v.i.p room
"Order naba ako?" Tanong ni Dahyun tumango naman kaming lahat
"Kuya yung palagi naming ino-order ha" sabi ni Dahyun sa lalaki at tumango naman ito at umalis
Kitang-kita namin dito sa taas ang mga taong nag sasayawan
"So kamusta na kayo ni Mina pre?" Pag tatanong sakin ni Jeongyeon habang nakatingin sa mga taong nag sasayawan
"Ayun sinubukan kong kausapin pero wala parin ayaw nya na talaga" sagot ko
"Wag kang sumuko pre mapapatawad ka rin nyan" sabi ni Jeongyeon at tinapik tapik ang likod ko
Habang nanonood ay dumating na ang order ni Dahyun at yung lalaki ay may kasama ng mga babae
"Bat may kasamang babae?" Tanong ni Tzuyu
"Ay sir ayaw nyo po ba?" Tanong nung lalaki
"Ayaw namin may mga girlfriend na kami" sabi ni Tzuyu kaya't tumango ang lalaki at lumabas naman ang mga lalaki
"Let's start" sabi ni Jeongyeon at nag lagay ng alak sa baso
Tuloy-tuloy lang ang pag inom namin ng alak hanggat sa nalasing na ang tatlo ako medyo hilo na
"Balak ko ng pakasalan si Momo next 2 months" sabi ni Dahyun at ininom ang alak sa baso
"Gusto na naming bumuo ng sariling pamilya" sabi ulit ni Dahyun
"Kayo pre anong plano nyo ni Nayeon?" Tanong ni tzuyu tahimik lang akong nakikinig dahil wala na rin naman lahat ng plano ko nasira na dahil sa kagaguhan ko
"Gusto muna naming mag pakasaya pero sigurado na kami na kami na yung para sa isa't-isa" sabi naman ni Jeongyeon
"Labas muna ako pre" paalam ko sa kanilang tatlo dahil di ako maka relate sa usapan nila at gusto ko din makalanghap ng hangin
Pag labas ko sa bar ay umupo ako sa isang bench at doon nag isip-isip
Sa kalagitnaan ng pag iisip ko ay may narinig akong nag aaway kaya't pinuntahan ko ito
"Sge na please balikan mo na ako" sabi nung lalaki sa isang babae, hindi ko makita yung mukha nung babae dahil nakatalikod ito sa akin
"Bambam ayoko nga diba? Sabing ayoko eh" sagot naman nung babae pero bambam? Parang pamilyar
"Mina mahal na mahal kita balikan mo na ako" sagot ni bambam habang hawak-hawak si Mina sa braso
Pag karinig na pag karinig ko sa pangalan ni Mina ay agad akong lumapit sa kanila at sinuntok si Bambam
Tumalsik sya sa sahig at agad naman syang nilapitan ni Mina
"Chaeyoung bat mo ginawa yon?!" Tanong ni Mina sakin pero diko sya pinansin at tinignan lang si Bambam
"Gago ka sino ka para sapakin ako?!" Tanong ni Bambam at tumayo
Sinubukan nya akong suntukin pero nakailag ako at sya naman ang sinuntok ko
"Sino ka rin para ganunin si Mina ha?!" Tanong ko sa kanya at sinugod ulit sya dumagan ako sa kanya at pinag susuntok sya
Umawat samin si Mina pero hindi ako nag papigil
"Layuan mo na si Mina gago ka!" Sigaw ko at sinuntok ulit sya
Tumigil lang ako nung dumating sila Jeongyeon at inawat ako
![](https://img.wattpad.com/cover/224833757-288-k101158.jpg)
YOU ARE READING
LOVE ME AGAIN // MICHAENG ✔
Roman d'amour"Let's take a break" agad akong napatingin kay Mina nung sinabi nya yun