Chapter 2

14 1 0
                                    

Justin Esquible

Hindi ako makakapayag na gustuhin ni Shiela si Wesley. Kilala ko si Wesley, kapag nalaman niya na gusto siya ni Shiela ay magti-take advantage siya, isa pa ay player ang isang 'yon. Damn.

“Kups, tambay daw tayo kila Kyrie ngayon,” anunsyo ni Jeff.

“Tara.” Nauna na ako sa paglabas ng classroom.

Nang makarating sa bahay nila Kyrie ay nandoon na ito kasama si Caspian. Sa poolside kami tumambay.

Mabuti na lang dahil weekend kinabukasan kaya puwede kami mag-inuman hanggang gabi at puwede rin mag-sleep over.

“Ang aga naman ng inuman natin? Hindi pa nga lumulubog 'yung araw oh,” sambit ni Jeff nang ilabas ni Kyrie mula sa kusina ang mga bote ng beer.

“May tamang oras ba ang pag-inom? Ayos lang 'yan, huwag ka na KJ!” tapik ko kay Jeff.

Kumuha ako ng isang bote ng beer at inabot iyon sa kaniya. Wala naman siya nagawa kundi tanggapin iyon.

“Sus, takot lang ang isang 'yan kasi ang bilis malasing!” halakhak ni Wesley.

“Oo nga. Naaalala niyo ba no'ng nakaraan na malasing siya? Pucha, pinasok niya 'yung pusa sa oven!” sambit ni Caspian.

Nagtawanan kami nang maalala iyon. Kakaiba rin kasi malasing ito si Jeff. Hindi niya alam mga pinaggagawa niya.

“Mabuti na lang hindi nakasaksak 'yung oven," dagdag pa ni Caspian.

“'Wag niyo na nga ipaalala! Kaya nga ayaw ko muna uminom ngayon e. Baka kung ano pa magawa ko." Napapailing na sabi ni Jeff.

Nakikinig lang ako at nakikitawa sa mga pinag-uusapan nila nang matanaw ko ang isang pamilyar na bulto.

Mukhang kakarating niya lang dahil nakasuot pa siya ng uniform at backpack. Dito siya sa likuran ng bahay dumaan at pumasok sa kusina.

Shit. Heto na naman ang puso ko, daig ko pa ang kabado dahil mag-i-speech sa harap ng maraming tao. Parang tumakbo ako ng ilang metro sa bilis ng pintig nito.

Pumasok siya sa kusina na hindi man lang kami nililingon. Mukha namang hindi napansin ng mga kaibigan ko ang pagdating niya dahil abala sila sa pag-uusap tungkol sa chemical formula.

Tumayo ako.
“Uh.. Kuha lang ako ng.. tubig,” paalam ko kahit ang totoo ay hahabulin ko si Shiela para kausapin ito.

Nabigla ako nang tumayo rin si Wesley.
“Sabay ako. Cr lang," aniya.

Bigla ako nainis. Sa dinami-rami ng puwedeng sumabay sa'kin papasok ng bahay bakit siya pa?

Wala na akong nagawa nang mauna pa siya sa'kin maglakad. Tch. Yeah right, what a lucky moment in my life.

Sumunod ako at binilisan ang paglalakad para mahabol ang distansya namin ni Wesley. Naiinis talaga ako. Damn! I just hope na hindi sila magkita ni Shiela.

Pero sadyang napakaswerte kong tunay. Nang pumasok kami ni Wesley sa kusina ay naroon si Shiela, umiinom siya ng tubig. Nanlaki pa ang mga mata niya nang makita si Wesley.

Mabilis niyang ibinagsak ang baso sa lamesa at saka pinunasan ang mumunting tubig na nasa labi niya. What's so shocking, Shiela? Kailan ka pa nagulat sa presensya niyang si Wesley? Tss, syempre ngayon.

Hinintay ko ang pagdiretso ni Wesley sa cr para ma-solo ko si Shiela at makausap pero ang kupal ay humarap pa kay Shiela upang bumati.

“Hi, Shiela! Kakarating mo lang?” tanong niya habang nakangiti.

Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon