Chapter 3

14 2 0
                                    

Nandito na kami ngayon sa mansyon na titirahan namin for a while na tinutukoy nila Mom. I'm so exhausted putangina, nag grocery pa kasi kami bago lumipat dito and kamalas malasan kasi wala pang katulong ang bahay na to kaya wala kaming mautusan pucha.

Pagkatapos kasi namin sa office ni lolo, nag klase pa kami tapos natapos kami ng mga alas tres ng hapon then hindi na kami umuwi sa kanya kanya naming mga bahay at dumiretso na lang kami agad sa grocery. Nagrereklamo pa ako kanina na walang mautusan kasso bigla kong naalala na ayoko pala nang hindi ako ang bumibili ng mga groceries.

Wala akong tiwala. Not trustworthy.

Nang makarating kami sa sala ay kokonti lang ang laman. As in konti. Kulang ng ibang furnitures tapos walang ka-design design.

Although may sofa naman both sides tapos may malaking T.V sa harap then may sofa sa harap ng T.V. Simple lang yung sofa kaso hindi nagmamatch na kulay ng bahay. Parang gusto ko tuloy may shopping, bukas kaya? Tutal Friday naman ngayon kaya siguro ay okay lang.

"Shopping tayo bukas guys?" nakakunot ang noong tanong ni Celeste, sumangayon naman ang lahat.

Hindi na din kami nagulat na nandito na ang mga gamit namin. Nakakalat sa isang gilid ang mga maleta namin, naamataan ko naman ang dalawa kong maletang kulay mustard. Hindi ko na muna iyon nilapitan at dumiretso na muna sa kitchen para magluto ng hapunan, ilang oras lang naman ang sinayang namin sa grocery kaya 5 o'clock pa lang ng hapon.

Mga 6 siguro magluluto na ako.

Nagsisunuran sakin sila Hiraya na may mga dalang kanya kanyang grocery bags. Nang mailapag nila ang grocery ay nagsitakbuhan na sila agad para siguro libutin ang buong bahay, napailing na lang ako dahil para silang mga bata kahit kailan.

Sinalansan ko na ang mga pinamili namin at nilagay sa mga lalagyanan nila. Inumpisahan ko sa mga pagkain na madaling lutuin pag umaga.. corn beef, hotdog, spam, eggs, maling, tocino. Sinunod ko naman ang mga gulay at karne. Ano kaya pwedeng ulamin bukas? Bumili ba akong pancake? Sinilip ko ang mga ibang grocery bags at nakitang nakabili naman pala ako ng pancake. Nang matapos ako sa mga pagkain ay sa mga bathroom essentials namin, akyat manaog ako sa hagdan dahil pabalik balik ako sa kanya kanya naming kwarto.

Alam niyo kung paano ko nalaman? Ang iingay nila eh putangina.

"Sakin itong kwarto na 'to!" rinig kong sigaw ni Eli sabay pasok sa pangalawang kwarto mula sa dulo. Pinuntahan ko agad iyon dahil ilalagay ko ang mga bathroom essentials ni Eli sa sarili niyang bathroom, last na yung kanya at hindi na ako aakyat muli. Halos skin care ang lahat ng hawak ko, puro face mask at moisturizer.

"Edi sayo! Basta sakin 'to! Mainggit kayo please! Dahil may bathtub ako!" pangiinggit ni Hiraya sa kanila. Ano ngayon kung may bathtub siya? Lunurin ko pa siya don eh.

Nang makapasok ako sa kwarto ni Eli ay namangha naman ako sa ayos nito. Ang ganda. Dumiretso ako sa bathroom niya at agad nilagay ang mga essentials niya.

"BAGO KAYO MAG EXPLORE, KUNIN NIYO MUNA ANG MGA PUKINANGINA NIYONG MGA MALETA! NAKAKALAT EH! ITATAPON KO YAN!"

Matapos ko iyon isigaw iyon ay nagsitakbuhan naman agad sila sa pababa, naunahan pa ako. Dali dali nilang kinuha ang mga maleta nila sa isang gilid habang ako ay pababa pa din ng hagdan at chill lang, alam ko namang kukunin na din nila yung maleta ko.

Napahinto naman ako nung bigla nila akong halikan sa pisngi isa isa habang paakyat sila ng hagdan. Kadiri!

"ANO BA?! KADIRI KAYO!"

Malakas silang nagtawanan habang isa isang nagsipagsukan sa kani-kanilang kwarto. Napailing na lang ako sabay balik sa kusina para magayos ulit ng mga pinamili.

Wake me up, Darling.. (Del Mundo Series #1)Where stories live. Discover now