CHAPTER 5 -

62 5 0
                                    

Lightwish's POV

Naglakad na ko para maghanap.

Naengganyo ako sa paglalakad dahil sa mga ilaw na nakikita ko sa paligid.

Ang gandaaa .... *O*

Nagtitinginan saken yung mga taong nakakasalubong ko kaya nginigitian ko sila.

Maya maya may pumatak na tubig sa ilong ko. Tumingila ako para tumingin sa langit, siya namang pagsabay ng buhos ng malalaking patak ng ulan.

Nanatili lang akong nakatayo habang nagtatakbuhan ang mga tao sa paligid ko.

Lumakas ng lumakas ang ulan, nagpatuloy ako sa paglalakad baka sakaling makita ko siya..

Palinga linga ako sa paligid habang naglalakad.

"Tingnan mo yung babae oh, Feel na feel yung ulan, di man lang sumilong." Narinig kong sabe nung babae sa kasama niya. Nakatingin sila saken.

"Anu ba yan, ang lakas lakas ng ulan nagpapakabasa siya." Sabe pa nung isang Ale.

Hindi ako sumagot pero nginitian ko sila at nagpatuloy ako sa paglakad.

Habang palayo ako ng palayo pakonte ng pakonte din yung mga tao sa paligid ko.

Kinakabahan na ko, asan na kaya siya.

Hindi ko na alam kung anung gagawin ko. pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa dulo.

Hindi ko na alam kung nasan ako, hindi ko na rin alam kung pano ako makakabalik

Dapat kasi hindi na lang ako umallis dun, baka bumalik na siya dun at hinihintay na niya ko.

kabadong kabado na talaga ko.

Lalo pang lumakas yung ulan.

NAkaramdam ako ng awa para sa sarili ko, kung sana andun ako sa totoong mundo ko, hindi mangyayari sakin to.

Paano kung may taong magtangka ng masama sakin? Lalo na't hindi naman talaga ako taga dito, at hindi ko pa alam ang ugali ng mga tao.

Nagsisisi ako sa pagsuway ko kay Iredessa, unti-unting nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko sa mga bagay na naiisip ko.

Unti-unti na rin akong nanghihina sa lamig at takot. Napaupo na lang ako sa sahing habang nakasandal sa pader.

Hindi matigil sa pagtulo ang mga luha sa mata ko, iyak ako ng iyak.

Maya maya nakakita ako ng isang anino, kung hindi ako nagkakamali anino yun ng isang lalaki, lalo akong kinabahan.

Yumuko ako at Lalo kong isiniksik ang sarili ko sa pader.

Alam kong papalapit siya sa direksyon ko.

"Bahala na" tanging nasabi ko na lang sa sarili.

Hanggang sa .......................................................

Ito nga siguro ang kabayaran sa katigasan ng ulo ko . :(

Grey's POV

Nagising ako sa malamig na simoy ng hangin mula sa nakabukas na pinto sa terrace ng kwarto ko.

Ang lakas na ng ulan, tumayo ako para isara yung pinto, hindi naman kasi ako sanay na isara yung bintana at pinto sa terrace ng kwarto ko, mas gusto ko kasi yung sariwang simoy ng hangin, madami din kasing puno sa labas

Tumingin ako sa digital clock na nakapatong sa mesang nasa gilid ng kama ko.

Alas-dose na ng madaling araw. Napahaba pala yung tulog ko.

She's my FAiRY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon