CHAPTER 1 " THE TEST"

29 4 11
                                    

James' pov

Lahat ng taong nasa paligid ko kakaiba, kahit ang pamilya ko. Kaya nga nandito rin ako sa paaralan na kung saan tago, na kahit ang gobyerno ay hindi ito alam.

Ang lahat ng estudyante dito mayroong talento na kung tawagin ay abilities. Mayroon silang mga pambihirang kakayahan na hindi mo mahahanap sa isang normal na tao.

Isang magandang halimbawa noon ay ang kuya ko, si Kuya Josh. 8yrs.old palang natuklasan na niya na kaya niya palang lumipad kahit na walang pakpak. Kaya tuwang-tuwa si papa sa kanya.

And speaking of my dad, siya director ng buong campus. And he's also the reason kung bakit ako nandito. Sabi ko sa kanya noon na sa normal school nalang mag-aaral, pero ayaw niya, baka daw kasi biglang lumabas ang ability ko.

"Mukhang malalim yang iniisip mo ah." Sabi sakin ni Pricilla na kararating lang sa loob ng room namin.

Pricilla Tuazon, she's also like me, wala din siyang ability for now. At ayaw niya ring magkaroon kung sakali man, di ko alam kung bakit pero suportado ko siya.

She has black eyes, beautiful blonde hair, and white skin.

"Oo nga! Bakit ka ba seryoso? Hindi ako sanay," sabi naman ni Stein.

"Hi-hindi naman ako seryoso, may test kasi kaya medyo kinakabahan lang ako," palusot ko.

"Weh? Hindi nga? Ikaw kakabahan?" Gulat na tanong ni Pric (pris).

"Ang nakakuha ng pinaka mataas na score sa general curriculum exam kakabahan!?" Sabi naman ni Stein.

Stein is also one of us, hindi rin niya pa sa ngayon nadidiscover ang ability niya katulad namin ni Pric pero naniniwala naman siya na mayroon din siyang ability.

"Kabado? Sino? Si James?"

Nagulat nalang kaming tatlo na biglang nalang napunta sa harapan namin ang isang babaeng puno ng yabang. Meet Janaly Reign. Pagdating sa rankings siya ang pumapangalawa dahil sa ability niya na telepathy. She can read someone's mind in just a second, kaya naman nabibigyan siya ng kakaibang special treatment mula sa school.

Mahaba ang buhok niya na aabot hanggang balikat, nakasalamin siya ng parang katulad nung eyeglass ni Harry Potter. Bukod dun kapansin-pansin din ang malaki niyang hinaharap.

Pagdating naman sa attitude napakataray niya, kaya walang kahit na sino sa loob ng class A-1 ang nagtatangkang kalabanin siya.

"Jana back to your chair," My brother said after giving her his cold gaze while seating in his chair located at my front.

Si kuya Josh ang President ng room namin, isa din siyang SSG PRESIDENT, kaya lagi siyang nirerespeto ng karamihan. Has black hair, pale white skin and black eyes. Siya din ang no. 1 pagdating sa rankings ewan ko kung bakit, hindi pa naman kami nakakapasok sa rankings sa kadahilanang wala pa kaming ability.

Agad natahimik ang buong classroom ng pumasok ang isang lalaking teacher sa loob, may katangkaran at nasa 50's na ang edad, meet the adviser of class A-1 Professor Rum Solanor, sa ngayon no one knows yet his ability, at wala siguro siyang balak pagsabihan.

Pagkalagay ng mga gamit niya sa table ay naupo na siya ng parang hari,

"Ok pakilabas yung homework niyo sa math, and Will can you write the correct answers on the board?"

Tumayo ang isang estudyanteng naka salamin, na may malamig na aura at mukhang mayabang. Meet our math prodigy William Reid, Will ang tawag namin sa kanya, at kapag math at computers na ang usapan walang makakatalo sa kanya. Pangatlo din siya sa rank 5 na may pinaka kamangha-manghang abilidad, dahil kaya niyang kontrolin ang mga computers at iba-iba pang klase ng technology sa ngayon.

