[8]

1K 19 1
                                    


Limang taon na ang nakalipas simula nung umalis akong korea, kaya't naisipan kong tawagan sila Tzuyu

Dinial ko ang number nya at nag simula na itong mag ring, sinagot naman agad ni Tzuyu sa kabilang linya

"Oh pre kamusta? Tagal mong di tumawag ah?" Sabi ni Tzuyu sa kabilang linya, napangisi na lang ako dahil na miss ko din itong mga tukmol na to

"Ayos lang ako dito, sorry kung di ako nakatawag kamusta na pala kayo dyan?" Tanong ko at umupo sa isang bench

"Ayos lang kami dito eto mag kakaroon na kami ng pangalawang anak ni Sana" sabi ni Tzuyu

"Wow congrats pre, lakas mo talaga" sabi ko at tumwa naman sya sa kabilang linya

"Si Jeongyeon pre tsaka si Dahyun kamusta?" Tanong ko

"Si Jeongyeon ayun may isa na silang anak ni Nayeon lalaki tapos si Dahyun naman may kambal ng anak kay Momo puro lalaki din" sabi ni Tzuyu

"Ah ganun ba, lahat pala kayo may anak na" sabi ko

"Eh si Mina pre kamusta na?" Pagtatanong ko ulit

"Si Mina ayos naman sya pre namimiss ka na nun pre" sabi ni Tzuyu kaya't napangiti naman ako

"May sasabihin ako pero sa atin lang ito ha" sabi ko

"Oh sge ano yon?" Sagot ni Tzuyu

"Uuwi na ako bukas,balak kong surpresahin si Mina tulungan nyo ako" sabi ko

"Talaga pre? Sge ano bang plano?" Sabi ni Tzuyu kaya't sinabi ko sa kanya lahat ng plano

"Ayun yung plano asikasuhin nyo na pre ha" sabi ko at nag paalam na

Binaba ko na ang call at nag simula ng mag lakad pauwi


Maaga akong nagising para maligo,dahil maaga ang flight ko pabalik sa korea. Mamimiss ko din itong kwarto kong 'to

Bago ako bumalik ng korea ay nag pagupit muna ako ( iimagine nyo nalang yung gupit nya noon na short hair na panglalaki hehe)

"Jeongyeon sunduin mo ako sa airport sa korea, alam mo na rin naman siguro ang plano diba" sabi ko kay Jeongyeon

"Oo pre" sagot ni Jeongyeon at binaba na ang call

Agad naman akong pumunta sa airport

Mahigit anim na oras rin ang byahe kaya't naka dating akong korea mga hapon na

Paglabas ko ng airport ay nakita ko kaagad si Jeongyeon

"Pre grabe namiss kita" sabi nya habang nakayakap sakin

"Namiss din kita, grabe tumanda kana pre" sabi ko at sumimangot naman si Jeongyeon

"Atleast gwapo parin" sabi nya

"Nag pagupit ka pala mas lalo kang bumata sa buhok mo" sabi nya

"Ganyan talaga pag Son chaeyoung" sabi ko at sumakay na kami sa kanyang kotse

LOVE ME AGAIN // MICHAENG ✔Where stories live. Discover now