Chapter 5

10 1 0
                                    

Matapos ng mga nangyari ay hindi pa rin ako tinigilan ni Justin. Seryoso siya nang sinabi niya na hindi niya ako titigilan. Kahit ilang beses ko siya tarayan, sigawan at ipagtabuyan ay hindi niya pa rin ako tinitigilagn sa pangungulit niya.

“I won't give up even if  you reject me a million times.”

Naalala ko nang sinabi niya ‘yon nang malakas. I wonder kung mapanghahawakan niya ang sinabi niya o kakainin rin niya kung sakaling magsawa siya sa pagtataboy ko sa kaniya dahil una sa lahat ay wala naman siyang maaasahan sa akin.

Ayaw ko nang gusto niya ako. Mas okay ako sa dati niyang pakikitungo sa akin. Mas ayos 'yung hindi siya nangungulit at korni. Mas gusto ko 'yon.

Pinag-iisipan ko nga kung ano ang mainam na gawin para matigil na siya. Kahit kasi isinasampal ko na sa mukha niya na may iba na akong gusto ay hindi siya tumitigil.

Siguro ay hayaan ko na lang. Siguro naman magsasawa rin 'yan. Ang importante ngayon ay kung paano ako mapapalapit nang husto kay Wesley. I want to get him. I want him.

“Anong meron?” tanong ni Cleo sa akin nang inaya ko siya na magtungo sa mall noong weekend.

Wala siyang kaide-ideya. Birthday na ni Wesley sa darating na Miyerkules. And I think ito na ang magiging umpisa ng mga gagawin ko para mukha ang isang Wesley Romano. His birthday is the best opportunity I have.

“Wesley's birthday is coming. I want to surprise him. Feeling ko malaking points ang makukuha ko sakaling ma-touch siya sa gagawin kong effort,” paliwanag ko.

Bumili ako ng mga gamit na makakatulong sa munting sorpresa na ihahandog ko kay Wesley. Napagplanuhan ko nang sa rooftop ng bahay namin ang ganap. Naiisip ko pa lang ang mangyayari ay nae-excite na ako nang todo.

Narinig ko na naman ang buntong-hininga ni Cleo na kanina ko pa naririnig galing sa kaniya.

“Seryoso ka ba talaga sa gagawin mo? This is crazy,” iling niya.

Tumawa ako.
“Crazy na kung crazy. Eh sa binaliw ako ng lalaking 'yon e,” wika ko.

“Nako, Shiela. I swear, balang araw pagtatawanan mo na lang ang sarili mong kabaliwan kapag naalala mo,” aniya.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Basta ang focus ko ngayon ay ang aking main goal. At iyon ay ang mabihag ang damdamin ni Wesley.

Kinainisan ko na ang weekdays nang dahil kay Justin. Wala na siyang ibang idinulot sa'kin sa school kundi ang mangbwisit, mangulit at paulit-ulit na pagpapahayag ng kaniyang damdamin. Hindi siya nahihiya at wala siyang pake kahit pa pag-tsismisan kami ng ibang estudyante dahil sa ginagawa niya.

Kaya naman nang dumating ang araw ng lunes ay ine-expect ko nang makikita ko na naman ang mukha niya. Bahala siya. Napagdesisyunan ko nang tratuhin siyang multo at idaan sa pambabalewala.

Narito kami ngayon sa open ground ng school para sa gagawin naming activity, ang pagsayaw ng modern contemporary dance. Medyo mainit dahil sa sinag ng araw kaya't sumilong ako sa pinakamalapit na puno, ayaw ko magmukhang baluga.

Lalaki laban sa babae. Dalawang grupo kami na maglalaban. Nag-jack en poy ang pambato ng magkabilang grupo. Napahiyaw ako sa tuwa ng matalo ang lalaki, meaning na sila ang unang magpe-perform.

Na-excite ako kaya't kinuha ko ang phone ko na nasa bulsa ko. Ire-record ko ang pagsayaw ni Wesley para may papanoorin ako just in case ma-miss ko siya. Gosh, ang gandang idea!

Maya maya lang ay tumunog na ang music sa speaker. I won't give up ni Jason Mraz ang kanta.

“I won't give up on us

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon