Short Side story ito ni Cathyline sa Chapter 7 after umalis nina Dev at ng barkada sa Academy.---------
Cathyline's POV
Nakatulalang nakatingin ako ngayon sa papaalis na sasakyan ng barkada ng Frost sisters dito sa rooftop ng school. Bigla naman sumagi sa isip ko ang una naming pagkikita ni Rogue, yes si Rogue. Sa totoo niyan na Love at First Sight ako sakanya noong tinulungan niya akong makatakas sa rapist na nagtangka sa akin noon. Di ko siya una nakilala dahil nakahoodie ito at nakamask , ang pamilyar lang sa akin noong mga oras na yun ay ang tindig at height niya, naalala ko rin ang pagbabago ng kulay ng mata nito kaya noong nagkabanggaan kami sa school ay dun ko na siya nakilala.
I was happy that time kasi nakilala ko narin ang hero ko pero ang nakakalungkot lang ay di niya ako nakilala. I was in my bussiness mode that time nung may magtangka sa aking mangrape. Kakatapos lang ng meeting ko sa client nun at pauwi ng bigla nalang pumutok ang gulong ng sasakyan ko malapit sa eskinita.
~Flashback~
"Shit!" inis na saad ko ng bigla nalang pumutok ang gulong ng kotse ko. Okay sana kung sa mataong lugar to pumutok pero hindi eh, sa madilim na parte talaga ng eskinita ito pumutok.
Nagdadalawang isip akong lumabas dahil nakakatakot talaga sa lugar na ito, Haisssstttt... Nagsuot muna ako ng jacket bago lumabas. Nang makalabas na ako ay agad kong tinignan kung anong gulong ang pumutok.
"bwesit!" usal ko ng makita ko ang dahilan ng pagkaputok ng likurang gulong ng kotse ko.
Inikot ko naman ang paningin ko para sana tignan kung may malapit na carshop pero bigo ako. Bigla naman ako nakaramdam ng kaba ng may nakita akong mga lalaki na papalapit sa pwesto ko.
"Kailangan mo ba ng tulong Miss Ganda?" nakangising tanong ng parang lider nila kaya mas lalo akong kinabahan.
"Uhmm no need" saad ko
"Inglesher pala yan pare" natatawang saad ng isang kasama nito.
"Porener pala yan eh, swerte naman natin" rinig ko pang usal ng isa niya pang kasama.
"Tss, leave me alone" mahinang usal ko at aakmang papasok na sa kotse ng hawakan nila ang kamay ko at hinila ako pabalik.
"No no no no, ikaw stay dito with ours" nakangising saad ng lider nila kaya natakot na ako, lumapit ito ng lumapit sa akin kaya napapikit nalang ako.
*bogsh*
Napamulat ako ng mag narinig akong pagbagsak sa harap ko at nakita ko nalang ang lider nila na walang malay na nakahiga sa sementadong daan.
"Sino ang nanjan?!" sigaw ng kasamahan ng lalaki at nilibot ang paningin nila.
'pagkakataon ko na to' saad ko sa sarili ko at papasok na sana ulit sa loob ng kotse ko ng hilahin ulit ako ng isang adik at tinutukan ng kutsilyo sa leeg.
"Lumabas ka kung ayaw mong mamatay tong babae na ito!!!" malakas na sigaw nito, nilibot ko ang paningin ko hanggang sa tumigil ito sa isang taong nakatayo sa malayo pero di pa ata nakikita ng adik na ito ang taong yun.
Napapikit ako ng mata ko ng maramdaman ko ang pag diin nito ng kutsilyo sa leeg ko. 'Lord please wag niyo muna akong kunin, gusto ko pa pong magkapamilya' dasal ko sa isip ko pero napamulat ulit ako ng may narinig ulit akong mga pagtumba at nakita ko nalang ang iba niyang kasamahan na wala ng malay na nakahiga sa semento. Ramdam ko ang panginginig ng lalaking may hawak sa akin ng makita naming nasa harap na namin ang kaninang taong pinagmamasdan ko sa malayo. Papalapit ito ng papalapit sa amin at sa bawat lapit nito ay siya ring pagdiin ng kutsilyo sa leeg ko.
Huminto nalang ito bigla at nananaliksik na tinignan kami, kitang kita ko ang mata nitong kulay asul na nagliliwanag, nag-iba rin ang kulay nito ng ilang sandali ewan ko nalang ko napansin ito ng lalaki. Bigla nalang itong tumalikod sa amin, sa pag-aakalang aalis na ito ay biglang lumuwag ang pagkakahawak sa akin ng lalaki kaya kinuha ko itong pagkakataon at pumiglas sabay takbo papunta sa mysteryosong tao.
"GAGO KA!" sigaw ng lalaki at huhulihin na sana ulit ako ng humarap mysteryosong tao at nagpaputok ng baril, sa akala ko ay sa akin na yun tatama kaya pumikit ako hanggang sa marinig ko nalang ang pagbagsak ng lalaki sa likod ko.
Nanghina nalang bigla ang tuhod ko dahil sa pinagsamang takot at kaba na nararamdaman ko. Dahil narin siguro sa nangyari kanina ay nakaramdam ako ng pagod at hilo kaya naman bumagsak na ako pero bago pa ako masaktan ay naramdaman ko nalang ang malambot na bagay na humawak sa akin at binuhat ako.
~End of Flashback~
At pagkatapos ng pangyayari na iyon ay nagising nalang ako na nasa loob na ng kwarto. Di rin ako mapakali simula ng araw na yun dahil gusto kong magpasalamat at makilala ang taong nagligtas sa akin. Kaya naman nung araw na nagkabungguan at natumba kami ni Dev papunta dito sa rooftop ay di ko na siya tinigilan sa ulit. Nakita ko ang pagbabago ng kulay ng mata niya tulad sa taong nagligtas sa akin pero syempre di muna ako nagpadalos-dalos.
Inalam ko talaga ko siya nga yung taong nagligtas sa akin at tama nga ako ng hinala dahil nakita ko siyang nakikibakbakan sa mga adik na nasa kalye noon. May tinulungan kasing batang babae na muntik narin marape. Doon na mas lalo akong napahanga at naging interesado sa kanya pero yun nga lang ay wala na akong laban dahil sa Frost sisters na yun pero hindi ako susuko.
Naisipan ko narin na bumuba na sa rooftop dahil dumidilim na rin at baka mamaya may masalubong na naman ako, ayoko pa namang may mangyaring masama. Papunta na ako ngayon sa kotse ko sa parking lot ng biglang may tumakip ng panyo sa mukha ko dahilan para mawalan ako ng malay.
*bogsh*
Timeskip~
Nagising nalang ako ng maramdaman ko ang pangangalay at sakit ng parehong kamay at binti ko, dun ko lang napagtanto na nakagapos pala ako sa isang upuan. Madilim ang lugar at ang tanging liwanag lang na nakikita ko ay ang liwanag sa labas ng pinto na nasa harap ko.
Gusto kong sumigaw, gusto kong magpumiglas sa mga taling ito pero di ko magawa dahil may takip ang bunganga ko at sa tuwing magpupumiglas ako ay siya namang paghigpit ng tali. Naiiyak nalang ako sa nangyayari sa akin ngayon. 'Pápa, Máma tulungan niyo ako please' sigaw ko sa isip ko bago ulit mawalan ng malay.
YOU ARE READING
Twisted Fate
RomanceDev's heart sank as she watched the girl she liked, her eyes filled with a sense of finality. She knew that this was the end of the road, that her unrequited love would never be returned. Dev couldn't bear to watch any longer as the girl laughed a...