Kade's POV.
"Putcha pare sana naman may mga magagandang freshmen ngayon. Hindi 'yong mga mukhang bata na akala mo pagkasama natin ay mukha na tayong mga tatay."
Napatawa ako sa sinabi ng kaibigan ko. May pa welcome party ang school namin ngayon sa mga freshmen kaya ito ang dami na namang sinasabi ng isang 'to. 2nd year college na kami sa kursong Business Ad.
Mga varsity din kami sa school, kaya maraming mga babae itong mga kaibigan ko. Ako lang wala masyado raw kasi akong pihikan sa babae. Pero hindi ko naman maitatanggi yun dahil totoo naman iyon.
"Pag may maganda talagang chics pare ay nako magtitino na talaga ako." Sambit ng kaibigan ko.
"Ilang beses ko ng narinig 'yan pare, scam 'yan. Scam." Sagot ko sa kanya at umiling iling.
"Alam mo ikaw palibhasa lahat na lang pinapatulan mo eh." Natatawang sambit niya sakin.
"Ulul manahimik ka na nga lang diyan." Sagot ko sa kanya at inayos ang damit ko.
Mga 8 mag-uumpisa ang pa welcome party ng school namin. 7:30 p.m na at ito nag aayos na kami ngayon. Okay lang na malate kami ngayon dahil wala namang kaabang abang kung hindi ang party.
I just wear gray round-neck knit top shirt, paired with black straight-cut jeans. Tinuck-in ko ito at may itim na belt at white lace up platform sneakers. Inibagsak ko lang ang buhok ko.
Iyong mukhang hindi nagsuklay ng slight. Sinuot ko na ang relo ko at inilagay sa bulsa ang wallet at cellphone.
"Putcha pare, kung hindi lang ako lalaki malalaglag na siguro 'tong panty ko." Natatawang sambit niya.
Pinakyuhan ko lang siya at umalis na kami sa bahay ko. Oo nasa bahay ko siya ngayon dahil ayaw niya sa bahay niya mag ayos. Sasakyan ko ang dinala namin para hindi daw hassle, akala niya siguro hindi ko alam na tamad lang siyang magdala ng sasakyan niya.
Dumating kami saktong 8 dahil traffic bandang taft. Pumasok kami at panay ang bati samin ng mga kakilala naming babae. Hinanap agad namin yung team namin kung saan nagtable at no'ng papunta na kami ay may nagsalita na sa harapan.
"Let's give around of applause to LPU Dance Troupe!"
Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa table namin. Nagkamayan at batian saka tuluyang umupo. Lumabas ang mga dance troupe isa isa at may nadagdag sa kanila kahit papaano ah.
Nahinto ang paningin ko sa huling lumabas. Parang ngayon ko lang nakita ang mukhang yan ah. Ang ganda niya at napakainosente no'ng mukha niya. Parang may hinahanap ang mata niya at tumingin naman ako sa paligid, para akong naghahanap ng kung sinong tao.
Maya-maya pa ay bigla na lang kumaway ang babaeng nasa tabing table namin. Napatingin ako doon sa babaeng nasa stage at nakita kung paano siya ngumiti.
Tumingin ulit ako sa babaeng nasa tabing table namin at ang lawak ng ngiti niya parang si Joker abot tenga ang ngiti. Napatingin ulit ako sa babaeng nasa stage at ngumiti siya lalo na parang mawawala na ang mata niya, hindi naman siya ganun ka singkit at hindi din malaki ang mata niya pero pagngumiti siya nawawala ito. Umiling siya at tumugtog na ang kanta.
"Bro ang ganda no'ng huling lumabas na miyembro ng dance troupe." Sambit ng ka team ko at napatingin ako sa kanya. Ang lawak ng ngiti niya at kitang kita mo ang pagkamangha sa mukha niya.
Napailing ako at tumingin ulit sa harapan. Sumasayaw na sila at hindi ko maiwasang hindi siya tignan ang lambot ng katawan niya at parang enjoy na enjoy siya sa pagsasayaw.
Panay ang ngiti niya sa lahat ng tao at mamaya maya pa ay seseryoso at didila. Ngingiti at seseryoso tapos didila. Parang kinilabutan ako habang pinapanood siya. Bakit ganito ang epekto ng babaeng 'to? Bago lang 'to dahil ngayon ko lang siya nakita.
BINABASA MO ANG
Above the Skies [Completed 2020]
Teen FictionAbove Trilogy #1 Erina Loezen Revelry a smart, talented, and nice kumbaga nasa kanya na ang lahat. She can do whatever she wants to do. But when Kade Gus Remington came to her life, lahat nagbago. Lahat ng hindi niya nagagawa at akalang hindi niya m...