Chapter 05

9 3 0
                                    

Kade's POV.

"Do you guys, talk na ba?"

Napatingin ako kay Essie, hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang magkambal sila. Hindi sila sobrang magkamukha, may pagkakahawig lang. Hindi ko na talaga alam gagawin ko no'ng nalaman kong magkambal sila. Parang sasabog yung utak ko.

"Hindi. Hindi kami nag-uusap niyan." Sagot sa kanya ni Erina at pinandilatan ako.

Parang sinasabi niyang 'wag kong sabihing nag-usap na kami. For sure ayaw niyang saktan ang kakambal niya. Naibagsak ko ang balikat ko at nag tiim bagang.

"Why? I thought you we're on the same school, and then hindi pa pala kayo nag-uusap?" Tanong naman ni Essie.

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa'kin hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Nakausap ko lang 'yang kakambal mo kagabi at kagabi ko lang din iyan nakita.

Halos dalawang buwan na ko na ding nililigawan si Essie. Nakilala ko siya sa kaibigan kong si Slate, schoolmates sila. The day when I saw her, I just can't help but to stare at her.

She's really beautiful, and nice to everyone. Parang nakakatakot siyang saktan, dahil tulad ng kakambal niya mukha din siyang anghel.

"Hindi ibig sabihing nasa iisang school lang kami Essie, eh dapat lagi na kaming mag-uusap dalawa. Besides I don't know him, and I don't see him often in our school. Kahit na tulad ng sabi ni Daddy na hindi naman kalakihan ang school namin, ay hindi pa rin kami nagkakausap or nagkakakita niyan." Depensa naman ni Erina.

Tumingin ako sa kanya at nakatingin lang siya sa kapatid niya. At nakikita mo sa mga mata niyang naiilang na siya sa usapan at ayaw na niyang pagusapan ito.

"Okay, okay. Enough for this topic. Why don't we just ask the kids about what they want in the near future?" Nakangiting sambit no'ng Mommy nila Erina at Essie.

Si Mrs. Revelry, she's also beautiful like her daughters. Half ang hati sa mga anak nila, ang kay Essie ay kalahati ang sa tatay niya at kalahati naman sa nanay niya ang itchura niya.

Si Erina naman ay mas hawig niya masyado ang papa niya at ang nakuha niya lang sa Mama niya ay ang labi, at ang dating nito.

"Me Tita, I want to be a Flight Attendant and travel all around the world. And if I'm tired na, siguro doon lang po ako mag-aasawa." Nakangiting sagot naman no'ng kaibigan ni Erina at tumawa naman ang halos nandito sa lamesa.

"You're so silly, hija." Natatawang sagot ni Mommy.

"Sorry po pero that's what I want to do po kasi Tita. Like I want to see the beauty of this world po, because I believe that meron pa pong magagandang places dito sa mundo na hindi masyadong nakikita." Confident na sagot naman ulit no'ng kaibigan ni Erina if I'm not mistaken her name is Zaara.

"That's good to her that hija. Mukhang maganda ang pagpapalaki mo sa anak mo, Zcion." Sagot naman ni Daddy.

"Well, I always tell them that they should do what ever they want to do. And I'm happy because they do. That only makes me happy and proud to see them achieving their dreams and doing what they really want." Nakangiting sagot naman ni Tito Zcion.

"You Essie hija, what do you want to do in the near future?" Tanong naman ni Mommy.

Tumingin muna sakin si Essie at ngumiting lumingon kay Mommy. That's my baby, you should always smile because that's what makes you more beautiful.

"I want to have my own clothing lines, and design all the clothes inside it. And after that po siguro I will settle down na po and focus on my own family. And also I want to give my parents a grandchildren, hindi na rin po kasi bumabata sila Mommy and Daddy I want to experience them seeing all of their grandchildren's." Sagot naman ni Essie at mas lalong lumawak ang ngiti ng kanyang ina at humahalakhak naman ang kanyang ama.

Above the Skies [Completed 2020]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon