CHAPTER 6 -

76 2 0
                                    

Nakarating na sila sa bahay ni Grey.

Sandali lang din yung biyahe nila dahil sa madaling araw na nga. Pinarada na ni Grey ang kotse nya at bumaba na, inalalayan niyang bumaba si Lightwish sa kotse.

Pumasok na sila sa loob ng bahay.

"Ahm, mag shower ka muna dun sa banyo." sabi ni Grey sabay turo sa banyo.

Ay oo nga pala hindi nga pala siya nakakaintindi ng english. Kausap ni Grey sa sarili.

"Maligo ka muna dun sa banyo, tapos dadalhan na lang kita ng damit. May mga twalya naman sa loob yun na lang yung gamitin mo, kailangan mong maligo para di ka lagnatin. Magbaba na lang ako ng damit para sayo."

Hindi na niya hinintay na sumagot pa ito. Umakyat na siya sa taas at pumasok sa kwarto ni Pinky para kumuha ng damit para dito, bukas na lang niya ng umaga ito bibilihan ng mga gamit, kumuha siya ng isang t-shirt at pajama para dito. At bumaba na siya para ibigay yung damit. Pagbaba niya nasa cr na ito. Kinatok niya.

"Hey, Fairy, andito yung damit mo sa sofa ha. kunin mo na lang, maliligo lang din muna ako sa taas." Sigaw niya. Hinintay niyang sumagot ito, dinikit niya pa yung tenga niya sa may pinto para mas marinig niya kung anuman ang sasabihin nito, pero nakakailang segundo na syang nakatayo, puro lagaslas lang ng tubig ang naririnig niya. Baka naliligo na yun, narinig naman niya siguro. Hmm. Kibit balikat siyang naglakad paakyat sa kwarto niya.

          Pumasok na si Lightwish sa banyo pag akyat na pag akyat ni Grey sa taas. Inilibot niya ang paningin niya sa loob. Wow, ang ganda talaga. kausap niya sa sarili. Anu kaya to? tanung niya sa sarili niya ule, sabay hawak sa gripo. Pinihit niya ito. Nagulat pa siya ng may bumuhos na tubig sa ulunan niya. Hala, umuulan. Ang galing. tuwang tuwang sabi niya sa sarili, nagtatalon pa siya sabay palakpak.

Narinig niyang sumigaw si Grey pero hindi niya ito sinagot dahil nga sa nag-eenjoy pa siya. Mga 365 days siyang nagtagal sa cr. Tuwang tuwa nga kasi siya sa ulan.

Samantalang si Grey naman ay pumasok na din sa banyo niya para maligo. Binilisan lang niya ang pagligo para makapagluto siya ng makakaen, dahil sigurado siyang nagugutom na ang mga alaga ni Miss Fairy sa chan. Nagbihis lang siya ng sando at boxers, sanay siya sa mga ganitong damitan kapag na sa bahay lang siya. At sigurado siyang hindi naman malisyosa si Miss Fairy. Dahil nga sa isa itong diwata.

Bumaba na uli siya, tumingin siya sa may gawi ng cr, nakakarinig pa siya ng lagaslas ng tubig kaya't sigurado siyang hindi pa ito tapos. Nagtuloy na siya sa kusina. As usual hotdog at itlog lang ulit ang lulutuin niya dahil sa iyon lang ang meron siya, naghalungkat din siya sa cabinet, presto nahanap niya ang hinahanap niya. Noodles. para naman mainitan ang mga sikmura nila.

Makalipas ang ilang minuto nailuto niya na lahat at nakapagsaing na din siya. bumalik na siya sa sala para tawagin si Miss Fairy, pero wala pa ito. Hanggang ngayon nasa cr pa din siya. Grabe naman siya maligo, baka nalunod na yun. Lumapit siya sa pinto ng cr at nakiramdam. Puro lagaslas pa rin ng tubig ang naririnig niya. Kaya naman napagdesisyunan niyang katukin na lang.

Tok .. Tok ... Tok ...

"Hey, Miss Fairy." Wala pa ding sumasagot.

"Yuhoooo, Miss Fairy. Tapos kanaba? Kanina ka pa jan e, baka nalunod ka na." sigaw niya ulit.

Nagtapi naman ito ng tuwalya at lumabas.

"Bakit?" ngiting ngiting sabi ni Lightwish sa kanya.

Napalunok siya ng makita itong nakatapi lang ng tuwalya. Bigla siyang tumalikod, hindi niya kase matagalang tinggnan ito sa ganung ayos baka kung anung magawa niya. Nakaramdam siya ng init at unti-unting sumusikip ang pantalon niya. Hey, Grey. Cut it out.  saway niya sa sarili. "Magbihis kana, kanina ka pa jan e.  Kakaen na tayo. ", naglakad siya papunta sa sofa para kunin yung mga damit nito.

She's my FAiRY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon