PROLOGUE

28 8 2
                                    

Lubos ang galak ang namayani sa isang batang babae habang sabik na sabik na pinipitas-pitas ang mga bulaklak na nasa kanyang harapan.

Ngunit habang kasalukuyang nasisiyahan sa mga ginawa ay kunot noong napatigil ito nang may naaninag sa gitna ng kagubatan. Isang aninong nakatago sa likod ng isang malaking puno.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Parang kanina lang siyang pinagmamasdan nito, ngunit nagulat na lamang syang unti-unti itong gumalaw at gumapang papunta sa kanyang direksyon. Lumalaki ito sa bawat paglapit sa kanya hanggang sa unti-unting nagdilim lalo at nasakop ang kabuuan ng kagubatan. Gustuhin nya mang tumakbo ngunit tila'y may puwersang pumipigil sa kanya.

Ilang segundo din syang natuod mula sa kintatayuan na tanging ang kanyang mga mata lamang ang pinahihintulutang gumalaw. Unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata hanggang sa isa-isang gumapang sa kanyang mga pisnge, dahilan sa takot. Bigla syang napatingin sa gitna ng kagubatan nang may nabuong liwanag, mula sa isang bulang apoy haggang sa unti-unti itong naging tao. Nakangiti ito sa kanya habang kumakay-kaway ngunit bigla itong naglaho saka sya nakaramdam ng kilabot ,dahil sa malamig na hanging dumaan, at kasabay non ang isang malamig na boses na bumulong sa kanyang tenga.

"Save your family,our little demon princess hehehe" Saka biglang naglaho ang puwersang bumabalot sa kanya.

Tumatakbo-takbo syang umiyak habang pinagmasdan ang kanilang tahanan. Nahagilap pa ng kanyang mga mata ang kanyang kwarto. Nakabukas ang bintana nito at parang pinaghihinaan ang kanyang mga tuhod ng may pamilyar na mukha ng payaso habang balot na balot ng apoy na nakangiti sa kanya.

"Anak yang kwintas, ikutin mo pakanan! Para hindi ka nila makuha. Gawin mo agad para sa kaligtasan mo!"

Naguluhan man sa boses na narinig sa kanyang utak ngunit agad nya naman itong ginawa habang nginig na nginig sa takot.

Nakaramdam siya ng pagbigat ng kanyang pakiramdam at tila'y may puwersang kasalukuyang umaangat sa kanya sa ere.

Ang kanyang mga mata ay unti-unting nag-iba ng kulay. lumiit ang itim sa pagitan ng kanyang mga mata hanggang sa may numuong kulay asul at pula ang pumalibot rito.Ang kanyang kulay lilang mata ay nahati mula sa magkaibang kulay.Ngunit pagkatapos nito ay biglang nalang syang nabagsak sa sahig na dahilan upang maghina.

"HFSDFJHFKDIGHFDJHGJH"

Isang boses ang narinig bago tuluyang dumilim ang paligid nya.

-------------------------------------------------------

A/n: Comment for reactions or expectations and vote if you like this :)

-YourKinang

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm the daughter of the end( PROPHECY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon