Chapter 03

11 3 0
                                    

Eri's POV.

"Wala ka pang boyfriend? Sa ganda mong 'yan?"

Hindi ko maiwasang magtaas ng kilay sa sinabi niyang iyon. Hindi na ba pwedeng walang boyfriend ang mga katulad ko? Required ba na dapat pag maganda ka o may itchura ay kailangang may boyfriend ka?

Why do people think that if you are beautiful you should have a boyfriend? Because of the looks? Fuck! It's unreasonable, the mind of this people is unbelievable.

"Don't get me wrong ah, pero ang gaganda n'yo kasi tapos wala kayong boyfriend. Like wala bang nanligaw sa inyo ganun?" Pagpapaliwanag niya.

Kahit siguro magpaliwanag ka hindi pa din kita maintindihan.

"Meron naman, sadyang hindi lang kami interasado minsan. Hindi naman kasi 'yon ang priority namin." Sagot naman ni Ara.

Ayokong ibuka ang bibig ko dahil baka may masabi akong hindi nila magustuhan. Hindi ako sobrang bait para hindi maapektuhan sa ganyan. Naiisip ko palang na mukha yung pinagbabasehan sobrang nababadtrip na ako eh.

"Cool! Ngayon lang ako nakakilala ng ganyang tao, HAHAHA astig." Natatawa niyang sambit.

Napatingin ako sa kanya at kinunutan siya ng noo. Anong cool do'n? Nababaliw na ba 'to?

"Bakit hindi ka pala nag boboyfriend Eri?" Tanong sakin ni Night.

Napatingin ako sa kanya diretsong-diretso. Bakit ba tanong ng tanong 'to? May balak ba maging reporter 'to?

"Ay nako! Mahabang kwento kaya hindi na nagboboyfriend yan." Sagot naman ni Ara.

Pinangdilatan ko siya ng mata, pag naging komportable talaga siya sa mga tao lumalabas pagkamadaldal eh. Mas okay ng hindi niya close ang lahat para nananahimik siya.

"Niloko ka ba?"

Napatingin ako sa nagsalita. Kinunutan ko siya ng noo at ramdam na ramdam ko na ang pagkasalubong ng kilay ko. Wth! Anong pinagsasabi nito?

"What did you say?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko na mapigilang hindi mainis.

"Ang sabi ko niloko ka ba kako?" Paguulit niya.

Mas lalong sumama na talaga ang mukha ko. Ramdam ko na at halos lahat ng dugo ko umakyat na sa ulo ko.

"Who are you to say that?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko na talagang sumabog. Feeling ko sasama din 'tong puso ko sa pagsubog.

"Wala. Ganyan naman ang mga babae 'di ba? 'Yong tipong lahat ng tao sa paligid mo manloloko at hindi mapagkakatiwalaan." Sagot niya sakin at nangingilagid na agad ang luha ko. Nanginginig na rin ang kamay ko. Kinuyom ko ito.

"You don't know anything, so shut up. You don't know how hard to be in this situation. You don't know how hard to trust people. Yes you're right, ganun kami masaktang mga babae. But before you talk about that make sure na naranasan mo muna and also try to put yourself in that situation and tell me how does it feel. Para alam mo 'yong sakit." Inis na sabi ko saka tumayo.

Umalis ako sa table namin dahil hindi ko na talaga kaya. It's your fault asshole!! Kung hindi mo ko sinaktan baka kaya ko pang makipagusap sa kanila ng ganon ang topic. Mabilis na tumulo ang luha sa mga mata ko at nagdire-diretso akong lumabas.

I-te-text ko na lang si Ara, ang hina ko talaga sa ganun. Naglakad ako palabas at sa hindi inaasahan nakita ko sa may entrance ang taong nanakit sakin. How funny to see him with other girls, na para bang walang tao sa paligid nila.

Once a whore, always a whore. Magtutuloy na sana ako sa paglabas ng tumingin siya sakin. Nagulat siya at napalayo sa babaeng kahalikan niya. Did you see a ghost from the past, ex-boyfriend?

Above the Skies [Completed 2020]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon