" I miss you " , rinig ko ang lungkot ng boses niya sa kabilang linya.
"I miss you too. Can we meet?", napakagat-labi ako upang mapigilan ang hikbi ko. Ayokong marinig niya ako na umiiyak. Ilang buwan na din kasi ang nakalipas mula noong huli ko siyang nakita. Hindi kami masyado nagkakasama ni Aion dahil malayo ang school namin sa isat-isa. Hindi din kasi alam ng papa ko at tanging si mama lamang ang nakakaalam tungkol sa relasyon namin kaya pahirapan kami kung magkita pero this past few weeks parang hindi nalang yon yung rason. Nagiging distant na siya pero hindi ko na lamang iyon pinapansin.
"Yon nga babe eh, magpapaalam sana ako. Sana pumayag ka" , ramdam ko ang kaba niya sa tanong niya.
"Ano yon babe?" mahinang sagot ko dahil bigla din akong kinabahan. Ganito naman palagi tuwing aayain ko siya na magkita kami palaging may rason.
"May nag offer kasi saakin ng part-time sa kabilang bayan. Gusto ko sana yon babe. Pandagdag kita din", kinakabahan ngunit direstong aniya. Nalungkot ako lalo sa sinabi niya ngunit kailangan kong suportahan kahit ano mang desisyon ng mahal ko. Ayokong maging balakid sa plano niya lalo na kapag for his own improvement naman ito.
Agad akong nagkunwari na masaya at sinagot ang tanong niya, "Oo naman babe. Support kita diyan. Basta mag-ingat ka don ha?" , hindi pa man niya nasasabi kung anong trabaho iyon ay pumayag na ako. Ayoko na siya tanungin, gusto ko maramdaman niya na ako yung klase ng babae na palagi lang siya susuportahan.
" Talaga babe? Payag ka?" , namamangha, di makapaniwalang tanong niya.
"Oo naman. Ano ba Haha. Support kita palagi babe. Ganon kita kamahal " agad akong nameke ng tawa upang ipakita na hindi ako malungkot sa balita niya.
" Salamat talaga babe, malaking tulong talaga saakin to. I love you babe" , sinserong aniya.
" I love you too babe", mahina kung sagot sa takot na baka marinig ako ng pamilya ko.
"Magkakampanya kami babe. Sweswelduhan kami ng politiko na iyon kapalit ng serbisyo namin sa pag advertise sakanya" , di ko tinanong ngunit kusa na niyang sinabi ang magiging trabaho niya sa kabilang bayan. Bigla bigla din ay naalala ko na inimbinta din ako ng aking pinsan na magbakasyon sa bayan nila. Hindi ako pumayag dahil gusto ko magkita kami ni Aion ngunit di na yon possible dahil may papasukan siyang trabaho sa bakasyon. Napag-isip isip ko na pumayag na doon at ipaalam sakanya para di ako malungkot sa dadating na boring na bakasyon.
" Ah okay babe. Oo nga pala . Kilala mo si ate Gab diba?", tanong ko.
" Ah oo, yung pinsan mo sa Santa Clara. Bakit po babe?" ,balik tanong naman niya.
" Ano kasi babe, inaya niya ako magbakasyon doon sa bayan nila. Okay lang ba?" , agad siyang nanahimik. Ilang segundo din ang namayani ng hindi nakahintay ng sagot ay ako nalang ulit ang nagsalita.
"Babe?", alalang tanong ko.
" Madami bang lalaki don?", agad akong napatawa sa tanong niya.
" Ikaw talaga HAHAHA. Syempre meron pero babe sobrang loyal po ako sayo. Promise di ako titingin sa iba", paninigurado ko sakanya at tinaas pa ang kanang kamay na para bang makikita niya. Hindi agad siya sumagot at makalipas ulit ang ilang segundo ay narinig ko ang malakas na buntong hininga niya.
YOU ARE READING
Aimer Sans Peur
RomanceA perfect love is that kind of love that impales fear of uncertainty. Love that is full of courage. Always willing to fight. Always willing to love. To love like there is no tommorow because losing that person is more scary than taking the risk of l...