AUTHORS NOTE:
Pagpasensyahan niyo na kung puro skip yung ginagawa ko o mabilis ang mga pangyayari sa kwento, minsan kasi wala akong maisip kaya pinafast forward ko lang pero minsan ineedit ko naman ito. Sorry talaga at sorry rin sa mga errorsThird Person's POV
Maraming araw na ang nakalipas at mas nagiging malapit na ang grupo ni Dev kay Rom. Tuwing walang pasok ay lumalabas silang grupo kasama si Rom para gumala, isang beses nga ay dinala nina Dev si Rom sa drag race area kung saan ay sumasali sina Dev, pero di parin maiwasan ni Dev na di alalahanin ang magkapatid. Sa mga nakalipas kasing araw ay di niya masyadong nakakausap ang magkapatid dahil busy ito sa ilang task na binibigay ng lola niya at kung may oras man siya ay napupunta lang ito sa pagpraktis sa nalalapit na Sport Fest.
"Dev?" tawag ng isang tinig kay Dev kaya napa-upo si Dev sa hinihigaan niya at tinignan ang taong pumasok sa rooftop.
"Dev?" tawag ulit ng tinig sa kanya kaya tumayo na si Dev sa pagkaka-upo at tumalon pababa sa roof ng pinto.
"Aytipaklongnahulog!!" gulat na saad ng tinig ng bigla nalang tumalon si Dev papunta sa harap niya, napatawa naman si Dev.
"Aray!" daing ni Dev ng hampasin siya ng taong pinagtatawanan niya.
"Baliw ka ba!? Ba't ka bigla-biglang nanggulat?!" inis na saad ng tao kaya napanguso si Dev.
"Ehh?! Tinatawag mo kaya ako syempre magpapakita ako" saad ni Dev.
"Pagpapakita ba yung ginawa mong bigla ka nalang tumalon sa harap ko ng walang pasabi?" inis na daing nito.
"Sorry na" nakangusong saad ni Dev habang hinihimas ang parteng nahampas ng kaibigan niya.
"Tss, ba't ka ba nandito? Di ka na naman ba pumasok?!" galit na tanong ng kaibigan niya.
"Ehh?! A-ano k-kasi...ahmm" di na natapos ang sasabihin ni Dev ng kurutin siya ulit ng kaibigan sa tagiliran.
"A-aray b-beehh ang sakit nun" saad ulit ni Dev at tinaas ang tshirt niya habang tinitignan ang parteng kinurot ng kaibigan niya, nabigla naman ang kaibigan niya sa ginawa ni Dev.
"H-hoy baliw ka ano yang ginagawa mo?" utal na sabi ng kaibigan niya.
"Syempre tinitignan yung bahaging kinurot mo" inosenteng saad ni Dev habang hinihimas ang parte yun.
"Ibaba mo nga yang tshirt mo!" inis na saad ng kaibigan niya at biglang binaba ang tshirt ni Dev.
"Beb naman masakit pa nga yung kinurot mo tapos ang rahas mo pa sa akin" malungkot na sabi ni Dev kaya naguilty naman ang kaibigan niya.
"Sorry beb" saad ng kaibigan niya sabay yakap kay Dev.
"Hayss okay lang Ki alam mo namang di kita matitiis" nakangising sabi ni Dev.
"Ba't ka ba kasi nandito?" tanong ni Kiya kay Dev na ngayon ay naka-upo na sa railings ng rooftop.
"Hmm bigla lang kasing sumama ang pakiramdam ko kanina kaya di na ako pumasok" simpleng sagot ni Dev habang nakatanaw sa malayo, napansin naman ni Kiya ang biglang pag-iba ng mood ni Dev.
"Okay ka lang ba beb?" tanong ni Kiya bago yakapin si Dev sa likod.
"Okay na lalo pa't nandito ka na" nakangising saad ni Dev kay Kiya kaya natawa ang isa.
"Hahaha kahit kailan talaga ang korni mo" natatawang sabi ni Kiya, bigla naman humarap sa kanya at tinignan siya ng seryoso kaya napahinto si Kiya sa pagtawa at tinignan din si Dev. Ngayon niya lang napansin ang mga kakaibang mata ni Dev.
"Nakacontact lense ka ba?" biglang tanong ni Kiya pero ngumiti lang ng nakakaloko si Dev sa kanya at niyakap lang ulit si Kiya kaya nabigla naman ang isa.
YOU ARE READING
Twisted Fate
RomanceDev's heart sank as she watched the girl she liked, her eyes filled with a sense of finality. She knew that this was the end of the road, that her unrequited love would never be returned. Dev couldn't bear to watch any longer as the girl laughed a...