Prologue

35 4 0
                                    

"Why.. w-why do you.. have t-to leave?" I was gasping for air kasi kanina pa ako humahagulgol dito and my tears wont stop, ang sakit sakit na din ng dibdib ko. Ang sikip sikip na, hindi na ako makahinga pero hindi ko ininda yon dahil kumpara sa nangyari sa kanila ay walang wala to.

Hindi ko naman alam na uso na palang mang iwan ngayon edi sana sumunod na ako sa kanilang tatlo. Ang sakit sakit eh, why do they have to leave me alone? Hindi ba nila naisip na baka malungkot ako? Ma-depress? Mag suici—

No. No Felize. You won't do that. Don't ever do that! Magagalit sila. Magagalit siya, at kung nandito lang siya ngayon ay baka kinonyatan ka na non. Saka hindi naman nila alam na mangyayari yon diba?

Natawa na ako sa naisip ko. Mukha na akong tanga dito sa harapan ng mga kabaong nila.

People were looking at me with sadness in their eyes, na parang awang awa sila at walang magawa kundi makiramay na lang. I also feel sorry for myself, kasi bakit hindi pa ako sumama sa kanila? We could have been happy, spending the moments kahit na hindi ko naman alam na mawawala sila sakin agad. Pero wala eh. Nangyari na.

I can't make them live again. I'm no magician. I can't hold them. I can't hug nor kiss them. Ang unfair, ang unfair ng buhay.

Wala nang nang hahalik sakin sa umaga para magising ako. Wala nang magdadala sakin for simple and cheap dates. Wala nang manghaharana sakin kapag pinapagalitan ko. Wala na akong kasama magcelebrate ng birthday ko. No one is with me now, ako na lang. Ako na lang magisa.

It's just me.

I would understand if they would die out of oldness, pero hindi eh. They died without me on their side. They.. they were..

"Cali.. anak? B-Balik ka na o-oh.. nandito na s-si mommy.." hinaplos ko ang kabaong ng bunso kong anak habang hinihiling na sana ay bumalik na siya. Ang ganda ganda ng anak ko, anghel na anghel ang itsura sa kanyang puting dress.

Kaso ngayon anak, magiging anghel ka na talaga.

Lumipat ako sa isa pang mas mahabang kabaong at doon nakita ang panganay kong anak.

"A-Aaron.. jusko ang panganay ko.. a-anak balik ka na din oh. Haranahin mo na u-ulit si mommy.. please a-anak? Gu-gusto na ulit marinig n-ni mommy yung.. b-boses mo kakantahan pa k-kita ng b-birthday song b.. bukas diba?" nagmamakaawa kong sabi. Why do they have to experience this?

They were doing good with their life? What's wrong? Bakit ganito? Bakit nila kailangang mamatay?

Once again, lumapit ulit ako sa kabaong ng asawa ko. Hubby gising na please? Kakain pa tayo ng street foods mamaya diba? Kasi anniversary natin, diba mahal?

"Mahal.. gising ka na diyan oh.. g-gumawa ako ng fa.. favourite mong cupcake.. mahal gising na, di-diba sabi m-mo may.. may hearing k-ka nga..yon? Bangon ka na diyan oh, nag.. naghihintay na y-yung kliyente m-mo sa ko-korte.. mahal naman!"

I never thought life could be this cruel.

:')

Wake me up, Darling.. (Del Mundo Series #1)Where stories live. Discover now