Chapter 1

18 8 3
                                    

"It's about time Maze para malaman mo ang katotohanan." Concern was evident in her face while holding my hand.

Hindi ako makapaniwala sa mga katagang sinasabi ni Lola sa akin. "La ano ang ibig niyong sabihin? 

"Huwag ka nang masyadong magtanong anak. Hindi pa ngayon ang takdang oras. Malapit na sila para kunin ka anak." Hindi siya mapakali sa kanyang kinatatayuan habang paminsan-minsan na sumisilip sa bintana.

"La, hindi kita naiintindihan? Sinong sila? Bakit nila ako kukunin?" It was then that I remembered that I'm not ordinary. "Dahil ba sa kakayahan ko La? Dahil ba doon?" Malumanay kong tanong sa kanya.

Unti-unting bumuhos ang kanyang mga luha. "I'm sorry Maze. I know na kasalanan ko ito pero kinakailangan mong umalis, tumakas at lumayo dito." 

"Pero paano ka La? Hindi kita puwedeng iwan."

Pinunas niya ang kanyang mga luha to act brave in front of me pero kilala ko ang Lola ko. Natatakot din siya kagaya ko. "Kaya ko ang sarili ko anak." She removed her necklace para ibigay sa akin. "Always remember Maze na palagi akong nasa tabi mo. God knows kung gaano ka kahalaga sa'kin."

"La, hindi ko alam ang gagawin ko." Bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Pinuhas ni Lola ang aking luha. "Hanapin mo ang kaibigan kong si Esther, matutulungan ka niya. Basta alalahanin mo lang nung huli tayong pumunta. Umalis ka na anak. Malapit na sila." 

Tinulak niya ako papunta sa likod ng bahay ng eksakto naman na may kumatok sa pintuan. "Bilisan mo anak. Magconcentrate ka." Habang tumatagal  lumalakas din ang mga katok.

"Alam kong nasa loob kayo Lucia! Buksan mo ang pinto!" Galit na sigaw ng isang lalake

"Magkikita din tayo ulik anak." Hinalikan ni lola ang aking pisngi.

Pinilit kong alalahanin nung huli kaming pumunta kina Lola Esther. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. A lot of questions were running in my mind that it makes it hard for me to focus. My grandmother were patiently waiting for me to disappear while chaos start to happen inside our house.

"Bilisan mo anak bago nila tayo mahanap." Portal appeared at my back. Liningon ko ito bago tinignan si Lola. "Bakit hindi ko nalang kayo isama La?" 

"Alam mong hindi mo pa kaya anak. Magiging okay ako." Pagkumbisi niya sa akin. I was shock when my grandmother suddenly push me para lamunin ako ng portal. The only word that comes out from her mouth was sorry.

After the incident nagising na lang ako na nasa gitna ng kakahuyan. Hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito. I stand on my feet ng mapadaing ako sa sakit. Sinuri ko ang aking sarili ng may mga galos  ang aking balikat kung saan napunit ang aking dahil siguro sa impact. Also, my ankle was slightly bruised which makes it hard for me to walk. Ipinikit ko ang aking mga mata at ipinatong ang aking kamay kung saan ako may sugat.  Dumaloy ang mainit na puwersa galing sa katawan ko. 

That's right, may kakayahan ako na makapagteleport at makapagpagaling ng sugat ng ibang tao pero ang kaibahan lang ay hindi ko masyadong napapagaling ang aking sarili dahil siguro sa'kin din nanggagaling. My mind is a bit blurry hindi ko maalala ang eksaktong nangyari. Ang tanging natatandaan ko na lang ay dapat kong hanapin ang kaibigan ni lola.

Mabibigat ang aking hakbang habang sinusundan ang maliit na landas. Pinagmasdan ko ang buwan na nagbibigay liwanag. It's so peaceful yet sad dahil nakikita niya lahat nang mga nangyayari.  Ipinikit ko ang aking mga mata at humiling ng lakas at ituro ang tamang daan dahil using my powers have a big toll in my body. 

Hindi pa man ako nakakalayo ng ipagkaloob ng buwan ang aking hiling dahil sa hindi kalayuan ay may maliit na kubo-kubo na akong natatanaw. Kumatok ako sa pintuan ng marating ko ito.

COUNTDOWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon