CHAPTER 14

10.9K 217 33
                                    

Yssa's POV

MAGULO

Yan ang unit ko ngayon.
Kalat dito, kalat duon.
Bote dito, bote duon.
Plastic ng chichirya dito, lata ng beer doon.
Sirang gamit dito, basag na gamit naman duon.

My Unit is looked like me.
It's really a big mess.

Ilang araw na akong nagkukulong sa unit ko, walang ibang ginagawa kundi ang uminom.
Walang nakakapasok dito dahil pinalitan ko sang passcode ko.

Lumalabas lang ako kapag bibili na naman ng chichirya at panibagong makakapaglasing sakin.

I really don't know what to do.

Inuubos ko nalang ang laman ATM ko at ang cash na meron ako.
Pag walang-wala na ako, hihintayin ko nalang ako kamatayan ko.

Wala namang may pake alam sakin.
Tinigil na nga nina dad ang pag bibigay ng pera sakin dahil sa pinag gagawa ko. Tsk! Bahala sila!
Dun sila sa paborito nilang anak.

Inubos ko yung laman ng bote ng alak saka ito tinapon kung saan.

"Aaarrgghhhhhh!"
Pinag babasag ko lahat ng walang laman na boteng nakikita ko dahil naaalala ko na naman yung nangyare nung isang linggo.

Gusto ko nalang matapos tong lahat ng paghihirap ko.
Di ko naman magawang mag suicide dahil alam ko pa rin naman ang kaibahan ng tama at mali.

Pero ni minsan, di ko inisip na mali ang desisyon kong mahalin si Myca.
Yun ang pinakamagandang tama na ginawa ko sa buong buhay ko.

Mali lang naman ako sa part na pinaniwala ko ang sarili ko na bakla si Kuya, at kahit kailan walang mangyayare sa kanila ng mahal ko.
Iniisip ko palang na ilang beses na bang may nangyare sa kanila, sobrang nadudurog ng paulit-ulit ang puso ko.

Naging masama ba ako sa past life ko kaya nangyayare lahat ng to sakin?
Minsan iniisip ko kung deserve ko ba lahat ng to?
Siguro nga, di naman mangyayare to kung di ko deserve eh haha.

Nang mapagtanto kong ubos ang inumin ko, tumayo ako pero agad din akong bumagsak.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko at nagsimula na namang alalahanin ang pinakamasayang araw sa buhay ko kasama ang babaeng pinaka mamahal ko.

×Flashback×

Graduation ko na ngayon, at di ako makapaniwalang gagraduate ako with flying colours.

Siguro dahil inspired ako this school year dahil kay Myca.

Nang matapos na ang graduation ceremony, agad akong tumakbo papunta sa mga taong mahal ko.

Niyakap ako ng pamilya ko. Kumpleto sila ngayon dahil umabsent si Kuya para sa special day ng kapatid nya.

Nandito din si Myca, she wanted to see me daw while receiving my deploma sa taas ng stage.
Sobra syang proud sakin at nakikita ko yun sa mga mata nya kanina habang pinapanuod ako.

Nag dinner kami sa isang restaurant bago nagsiuwian.
Pero dahil ngayon ko balak magpropose kay Myca, dinala ko muna sya sa favorite place ko which is sa isang bangin na kitang kita ang buong city na nasa baba lang neto.
Hindi naman delikado dahil may barrier naman sa gilid neto.

Ilang minuto lang ng pagtatambay ay nagulat sya ng makitang may mga nagliliparang drawn sa kalangitan na bumuo ng 'I ❤️ U'
Pagkatapos nun ay singsing naman ang binuo ng nag cocontrol ng drawn.

Pinag ipunan ko talaga yan para maging memorable ang pag proposal ko sa kanya.

Tears are falling from her beautiful eyes ng makita nyang lumuhod ako sa harap nya.
Nilabas ko ang box ng singsing na nasa bulsa ko lang.

"Ngayong malaya na tayong magmahalan, Will you marry me Myca Cabrera"
Kahit kinakabahan ako, I managed to smile when I open the box.

Please say yes love.

My smile got bigger ng tumango sya habang umiiyak.
"Yes Yssandra Vallentin, I'll marry you"
We shared a passionate kiss and hug each other after kong isuot sa daliri nya ang singsing. It's really suit to her.

×End of Flashback×

Natapos ang gabi na yun ng masaya kaming dalawa.

Pero ngayon, lugmok na lugmok ako dahil di na mangyayare ang kasal na inaasam ko.

Wala na ang babaeng pinakamamahal ko.
Nasa piling na sya ng iba.

My Pervert Sister In LawWhere stories live. Discover now