Sa kabila ng panginginig ay agad kong pinulot ang nabitawan kong selpon, sinusugurado kung tama ba ang nabasa ko.
[Anak, umuwi ka na. Totoo ba ang nababalitaan ko na sumama ka sa bakla? Wag mo gawin ito anak. Umuwi ka na.]
Sa mga oras na iyon wala akong ibang naramdaman kundi ang pagsisisi at galit. Gulat na gulat sa nabasa ko. Nagsisisi kung bakit ko pa siya tinaggap. Alam ko na may nakaraan siyang ganito ngunit sakabila non ay tinanggap ko siya dahil ang sabi niya nagbago na siya. Hindi ko akalain na magagawa niya saakin ito. Sobrang nakakapanghina ng loob. Nagalit ako sakanya ng sobra. Nang mahimasmasan ay dali dali ko siyang kinontact at sa pagkakataon na iyon ay sumagot naman siya kaagad. Sinabi ko lahat sakanya ang nalaman ko. Iba't ibang mura at masasakit na salita ang natanggap niya mula saakin pero wala na akong pakealam ang gusto ko lang mailabas yung galit ko.
" Totoo ba? , ano ka ba naman Aion. Tinanggap kita kahit ganon ang nakaraan mo kasi sabi mo saakin nagbago ka na. P*t*ng*n*!", inis ko na sabi. Hindi na inisip kung tama pa ba ang pinagsasabi ko.
"Ano bang pinagsasabi mo? Wag ka naman magpaniwala sa sinasabi nila" , mariing tanggi pa niya.
"T*ngina naman. Wag ka na magsinungaling saakin parang awa mo na" , galit ng sabi ko.
Sa mga oras na iyon ay tila wala na akong maramdaman na pagmamahal para sakanya, tila sa isang iglap napalitan lahat ito ng galit. Mas umusbong pa ang galit sa puso ko noong paulit ulit niya na tinatanggi ang kasalanan niya saakin. Paulit ulit niyang sinasabi na mali ang iniisip ko kahit meroon ng ebidensya. Paano ko nga ba papatawarin ang tao na hindi naman kayang aminin ang pagkakamali niya? Paano ko ba papatawarin ang tao na hindi naman marunong humingi ng tawad. Pagkatapos non ay hindi ko na siya kinausap. Masyado ng masakit. Gusto ko nalang muna magpahinga. Gusto ko nalang muna ilayo yung sarili ko sa problema.
Mabilis lumipas ang mga araw at wala na akong balita sakanya. Hindi nadin ako nag-abalang kausapin pa siya. Sapat na saakin na alam ko na yung katotohanan. Pero hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang patawarin. Hanggang ngayon galit at pagsisisi padin ang nararamdaman ko para sakanya. Ang alam ko lang gusto kong magdusa siya at maramdaman din niya yung sakit na pinaramdam niya saakin.
------
Ilang linggo din ang lumipas at talagang wala ng balita mula sakanya ang natanggap ko. Sinubukan ko nalang din na kalimutan siya para sa ikakapayapa ng isipan ko. Wala akong ibang ginawa kundi ang libangin ang sarili ko kasama ang mga kaibigan ko. Ang akala ko na boring na bakasyon ay hindi pala pero nakakalungkot na kung kailan malapit na matapos ang bakasyon doon ko lamang naisipang magpakasaya. Madaming araw ang nasayang ko sa paghihintay sakanya. Sana nagsaya nalang ako noong una.Nakahiga lang ako sa kama habang nag-iisip kung ano ang gagawin noong biglang makatanggap ako ng mensahe mula kay Faith, ang kababata ko.
[Bespren. Tara perya mamayang gabi.]
Agad akong naexcite sa sinabi niya kaya agad agad akong pumayag. Kinagabihan ay naligo na ako at kumain nadin ng hapunan para makatipid dahil may pagkamahal ang mga pagkain sa perya. Nagbihis nalamang ako ng simpleng t-shirt at pedal para kapag meroon na ang sundo ko ay hindi na niya ako kailangang hintayin dahil nakakahiya.
Naglakad nalang kami dahil malapit lang naman ito sa bahay namin. Pagkadating ay agad kaming naglaro. Maliit lamang ang peryahan sa baranggay namin. Walang mga rides pero madaming stall na may ibat ibang palaruan. Agad kaming pumunta sa running lights pero ubos na ang dinala naming barya ay talo na kami. May pagkadaya atta sabi ko pa sa isip, nakakainis! Umupo nalang kami sa gilid ng kalsada habang nagkwekwentuhan. Nang maubos ang topic ay nagkanyakanya na kami sa pagseselpon. Nasa kalagitnaan ako ng paglalaro ng Minimilitia noong may matanggap ako na mensahe. Napataas ang kilay ko noong mabasa kung kanino galing ito .
