Pag pasok ko sa office nya ay naabutan ko syang busy sa trabaho
"Mina" sabi ko at agad naman syang napatingin sakin
"What are you doing here?" Sabi nya sakin
"Mina mag usap tayo please" sabi ko at lumapit sa kanya
"Chaeyoung wala na tayong dapat pang pag-usapan tapos na tayo" sabi nya
"Pero Mina mahal kita mahal na mahal kita" sabi ko at naluluha nanaman
"Sana inisip mo 'yan bago may mangyari sa inyo ni Somi" sagot nya sakin naluluha na din sya
"Mina sorry please patawarin mo ko" sabi ko at lumuhod na sa harap nya
"Pagod na ako Chaeyoung tama na" sabi nya
"Give me another chance please" sabi ko at hinawakan ang kamay nya
"Another chance? Ilang beses na kitang binigyan ng chance pero sinayang mo lang!" Sagot nya
"Please Mina please sorry sorry" sabi ko
"Ayoko na Chaeyoung tumigil kana" sabi nya at lumabas na ng office
"Tangina! Tanginamo talaga Chaeyoung bakit ka ganyan?! Sinayang mo sya sinayang mo sya!" Sigaw ko sa sarili ko at pinag sasapak ay sahig
Diko pa rin mapigilang umiyak habang inaayos ang sarili
Bago ako lumabas ay pinunasan ko muna ang mga luha ko para walang makakita na umiiyak ako
Dire-diretso akong lumabas at sumakay sa kotse at pinaandar iyon
Pag dating kong bahay ay kinuha ko agad ang alak sa cabinet at ininom ito
Panay inom lang ang ginawa ko buong gabi hanggat sa makatulog na lamang ako
Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko kinuha ko naman iyon at sinagot
"Oh?" garalgal kong sabi
"Di ka papasok?" Tanong ng kung sino
"Sino 'to?" Tanong ko habang nakapikit pa
"Si jeongyeon 'to" sagot naman ni Jeongyeon sa kabilang linya
"Di ako papasok, bakit?" Pagtatanong ko
"Wala lang naman, asan ka?" Tanong nya nanaman ulit
"Andito sa bahay ang dami mong tanong" sabi ko at in-end na ang call
Umakyat ako ng kwarto na hilong-hilo kumuha ako ng damit sa cabinet para maligo at makapag palit na
Pag katapos kong maligo ay nag palit na ako ng damit naka boxer lang ako at sweater
Bumaba ako ng kusina para magluto ng almusal at mag linis
Habang nag luluto ay tumawag nanaman si Jeongyeon
"Bakit nanaman?" Tanong ko
"Chill, punta kami dyan" sagot nya
"Sge" sabi ko naman at in-end na ang call
Pinatay ko na ang stove at nilagay na sa plato ang pagkain at nag simula na akong kumain
Plano ko na mag linis ng bahay ngayon kahit wala ako sa mood
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko muna ang mga plato at niligpit ang mga bote ng alak na nakakalat
Sunod naman ay nag simula na akong maglinis
Habang nag lilinis ay biglang may nag door bell
"Sandali" sagot ko at pinunasan ko muna pawis ko
Pero sunod-sunod na ang door bell kaya't pumunta na ako sa pinto
"Sabing sandali" sabi ko at binuksan na ang pinto
"Ang tagal mo naman buksan" sabi ni Dahyun
"Sabi ko kase sandali diba" sagot ko naman
"Ano ba kaseng ginagawa mo?" Tanong ni Jeongyeon
"Naglilinis" sagot ko agad namang napatingin sakin yung tatlo
"Bakit?" Tanong ko
"May sakit kaba? Parang sipag mo ata ngayon?" Sabi ni Tzuyu
"Wala naman trip ko lang mag linis" sabi ko at nag linis na ulit
Pag katapos kong mag linis ay umupo na ako sa sofa
Nag lalaro si Tzuyu at Dahyun ng video game at nakaupo lang si Jeongyeon sa sofa
"Gusto mo bang mag bar mamaya?" Tanong ni Jeongyeon
"Kayo bahala" sabi ko
"Gusto nyo mag bar mamaya?" Tanong ni Jeongyeon sa dalawa
"Sure!/Gusto ko 'yan!" Sagot nung dalawa
"Sge paalam muna tayo sa girls baka magalit yun" sagot ni Jeongyeon kaya't agad naman nilang nilabas ang mga phone nila at tinext mga girlfriend nila
"Papaalam din sana ako kay Mina kaso wala na pala kami" sabi ko sa sarili ko at napabuntong hininga na lamang
"Matutulog muna ako ha, gisingin nyo nalang ako kapag aalis na" sabi ko sa kanila at umakyat na sa taas at natulog
Kinagabihan ay nagising ako sa yugyog sakin ni Jeongyeon sabi nya ay alis na daw kami kaya't dali-dali akong naligo at nag bihis
"Kotse ko nalang gamitin natin" sabi ko at kinuha ang susi ng kotse sa table
"Malamang wala naman kaming dalang kotse papunta rito eh" sabi ni Tzuyu
"Bugok" sabi ko at tumawa
Dumaretso kami sa labas ng bahay at isa-isang sumakay sa kotse, pinaandar ko na ang kotse at dumaretso na sa bar
YOU ARE READING
LOVE ME AGAIN // MICHAENG ✔
Romance"Let's take a break" agad akong napatingin kay Mina nung sinabi nya yun