After niyang maisulat ang mga sagot binalik niya ang chalk sa adviser namin at bumalik sa pwesto niya.

Nagsimula ang discussions namin, as always uunahin muna ang general subjects bago ang Ability class.

Sa school kasing ito, may ginawang paghahati. Lahat ng may ability papasok sa isang klase na kung tawagin ay SAS or Special Ability Section, at kapag wala ka namang ability sa general class kalang papasok.

Pero hindi nadin naman masama na wala akong ability, bukod sa mas maaga ang labas namin mga nasa general class pwede rin kaming makalabas ng campus anytime. Yung mga may ability kasi pinagbabawal, baka daw kasi gamitin nila yung ability sa maling paraan. What a disadvantage.

Tyaka bukod pala sa mga 'yan, may isa pang fact na kailangan niyong tandaan. Tatlo nalang kaming natitira na nasa general class ng grade 10. Si Stein, Pricilla at ako.

Sa kalagitnaan ng klase namin sa math, isang lalaki ang sumingit,

"Excuse me sir." Isang lalaking naka suot ng uniform ng pang police, at mukhang kasing edad lang din namin siya. I dont know intern siya or what...

Kumunot naman ang ulo ni Sir Rum nang makita niya ang lalaking nakasuot ng police uniform.

"What can I do for you? Mister Alumnus." Sir Rum asked.

"Can I excuse Pricilla Tuazon, Stein Rios and James Harrison for a talk?" The man said while giving us three a gaze.

"For what?" Prof asked again.

"Its none of you're business sir, it's an order from above. But don't you worry, malalaman mo then after ng conversation nila with the director." Sabi nung mama habang nakatayo padin sa may pinto.

Sir Rum gave us a glance that tells us that he granted us to leave with that guy.

Tahimik lang kaming lumabas ng room at pinagtitinginan kami ng mga classmates namin na para bang may ginawa kaming kasalanan at huhulihin na kami.

Habang naglalakad pababa, nagtitinginan lang kaming tatlo, hindi namin alam kung pwede ba kaming magsalita dahil sa lakas ng pressure na nararamdaman namin.

Kung kanina parang medyo weird ang dating sa amin nung lalaki. Habang naglalakad kami sa hallway para kaming may kasama na isang walking aircon sa daan.

"Pwede naman kayong magsalita at magtanong." Pagsira niya sa katahimikan.

"Ba-"

"What do you need from us?" Tanong ko bago pa matapos ni Stein ang pagsasalita niya.

"Well, I don't need anything from you guys, but your father does," sambit ng lalaking nasa harapan namin habang patuloy pa rin namin siyang sinusundan.

"Kailangan kayong makausap ni director, kaya inutusan niya akong sunduin kayo." Pagpapatuloy niya. "By the way, ako nga pala si Police Inspector Daniel Lee. Inspector Lee nalang for short," dagdag niya.

Para lang siyang na sa 20's kung titignan malamang kaka-graduate niya lang.

"Andito na tayo." Sabi ng inspector.

Ilang beses itong kumatok hanggang sa marinig na namin ang pagpapasok ng ama ko sa loob.

"Hanggang dito nalang ako, pero magkikita pa tayo." Sambit ng inspector habang nakangiti.

Pumasok kaming tatlo sa loob ng director's office at nakita namin na nakaupo ang isang middle aged man na nasa 50's naren ang edad. Ang ama ko.

"Andyan na pala kayo, maupo kayo, magsisimula na tayo sa test."

Nagkatinginan kaming tatlo at takang taka kung para san ang test na sinasabi niya.

"Para san 'tong test na'to." Tanong ko.

"For the SAS, I want you to be part of it as soon as possible." He said.

At dito na nagsisimula ang tunay na kwento ng storyang ito.

Hope you like it, keep reading everyone there's more secrets, more revelations and more abilities to discover.

Arch High CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon