Chapter 4

15 1 0
                                    

"Ano bang trip mo dun? Ha?"

"Hatdog."

Binatukan naman ako ng malakas ni Iago dahil sa sinabi ko. Ano ba kasing masama kung kukunin ko lang naman yung number niya? Mamamatay ba ako? Siya? Mababaog ba ako? Mabubuntis? Ika-wawala ko ba yon ng puri? Joke lang hehe.

"Tinatanong kita ng maayos. Babanatan na kita, umaariba nanaman yang pagka-isip bata mo.." nang iirap na sabi ni Iago sakin. Hinarap niya yung lalakeng may hawak ng kapares ng sapatos niya at nanghingi pa ng size.

"Oo nga naman.. ano bang meron at hiningin mo number non? Akala mo di namin malalaman ah.." natatawang pangaasar ni Klenth sakin. Siya naman yung inirapan ko.

Nandito kami ngayon sa Nike outlet sa isang mall malapit sa bahay na tinitirahan namin. Linggo ngayon kaya medyo madaming tao, pero okay lang naman. Hindi naman kami may ari ng mall para pagbawalan silang pumasok dito.

-.-

"Wala. Masama bang hingin yung number niya?" tanong ko pabalik kay Klenth habang nakatitig sa phone ko na may number ni Maze.

Te-text ko ba? Hihi. Charot.

"Tanga ka ba? Wala naman kaming sinabi ah.." depensa ni Jasper kaya hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.

"Bakit? Eh sa pagtatanong niyo pa nga lang sakin parang maling mali na yung ginawa ko."

Hindi nila ako pinansin kaya tinitigan ko ulit yung phone ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, ngayon ko na ba siya ite-text? Bukas? Sa susunod? Eh gusto ko na kasi siya makausap eh. Ewan ko ba kung ano pumasok sa kukote ko at hiningi ko yung number niya. Basta simula kahapon.. natutuwa na ako sa kanya.

Mukha siyang clown, joke.

Nang makabili sila ng mga sapatos nilang gusto ay sa Balenciaga naman kami kasi duon kami bibili ng sapatos ko, ayoko na sa Nike.. nagsasawa na ako.

Lutang pa din ako sa kakadesisyon kung ite-text ko na ba siya o hindi habang nagsusukat dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Nagulat naman ako nung may nangabog sa likod ko, puta ang sakit gago. Tarantado yon ah. Nilingon ko kung sino yon at napagtantong si Klenth pala.

Tinignan ko siya ng masama sabay batok sa kanya.

"Aray!"

"Bat ba kasi nangangabog ka?" asik ko. Tinawanan niya lang ako sabay turo sa ulo niya, alam ko na yung mga ganyan. May naisip nanaman yan na kalokohan.

"Sabihin mo yung totoo.. gusto mo si Maze noh?" nangaasar niyang sabi kaya napaubo naman ako kahit wala akong iniinom na makakapagpasamid sakin pwera sa laway. Inambahan ko siyang ibabato ko sa kaniya yung sapatos na hawak ko kaya napatakbo naman siya sa malawak na store habang malakas na tumatawa.

"Hala.. so gusto mo nga?" nanlalaki pa yung mga mata ni Klenth habang nakaturo pa sakin, kahit na malayo siya samin ay kitang kita ko pa din yung matang niyang malaki.

Umiling naman ako agad.

"Ha! Di mo ko mauutakan! Wais to boy! Wais!" pagmamayabang niya pa sakin habang kinakabog yung dibdib niya. Parang gago. Wag na sana tumibok yang puso mo, joke lang.

"Gago hindi naman talaga.." nakanguso kong sabi sa kanya.

"Nako Vince. Ikaw pa. Yang mga ganyang galawan mo eh bulok na sa amin." Inirapan ko din si Jasper na nagsusukat ulit ng sapatos. Jusko sandamakmak na yung sapatos neto bukod pa don sa mga pinanglalaro niya. Puta ang yaman kasi eh.

"Bakit ba ang kukulit niyo? Wala nga sabi akong gusto don! Masama bang hingin yung number niya?" nakanguso kong sabi sa kanilang lahat pero tinawanan lang nila ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wake me up, Darling.. (Del Mundo Series #1)Where stories live. Discover now