CHAPTER 1 -

121 9 0
                                    

(CP Ringtone)

Take it off I wanna love ya

and everybody wanna touch you, 

You movin right wanna see what's

up under then back it up,

beep beep like a trucker.

Tunog ng Cellphone ko ang gumising sa pagkakahimbing ko, ang aga mambulahaw ng caller na to, sino naman kaya to. Tsk.

"Hello, Who's This?"

"Pre, Steve to, kumusta ka na? Andito na kong Pinas pre, Labas na tayo!"

"Ikaw pala yan, akala ko kung sino nanaman, tsk, Im doing good pare, ganun pa din walang pinagbago. Ikaw ba, kelan ka pa dumating?" Napangiti ako ng malaman kong si Steven pala yung tumatawag saken. 

"Haha, Oo nga pala wala ka ng pag asang magbago. hahaha. Im here at our favorite hang-out Pare, join me, inom tayo namiss kita kahit pano, hehe, don't worry its my treat. I'll wait for you, Bye!"

"Waiiiii ...." tooooooooot .. tooooooooot .

Taong yun pinatay agad, hindi man lang hinintay yung sagot ko. Makapagbihis na nga, namiss ko din yung ungas na yun kahit pano. Simple lang suot ko Jeans at T-shirt, hindi naman kase ako maarte manamit, as long as nakadamit ako, ok na saken na yun.

Lumabas na ko sa garahe at sumakay sa Aston Martin ko, mahilig ako sa cars, actually kotse den ang business ko. May sarili akong negosyo pero nag-aaral pa rin ako, 4thYear College na ko sa course na Civil Engineering sa Clifford University, hindi naman ako pinipilit nila Papa na imanage yung Family Business namen kahit na makagraduate na ko, malakas pa naman si Papa kayang kaya niya pa yun, tutal magkatuwang naman sila ni mama. Mabait ang Parents ko hindi sila katulad ng iba na mas gustong sila ang magpatakbo ng buhay ng mga anak nila.

Malapit na pala ko sa CooL Wind, yun ang pangalan ng Bar na madalas naming pinupuntahan ng Bestfriend kong si Steven, Siya si John Steven Alcantara, siya na ang naging Bestfriend ko since we were young, magkaklase kame simula pre-school hanggang HighSchool, college lang kame nagkahiwalay dahil magkaibang course ang tinake namen at sa ibang bansa na siya nag-aaral.

Naipark ko na ang sportscar ko sa parking ng bar, pumasok na ko sa loob at hinanap ng mga mata ko si Steve, hindi naman ako natagalan sa paghanap dahil nasa bungad lang ang pinili niyang table, kasama niya ang iba naming barkada, sina Kirk, Jeff at Vino. Lumapit na ako sa kanila.

"Kumusta mga pare?" Isa-isa ko silang kinamayan at tinapik sa braso, at umupo ako sa bakanteng silya.

"Buti nakarating ka, tagal din nateng di nagkitakita ah." Sabe ni Vino at inabutan niya ako ng bote ng Beer.

"Kayo eh busy kayo masyado, ako naman free kahit anung oras niyo tawagan." Sabe ko, sabay tungga sa bote ng beer. Bakasyon pa kase kaya free ako.

"Uy, Balita ko si Jeff may bagong pinopormahan ah." Pang-aasar ni Kirk kay Jeff.

She's my FAiRY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon