Grey's POV
Tanghali na ng magising ako, sobrang saket ng ulo ko, me hang-over pa yata ako. Bumangon ako para mag shower, para naman mabawasan HO ko. Pumasok na ko sa banyo, hindi na pala ko nakapag palit ng damit kagabe sa sobrang antok. Binuksan ko yung shower.
PSSSSSSSSSSSSSHHHHHHHHHHHHHHH ...
After 45min natapos na ako, nagbihis ako ng boxer shorts at sando, nasa bahay lang naman ako wala pa akong planong puntahan, tinatamad ako pumunta sa shop, may mga tao naman akong nagmamanage dun kaya ok lang kahit wala ako. Baba na sana ako para magtimpla ng coffee ng may maalala ako. Oo nga pala may babae nga pala dito kagabe yung nagsasabing fairy daw siya. Nilibot ko ng tinggin yung kwarto ko, wala na siya. Kumot na ginamit niya kagabe nakatupi na sa sofa.
San kaya siya napunta. Nilibot ko yung bahay para hanapin siya, Ayun .. nasa bakuran pala siya ng bahay ko, kumakanta siya. Habang namimitas ng bulalak.
"LA.. La.... La.. LA.. La... La..."
Maganda pala yung boses niya. Para siyang diyosa sa paraiso, ang ganda niyang pagmasdan. Nanatili lang akong nakatayo sa pintuan.
Ano kayang gagawin ko sa kanya. Hindi naman pwedeng dito na lang siya. Ah, iiwan ko na lang siya sa Square Park, pero parang ang sama ko naman pag ganun, hmm .. di bale ok lang yun siguro naman makakahanap din siya ng matitirhan niya o kaya kung paano siya makakabalik sa kanila.
Napansin niya sigurong may nakatingin sa kanya, lumingon siya sa direksyon ko. Tapos ngumiti siya, mas maganda pala siya pag nakangiti. Nagkunwari akong kararating lang.
"Hoy, Miss Fairy andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap. Nagugutom ka na ba?"
"Nagugutom? Oo! Madami ka bang pagkaen?" excited nyang sabe, tumakbo pa siya palapit saken.
Mukang gutom na gutom nga siya. Naglakad na ko papunta sa kusina, sumunod naman siya saken, pangiti ngiti siya habang naglalakad tapos patingin tingin sa paligid. Muka siyang Tanga lang sa itsura nya!
Naghanap ako ng mailuluto sa fridge, hotdog na lang chaka itlog, tapos magluluto ako ng fried rice.
Habang nagluluto ako, nakaupo lang siya sa isang stool sa kusina ko tapos patingin tingin sa paligid, para nga ignorante sa mga nakikita niya, amazed na amazed kase yung itsura niya.
"Anung amoy yun? Parang ang sarap." Sabe niya habang sumisinghot singhot.
Ngumiti lang ako sa kanya, ayoko ng magpaliwanag pa. Pagtapos ko magluto inayos ko na yung mga plato tapos nilagay ko na sa lalagyan yung hotdog at itlog, nag sandok na din ako ng fried rice, at nagtimpla ko ng kape.
"Halika na, kaen ka na." Yaya ko sa kanya, umupo na ko sa upuan tas naglagay ako ng pagkaen sa plato ko. Nakatingin lang siya saken. Tapos mayamaya ginaya niya yung ginawa ko. Naglagay siya ng kanin tapos kumuha siya ng isang hotdog at itlog. Ngumiti pa siya pagkatapos niyang maglagay ng pagkaen sa plato niya.
"Anung tawag dito?" tanong niya habang hawak hawak niya yung hotdog.
"Hotdog yan, tapos ito itlog. Tapos yan kanin. Cge na kumaen ka na lang wag ka ng masyadong magtanong ok?" Sagot ko sa kanya, mejo sinungitan ko na siya, nakakairita na kase yung pagtatanung niya. Chaka gusto kong kumain muna ng walang istorbo.
Nagsimula na kong kumain, pero siya hindi pa din ginagalaw yung pagkaen niya. Tapos nagtanong ule siya.
"Bakit ganito yung kanin sa inyo, bakit sa amin kulay puti?"
BINABASA MO ANG
She's my FAiRY!
RomanceNung dumating ka sa buhay ko, isa lang ang napatunayan ko, lalong gumulo ang magulo ng mundo ko. - Grey