Chapter 2

8 4 1
                                    

Nagising ako sa malamig na sahig. My eyes roamed around the room pero tanging kadiliman lang ang aking nakikita. I tried to move my feet dahil nangangalay ito ngunit isang mabigat na bagay ang nakakabit dito upang limitado ang aking galaw. Hiwakan ko ita para suriin at hindi ako nagkamali. Isang  malamig na tanikala na kagapos sa kanang paa ko. Bumangon ako at sumandal sa malamig na pader. Samo't saring emosyon ang aking nararamdaman. Una, pinatay nila si lola Esther. Pangalawa, hindi ko alam kung buhay pa si lola o baka pinatay na din nila kagaya ni lola Esther.

Kumulo ang aking tiyan dahil sa gutom. Ang tanging pagkain na naipaloob ko- ay kape. Hindi pala pagkain kundi tubig.  I wrapped my hands around my stomach to lessen the pain and growl coming from it. Hindi nagtagal ay unti-unti na rin pumasok ang liwanag sa maliliit na butas na nasa taas ng aking selda at siya naman pagpasok ng dalawang lalake  na may dalang tray ng pagkain. Tinignan ko ang laman nito at isang saging at halos tatlong sandok lang na kanin at wala ng iba. Dahil sa gutom wala akong pinalampas at kinain latta ito.

Tumayo ako sa harap ng rehas at nagpagtanto na hindi pala ako nagiisa dito. May laman din ang ibang selda ngunit halos wala na silang lakas  para makagalaw.

Isang babae ang nasa harap na  aking selda. Napakarumi at punit-punit ang kanyang damit. Walang buhay ang kanyang mga kamay na tumingin sa akin. " Bakit ka nandito?"

Hindi niya sinagot ang aking tanong. Ipinikit lang niya ang kanyang mga mata at sumadal sa pader. Isang bagay lang ang dapat kong gawin para mapasagot ito at ito ang pagtanong sa kasalanan niya. " Ano'ng kasalanan mo at bakit ka nakakulong dito? From what I saw ay matagal kanang nandito." 

"Hindi ko kasalanan iyon! Nagkataon lang na ako ang nakakita. Humihikbi niyang sabi. "Bakit ako lahat ang tumatanggap ng parusa kung hindi ko naman kasalanan."

Hindi ko mapigilang ang maawa sa kanya. "Ano bang ginawa mo at humantong ka sa ganito?"

Pinumas niya ang kanyang luha gamit ang manggas ng kanyang damit. "He thought that it was me who took her away from him." Tumingin siya sa akin and all I could see is hatred. Hindi ko naman siya masisissi dahil mahirap ang mapagbintangan.

"Ikaw? Bakit ka nandito?

"Hindi ko alam ang tamang rasos basta may kailangan siya sa akin." Confusion was written in her face.

"A typical of him." Mapait niyang sabi. "Sabagay gagawin niya lahat para sa kapangyarihan."

"Medyo matagal tagal ko din na pinagisipan kanina na hindi gaano kabigat ang security nila dito."

"Tatakas ka?" Naningkit ang kanyang mga mata na hindi makapaniwala. Tumawa siya ng pagak. "Nagbibiro ka ba?"

"Ano namang nakakatawa sa sinabi ko?"

"Sa tingin mo ba hindi ko pa yan nasusubukan? kung tatakas ka siguraduhin mong hindi ka nila mahuhuli dahil kung hindi mas lalo ka  lang nilang pahihirapan. Dalawang taon na akong bilanggo dito at hindi na ako sumubok pang muli."

Ni isa sa amin dalawa ay walang nagsalita.Napaupo nalang ako dahil sa kanyang sinabi. Talagang wala na akong kawala. Hindi ko naman kayang magteleport  dahil sa kadena. Napahawak ako sa kwentas na bigay ni lola. 

Habang tumatagal ay hindi ko mapigilang mapakaba dahil ano man oras ay may papasok dito at kukunin ako.

"Huwag kang mag-alala. Wala siya ngayon." 

"Paano mo nalaman?"

"Araw-araw lang naman nila ako pinaparusahan. Kaya huwag ka nang magtaka kung ganito ang hitsura ko."

"Ako pala si Maze. Ano palang pangalan mo?" 

"Kayla."

Tama ang sinabi ni kayla dahil mag ga-gabi na at wala pa ding pumupunta dito maliban sa mga guwardiya na naghahatid sa'min ng pagkain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

COUNTDOWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon