James' pov
Binigyan kami ng isang oras para sagutan yung test papers na binigay sa amin ng director.
Sa ngayon 20 minutes palang ang nagagamit. Ang pinagtataka ko lang napakadali ng test. Yung mga tanong dito pwedeng masagot ng isang 10 year old na bata.
Sa ngayon hindi kami pwedeng magtinginan o mag-usap dahil nakatingin sa amin ang director. Kagaya ni Inspector Lee napakalamig din ng aura ng papa ko, napakatindong pressure ang nararamdaman ko ngayon, ewan ko ganon din yung mga kasama ko.
Sa ngayon nasagutan ko na lahat ng questions sa papel. Ganon din ata sina Stein at Pricilla dahil ramdam ko na hindi na sila nagsusulat. Siguro naramdaman din ito ng director kaya saktong ibubuka niya ang bibig niya—
"Ahhhhhhh!"
Narinig naming lahat ang isang sigaw na nanggaling sa isang babae na parang nakakita ng multo.
Agad kaming tumayo at akmang lalabas na kami ng kwarto nang pigilan kami ng director.
"Wag kayong lalabas!" Sambit nito agad naman namin siyang tiningnan habang nagtataka. Anong ibig sabihin niya hindi ba siya nagaalala sa babaeng sumigaw?
"Congratulations! You've passed the test." Sambit ng director habang nakangiti.
"Anong ibig niyong sabihin? Nasa panganib yung babae!" Sambit ni Pricilla at halatang may pangamba sa kanyang mga mukha.
"'Wag na kayong mag-alala sa narinig niyo. Its just the speaker."
"Speaker?" Tanong ni Stein habang nakakunot.
"Yes, speaker lang yun, isang malakas na speaker na nasa loob ng room na'to naka tago." Sambit nito sabay lakad papunta sa isang picture frame na nakasabit sa pader tinanggal niya ang picture at nakita namin ang isang napakalaking speaker na parang nakadikit sa pader. May pinindut siya ulit at narinig ulit namin ang sigaw na narinig namin kanina.
"Walang pinagkaiba. Yung haba, yung boses parehas na parehas yung lakas naman magkaiba masyado, pero siguro dahil yun sa nakatakip na picture frame." Sabi ni Pricilla.
"Tama! Nice observation Pricilla. Bagay talaga na mapabilang ka sa SAS."
"Para san ba'tong mga mga to? Bakit niyo kami gustong mapabilang sa SAS?" Tanong ko ulit.
"Kagaya ng sinabi ko nung una gusto ko kayong ilagay sa SAS as soon as possible, sayang kasi ang talents niyo once na ma-discover niyo to," paliwanag ng ama ko.
"And as I expected nakapasa kayo kaya congrats hindj ako nagkamali sa pagpapanatili sa inyo dito." Dagdag nito.
"Bahala ka, hindi ako papasok sa klase na yun. Not in a million years." Sambit ko sabay bukas ng pinto. Laking gulat ko na nasa labas ang adviser namin na si Prof. Solanor na para bang hinahantay talaga kaming lumabas.
"Tapos na ba ang test?" Tanong nito sabay tingin sa ama kong na sa tabi parin ng speaker.
"Yes it is, maari mo na ba silang ihatid sa klase nila ngayon Prof. Rum?" Sagot ng ama ko. Tumango naman si prof bilang pagsangayon sa sinabi ng ama ko.
"Sumunod na kayo sakin."
Hindi parin kami makapaniwala sa mga nangyayari. Habang naglalakad purong katahimikan lang ang namamagitan sa aming apat. Maliban nalang nung nagsimula nang magtanong si Stein.
"Anong dahilan po at napasama kami sa SAS."
"Hindi ko rin alam. Inutos yan ng director kaya kailangang sundin nalang natin siya." Sagot naman ng guro.
"Kung nagtataka kayo, bakit hindi niyo nalang hanapin ang dahilan kung bakit kayo nandito." Sabi ni prof. tapos ay tumigil siya sa paglalakad at tumingala sa maitim kalangitan. "Mukhang uulan." Dagdag ng guro.
BINABASA MO ANG
Arch High Campus
FantasySI JAMES HARRISON, ISANG TEENAGER NA LALAKI ANG NABUHAY SA MUNDO NA KUNG SAAN ANG IBANG TAO AY MAY KAKAIBANG ABILIDAD NA HINDI MAIHAHALINTULAD SA IBA. DITO MATUTUKLASAN DIN NATIN ANG ISANG PAARALAN NA MAY KAKAIBANG URI NG MGA ESTUDYANTE. ANO ANG NAG...