James' pov
"Oy! May assignment kayo?"
"Wala, ikaw?"
"Pakopya naman ako sa math guys! Nakatulog na ako sa paggawa ng project namin sa science,"
"Tumahimik nga kayo! Kailangan ko pang imemorize yung periodic table!"
"Hala may imememorize?"
"Hoy! Yung mga hindi pa nagbabayad sa class fund magbayad na kayo!"
Napakaingay yan ang bungad sa akin ng klase namin. Kahit pa sabihin nating first section kami sa general curriculum hindi pa rin namin maiiwasan ang magkaroon ng tamad na estudyante kagaya ni Stein.
"James pakopya naman ako mg reflection mo sa Filipino please," pagmamakaawa nito sa harap ko.
"Wala ka na namang assignment? Grabe na yang katamaran mo ha!" Sigaw sa kanya ni Pricilla.
"James Harrison! Tawag ka ng cute na babae dito sa labas!"
"Sino yan!" Sabat ni Stein.
"Joy daw ang pangalan!"
Agad among tumayo para kausapin si Joy sa labas. Habang sina Stein at Pricilla naman ay sumunod sa'kin.
Pagkalabas namin ng pinto ay bumungad na sa amin ang isang babaeng naka bob-cut, mapapansin din sa kanya ang pulang scarf na nakapulopot sa kanyang leeg na nagrerepresenta na siya ay kabilang sa SAS 4.
"Hi," sambit nito na medyo nahihiya pa.
"Wow, hindi ko inexpect na ganyan ka kaganda," sambit ni Stein na agad namang piningot Pricilla.
"Tumigil ka na nga! Sorry Joy ha."
"Hindi, ayos lang, salamat Stein,"
"Nagawa mo na ba yung pinapagawa ko?" Tanong ko sa kanya, bago kasi kami umalis sa clinic nag iwan ako ng isang sulat na naglalaman ng mga utos na kailangan niyang sundin.
"Oo pero..."
"Pero ano?" Tanong ni Pricilla.
"Useless yung plano niyo, hindi pa rin pumapayag si Insp. Lee na tulungan niyo siya sa kaso."
"Huh! Ehh bakit? Napaka-nega talaga non!" Sabi ni Stein.
"Sabi niya, baka mapahamak lang daw kayo, mas mabuti na raw na siya nalang mag-isa, tutal kaya naman niya," sabi ni Joy.
"Napakafeeling malakas talaga nung Insp. Lee na'yun!" Masungit na sambit ni Stein.
"Hoy! Hindi naman siguro, concern lang siya sa akin, blehh," pagtatanggol ni Pricilla.
"So ano ng plano niyo?" Tanong sa amin ni Joy.
Alam kong hindi namin agad-agad mapapayag si Insp. Lee, kaya buti nalang I always have plan b.
Bigla akong tumakbo ng mabilis para pumunta sa director's office. Narinig ko nalang ang sigaw ni Pricilla at ni Stein habang tinatanong kung saan ako pupunta pero hindi ko muna sila binigyan ng atensyon.
"Hoy! Yung gamit mo! Itatapon ko yun sa ilog! Sige ka!" Stein.
"Wala tayong ilog! Tangeks!" Sabat ni Pricilla.
Pagkarating na pagkarating ko sa tapat ng pintuan ng director's office ay kumatok ako, ilang segundo ay pinapasok na ako ng isang pamilyar na boses.
"Oh, James! Napadalaw ka ata(?)," bati sa'kin ng ama ko habang nakaupo sa kanyang puwesto sa tapat mg kanyang lamesa.
Isinara ko ang pinto at naglakad ng dahan-dahan papunta sa kinauupuan niya.
BINABASA MO ANG
Arch High Campus
FantasySI JAMES HARRISON, ISANG TEENAGER NA LALAKI ANG NABUHAY SA MUNDO NA KUNG SAAN ANG IBANG TAO AY MAY KAKAIBANG ABILIDAD NA HINDI MAIHAHALINTULAD SA IBA. DITO MATUTUKLASAN DIN NATIN ANG ISANG PAARALAN NA MAY KAKAIBANG URI NG MGA ESTUDYANTE. ANO ANG NAG...