Chapter 3

6 1 0
                                    

Shiela Ynnarez

“Wow! Mas blooming ka yata ngayon at..” Sinipat pa niya ang mukha ko. “Natuto ka nang mag-ayos!”

Natawa ako kay Cleo.
“Ano ka ba! Ganito talaga kapag may crush ka na, matututo ka talagang maging conscious sa itsura mo at magpapaganda ka lalo para mapansin ng taong gusto mo,” sambit ko.

“May gana ka pa maging conscious sa appearance mo ah. Pero wait.. si Wesley ba itech na sinasabi mong crush mo?” tanong niya at mas inilapit ang mukha sa'kin.

Agad niyang nahulaan. Noong friday kasi ay siya ang nakakuwentuhan ko habang mahusay na nagpe-perform sa harap si Wesley.

Hindi ko napigilan na humanga kay Wesley dahil bukod sa marunong ito maggitara ay may talento pa siya sa pagkanta. Feeling ko nga hinaharana niya ako no'n e. Kilig much!

“Siya nga. Pero huwag mo sasabihin sa iba ah,” wika ko.

Ngumuso siya.
“Swerte mo. Kasi 'yung crush mo ay kaibigan pa ng kapatid mo,” aniya.

Pinaglaruan ko ang ballpen na nasa kamay ko. Bumalik sa isipan ko ang nangyari kahapon sa kitchen.

“Hindi rin, Cleo,” wala sa sarili kong sambit.

Malayo pa lang ay nakakarinig na ako ng mga tawanan sa likod ng bahay. Siguro nandito na naman ang magkakaibigan para tumambay.

Sa sala sana ako papasok nang maisip kong baka nandoon si Wesley. Kaya naman nagtungo ako sa likurang bahagi ng bahay at doon dumaan. Sana mapansin ni Wesley ang pagdating ko.

Hindi ko sila nilingon at nagdire-diretso lang papasok. Nakaramdam pa ako ng uhaw kaya huminto muna ako sa kusina para uminom ng tubig.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ng tubig nang makita ko ang isang pamilyar na mukha ng lalaking papasok sa kusina. Nabigla ako sa pagdating niya kaya dali-dali kong naibagsak ang baso. Gosh!

Mas nabigla ako nang lingunin niya ako sabay ngiti.
"Hi, Shiela! Kararating mo lang?” tanong niya.

OMG. Bakit ang guwapo niya?

Naging utal-utal ako sa mga kasagutan ko sa tanong niya at sa pag-uusap namin.

“By the way, napapansin ako sa'yo.” Nanliit ang mga mata niya. Kumalabog naman ng malakas ang dibdib ko.

“Really? Ano 'yon?” Mabuti at hindi na ako nautal.

“Mas lalo kang.. gumaganda,” aniya. Nagulat ako sa sinabi niya pero mas nagulat ako sa malakas na pagsara ng ref.

Ngayon ko lang napansin na kasama pala niya pumasok dito sa kusina si Justin. Masyado kasing nakatuon ang atensyon ko kay Wesley kaya hindi ko siya napansin.

Umalis rin kaagad si Justin kaya heto na naman ang puso ko, nagwawala dahil kami lang ni Wesley ang nandito. Naaamoy ko pa ang panlalaki niyang pabango.

Pero masaya ako. Sobrang saya ko. Nagagandahan siya sa'kin? May chance kaya na magustuhan niya rin ako? Naa-attract ba siya sa akin?

“You are really getting more beautiful each day..” komplemento niya na mas lalong nagpalaki sa ngiti ko.

Subalit ang mga sumunod niyang salita ang mabilis na pumawi sa sayang nadarama ko.

“...my little sister,” dugtong niya sa sinabi.

At iyon ang pangyayari noong friday sa kusina na akala ko ay happy moment na, iyon pala ay panandalian lang akong pinasaya.

“He doesn't see me as a woman. He see me as his little sister,” malungkot kong kuwento kay Cleo.

Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon