CHAPTER 7

12.1K 215 68
                                    

Yssa's POV

Dala-dala ko ngayon ang result ng final exam ko. Guess what? Worth it lahat ng puyat at pagod ko kakareview, dahil ang tataas ng scores ko, 91.8% ang average ng scores ko. Diba, antaas? Dati kasi nasa 75-78% lang yan eh. Kahiya HAHAHAHA.

Iba talaga pag May inspiration, which is the most gorgeous and faithful girl ever. At balak ko syang surpresahin dahil alam kong matutuwa at mapaproud yun sakin, saka may price daw kasi ako once mataas ang scores ko.
Alam ko naman kung ano yun eh. *Wink*

"Yssa!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

"Oh Jen, bakit?"
Tanong ko dito.

"Nakita mo ba si Aleijah? Nagtatampo sakin yun eh"
Hinihingal nyang tanong.

"Wala eh, bat ba? Baka di mo siguro pinagbigyan kagabi?"
Asar ko sa kanya.

"Heh! Makaalis nga"
Tumakbo ulit sya kaya pinagpatuloy ko na ang paglalakad papuntang parking lot.
Sumakay ako sa big bike ko saka ito pinaharurot papunta sa pinakamalapit na flower shop.

Bumili ako ng bouquet of Fresh daisy saka sumampa ulit sa big bike ko.
Dahan-dahan lang ako sa pagmamaneho para di gumulo yung flowers.

Nangmakarating ako sa company building na pag aari ni Kuya, pinark ko agad ang aking big bike bago pumasok.
Nasa elevator palang ako, ang bilis na ng tibok ng puso ko. Siguro sobrang naeexcite lang ako.

Nang nasa last floor na ako, dumiretso muna ako sa office ni kuya para mangamusta pero yung secretary nya lang yung nadatnan ko.

"Si Mr. Vallentin po ba?"
Tanong neto sakin.

"Yes miss"
Sagot ko

"Di ko nga po rin alam miss Yssa. Kumuha lang ako ng coffee nya sandali pero wala na sya sa office nya pagbalik ko."

Tango nalang ang sagot ko dito.

"Kung gusto nyo po, iwan nyo nalang yang bulalak dito. Ako nalang po yung mag aabot sa kanya"
Alok nya.

"Ay hindi... Hindi to para sa kanya"
I smiled at her bago umalis at tinungo ang office ni Myca.

Nang nasa harap na ako ng pinto nya, tumigil ako sandali para ayusin yung sarili ko.

Sinuklay ko yung buhok ko gamit ang aking daliri.

Inilipat ko yung brown envelope sa left hand ko together with the bouquet at ginamit naman ang right hand ko to open the door. Buti nalang at hindi nakalock.

Pagbukas ko ng pinto, nakita kong di lang pala nag iisa si Myca.
She's with my Kuya.
Nakatalikod si Kuya sa gawi ko habang may kung anong inaayos sa polo nya habang yung coat naman nya ay nasa ibaibaw ng mesa ni Myca.
While si Myca naman ay nakaupo sa swivel cahir nya habang nakayoko lang sa mesa, na parang bang pagod na pagod.
Naku, kung di lang bakla tong kuya ko , iba na iisipin ko HAHAHAHA.

I opened the door wider saka pumasok.
"Good afternoon guys"
I greeted them.

Napaupo ng maayos ni Myca habang si Kuya naman ay napaharap sa gawi ko.
They both look shocked.

"HAHAHAHA ako lang to oh"
Biro ko sa kanila na ikinatawa nilang pareho. I'm not sure kung tawa nga ba o ngiwi yung ginawa nila.

Lumapit ako kay Myca sabay abot ng bulalak at Brown envelope sa kanya.

"For my gorgeous love, your favorite flower and ofcourse, my Final exam result"
I kissed her forehead.
Pwede kong gawin lahat ng gusto ko sa kanya ngayon tutal alam naman ni Kuya Mark ang about samin.

Todo ngiti ako habang pinapanuod syang binubuksan ang envelope.
Napansin ko ang panginging ng kamay nya kaya bigla akong nag alala.

"You're trembling love. Ok ka lang ba?"
Nag alalang tanong ko dito.

"Y-yes, Im ok"
Ngumiti muna sya sakin bago nya inilabas ang bond paper kung saan naka record ang scores at average ko.

"Balik na akong office ko"
Akmang aalis na si Kuya pero pinigilan ko sya.

"Wait kuya, may good news pa ako"
Hinila ko sya at pinaupo sa harap ni Myca.
Nagkatingin sila sandali then immediately diverted their eyes to each other. Weird naman ng mga tao ngayon HAHAHAHA.

"W-wow love, 91.8? Ang taas ng average ng scores mo ah. I'm so proud of you"
Myca proudly said.

Tinapik naman ako ni Kuya sa balikat
"Good job sis, what do you want as a price? New car? New big bike? Or new chicka babe?"
Tanong ni Kuya.
Loko talaga to HAHAHA

"Naku kuya, bat pa ako hihingi ng new chicka babe eh si Myca babe pa nga lang sobrang kontento na ako"
Then I winked to my girl.

"Oh sya, ibabalita ko yang achievement mo kina Dad, balik na ako sa office ko ok? May hinatid lang talaga akong papers kay Myca"
He kissed my forehead bago sya lumabas ng office ni Myca.
Nakaamoy ako ng perfume na pang babae sa damit sya, gosh! Ang bakla pala talaga ng kuya ko.

Umikot ako sa mesa at umupo sa harap ni Myca.
I kissed her forehead, her nose, then her lips.

"Thank you for being an inspiration love"
Smiled to her.

Napansin kong masyado syang pinagpapawisan, ang init din naman kasi ng office nya kahit may aircon.

Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ko saka ipinahid sa kanya.

"I can wipe my own sweat love"
Saway nya sakin.

"It's ok, I love serving my queen"
She hugged me on my torso.

"Let's celebrate love?"
Aya nya sakin.

"Let's go"

My Pervert Sister In LawWhere stories live. Discover now