Chapter 2

24 3 0
                                    

Hanggang ngayon ay wala pa din yung address ng titirahan naming mansyon. Nakakailang araw na, more than three days na tapos wala pa din! Ni hindi pa nga kami naguusap sa opisina ng lolo ni Italy eh. Sabi ko pa namang ganon nung nakaraan, paguusapan na namin kaso.. wala eh.

Tinatamad po ako opo.

"Ano ba? Hindi mo ba nakita yung sign? Piso dalawa daw! Boba!" hiyaw ni Italy kay Hiraya. Nandito kami ngayon sa bagong fishball-an na nakita namin. Sabi kasi ni Marinel na masarap daw yung ice crumble nila ditto pati yung siomai rice.

And hindi naman ako nagsisi. Kasi halos lahat masarap! Yung flying saucer, yung cheesesticks, hotdog sandwich.

"Kulang-kulang pa nakuha ko, teka lang naman!" naiiritang sabi Hiraya kay Italy, inirapan lang siya ni Italy.

"Yang utak mo yung kulang-kulang!" aniya pa.

Parang gusto ko pa ng flying saucer.. shet, napasinghap na lang ako dahil naglalaway na ako sa isa pang flying saucer na nakikita ko. Nagpaalam ako sa kanila na bibili pa ako ng flying saucer, agad naman nila akong ginatungan ng pangaasar.

"Ano ba naman yan Maria! Kanina ka pa kain ng kain, parehong pareho kayo ni Raya!" aniya ni Celeste sakin sabay tawa.

"Oo nga naman! Kung di ice crumble, flying saucer yung tinitira! Tandaan mo, di lang lobo ang pumuputok!" tawa ng tawa sila Celeste at Eighna, nagapir pa sila! Mga gago iba naisip ko dun ah.

Lumapit na ako kay manong at Hiraya na hanggang ngayon ay namimili pa din ng kikiam, timawa. Nasa kabilang gilid siya ng tindahan ni manong kaya feeling ko hindi niya mapapansin. Pero sis akala ko lang yon..

"Hoy Maria! Ilibre mo ako dali!" sigaw niya sakin kaya napapatingin samin yung ibang mga bumibili. Hindi siya nakatingin sakin nung sinabi niya yon kaya napagisipan kong batuhin siya nung pamaypay kong hawak.

"Manong yuko po muna kayo saglit.." bulong ko kay manong, yumuko naman agad siya kaya binato ko agad si Hiraya.

Sapul!

"Aray putangina!" daing niya dahil tumama iyon sa noo niya, hinimas niya kaagad yung noo niya sabay tingin sakin ng masama.. agad ko naman siyang tinaasan ng kilay pero nag-pout siya na parang nagmamakaawa talagang ilibre ko siya, nginiwian ko na lang siya.

Kapal kapal ng mukha magpalibre, di hamak na mas mayaman siya sakin, duh.

Bibili na sana ako kaso naputol yung sasabihin ko kay manong nang may sumabay sakin.

"Manong isa p—"

"Kuya yung flying saucer nga po.." tiningala ko ang lalakeng sumabay sakin at nagulat nang makita kong ito yung lalakeng tumulak sakin nung isang araw.

Nagkatitigan pa kami ng ilang minute. Napansin kong nagulat din siya ng makita ako, namutla pa. I chuckled in my mind, what a scaredy cat, wala naman akong gagawin sa kanya eh. Hindi ko na din siya kasi masyadong nakikita sa campus kaya talagang nakakagulat na makita siya ngayon sa campus.

Saka wala naman akong balak na banatan siya dahil sa ginawa niya sakin nung isang araw. Kung yon ang iniisip niya.

"Asan na yung Saucer ko Klen—" may dumating pang isang lalake kaya naputol yung titigan namin. Eto ata yung Iago na sinisigaw nung tumulak sakin, I remembered his face too, siya yung nagtago sa likod ko kaya ako natulak.

"Ay! Hi Maze!" ngiti niya bati sabay kaway sakin, nginitian ko din siya sabay tango.

Umalis siya sa gilid ni Klenth, ata? Tapos humarap sakin ng nakapamulsa. He was smiling from ear to ear, ang cute ng ngiti niya, para ako. Charot. Para din akong nananalamin habang tinitingnan ko siya ngayon, napansin kong we have the same eyes, lagi ko kasing tinitingnan ko yung sarili ko sa salamin kaya nakakabisado ko na kung ano yung mga features ko sa face.

Wake me up, Darling.. (Del Mundo Series #1)Where stories live. Discover now