[Hi Mariya! :) Kamusta na? :) May nahanap kanabang bago? Kung meron man, sana hindi ko katulad, sana hindi ko katulad na pinapaiyak ka, sinasaktan. Humanap ka ng lalakeng deserve para sayo ha? Uhm. sorry nga pala sa mga nagawa ko, oo alam kong huli natong pagpapakumbaba ko, pero hindi naman masama diba? Ang importante makapagbigay ako sayo ng sorry, sorry Mariya, naglaho na kasi pagmamahal ko sayo nun e. May bago nako, Oo bakla yung bago ko, mahal ko siya, hindi naman masama Mariya diba? Kaya sana sa lahat ng nagawa ko sayo, sana matutunan mo na akong patawarin kahit hindi pa ngayon okay lang, handa kong maghintay ng kapatawaran mo. God has a purpose for everything. :) Lahat ng tao nagbabago, nauumay, depende lang sa tao. Kaya sana makahanap ka ng lalaking mabait at deserving para sayo, yung hindi ka lolokohin o papaiyakin. :) Sorry sa lahat lahat Ming. :) May hiling lang ako, Pwede bang magkaibigan nalang tayo? :) Para no hard feelings na. Pero kung ayaw mo. Okay lng sakin. :) Sorry sa lahat ng ginawa kong mali. Godbless. :)]
Agad na kumirot ang puso ko sa nabasa ko. Hindi ko na siya mahal. Alam ko sa sarili ko pero narealize ko may mali din naman ako. Mali na hinusgahan ko siya. Pero hindi pa siguro ito yung tamang panahon para mapatawad ko siya.
Hindi ko sinagot ang mensahe niya dahil hindi ko lang din naman alam ang sasabihin ko. Pagkauwi ay dumeretso na lamang ako sa kama at nakatulugan na ang pag-iisip.Ilang araw pa ang lumipas ngunit hindi ko padin mawala sa isip ko ang mensahe niya. Sobrang bigat pala sa puso kapag may kinikimkim na galit. Ang hirap hirap. Sobrang bigat sa pakiramdam kaya napagdesisyunan ko na patawarin siya, na intindihin siya. Sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ito para nadin sa ikakatahimik at ikakaluwag ng kalooban ko. Oo masakit pero ang hirap hirap na parang may bumabara sa puso mo at hindi alam kung paano tanggalin, hindi malaman kung paano pagaain. What I want and hope right now is to have a deep cleaned heart and I know that only forgiveness and solace are the only solution to ease the pain and burden in my heart. Pero hindi ko alam kung paano, hindi ko alam ang proseso.
Hanggang isang araw ,habang pumipili ako ng mga gamit ko sa pasukan ay may napansin akong libro. Pamagat pa lamang ay nahuli na ang atensyon ko. JOURNEY OF FORGIVENESS. Matagal kong tinititigan ang libro na nakita ko. Parang may naguudyok saakin na bilhin at basahin ito. Nang makapagdesisyon ay agad ko itong iniligay sa cart at nagtungo na sa cashier. Tungkol ito sa babaeng ginahasa at ang proseso ng kanyang pagpapatawad sa mga taong nagkasala sakanya. Madaming luha ang naiiyak ko dahil sa istorya. Maikukumpara ko kasi ang sarili sa babaeng bida. Pareho kaming punong puno ng galit ang puso. Sa huli ay natutunan din niyang patawarin ang gumahasa sakanya at minamahal niya pa ito. Madami akong realization at natutunan sa istorya na iyon. Para bang ginamit ng Diyos ang istorya na iyon para maturuan ako na magpatawad and it felts so good. Totoo ngang, God moves in mysterious ways.
If God forgave me for my sins, who am I not to forgive the people who have hurt me?
Tumatak saakin ang linyang iyon. Tama nga. Kung ang diyos nagawang patawarin ako araw-araw sa lahat ng pagkakasala ko ,anong karapatan kong hindi patawarin ang taong minsan din ay minahal ako? Yung tao na bago ako sinaktan ay minahal din naman ako. Unti-unting nawala ang pagsisisi sa puso ko. Sa huli narealize ko na siguro ginamit siyang instrumento ng panginoon upang may matutunan ako at maging matatag ako sa buhay. God gave me him for a lesson. And that is in order to achieve a peaceful heart we should learn how to forgive. Madaming galit ang naipon sa puso ko ngunit sa huli ay may natutunan ako. The pain was worth it!
Agad akong napaluha ulit sa naisip. Sobrang sarap pala sa pakiramdam kapag tuluyan ng napalaya ang sarili mula sa galit. Bukal na sa puso ko ang pagpapatawad. Pinapatawad at pinapalaya ko na siya but I made a promise to myself and that is not to love someone easily again.
To be continued...
YOU ARE READING
Aimer Sans Peur
RomanceA perfect love is that kind of love that impales fear of uncertainty. Love that is full of courage. Always willing to fight. Always willing to love. To love like there is no tommorow because losing that person is more scary than taking the risk of l...