Alam mo ba yung pakiramdam na napabago ka ng isang tao? I mean, yung mga hindi mo ginagawa mo noon ay nakakahiligan mo na ngayon? Pero...hindi ko akalaing ang isang tao rin na 'yon ang magpapabago ng lahat ng iyon. Sinimulan niya, tinapos niya.
---
Sapphire's POV:
"Ruby Red, gusto ko sanang mag sorry sa lahat ng pananakit na ginagawa ko sa'yo. Mahal naman talaga kita, eh. Hindi ko lang talaga masyadong naipakita... I never thought that in just one glance, mawawala ka sa akin. Isn't it ironic? Nasan ka man, palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita BabyLove..."
Tumatangis na sabi ni Kuya Silver, kilala niyo ba siya? Nandito kase ako ngayon sa burol ni Ate Ruby. Pinsan ko siya sa mother side, namatay kasi siya four days ago. Naholdap daw at nirape. I was in Vigan that time. Ngayon, Manila muna ako. Mga walang kwentang tao lang talaga ang gumawa sa kanya noon. Wish them hell. Awang awa nga ako dito kay Kuya Silver. Masyado kasi niyang inaano si Ate. Hayy. Nevermind. Pagibig nga naman. Pupunta na sana ako sa kusina upang kumuha ng tray ng pagkain when I saw the snacks.
Ughh. Coffee, bread, XO candies? Srsly. Ito talaga ang ipinapakin sa mga burol? Pwede namang juice diba o kaya wine. Joke lang, kayo naman. Hehe. So eto na nga ako, nagseserve ng snacks and coffee. Ayst! Ano ba tong matatandang to, mukhang enjoy sa kape ah? Like ewwiee, hmp, yaan mo nga sila Sapp.
"Kuya merienda muna po kayo." mukha kasi siyang natutulog, eh. Teka, parang hindi ko ata to kilala, ah. "Kape?" sabi niya na pupungay pungay pa ang mga mata. "Hindi kuya, alak 'yan," I said with my bored look. Isn't it obvious? Duuh. "Ah ok." Sus, kinuha din naman. Choosy choosy pa 'to. Lol.
Nagpaalam na ako kay Kuya Silver at kay Tito at Tita para umuwi na. 6:58 na kasi, malapit na mag seven. Ohmy, nakakatakot maglakad sa daan. Baka mapatulad kay Ate Ruby...wag naman po sana! Huhuhu. Walang mga ilaw. I am walking fast nang nakakita ako ng anino. Errr, anino? Sino naman? Baka pusa. Tama tama. Pero nakarinig pa akong ng mga hikbi at kaluskos kaya naman tumakbo na talaga ako! Waaaaahhhh, promise po magpapakabait na po ako! Hindi ko na po ibabash ang JaDi-
"Aaaaahhh! Tae ka, huhuhu! Wala akong pera, huhuhu! Kuyaaa, wag po. Pucha. Taeee!!!" OMG. Nadapa ako! May humawak sa kamay ko.. Ahhh! Sino 'yun!? "Miss? Ayos ka lang ba?" Ha? Parang familiar yung boses, ah. Teka, ay! Si ano pala. "Uhh. Hehe. Oo." Si kuya Coffee, pala!
Hoo. I thought I was gonna die kanina. Pinasundan pala ako ni Tita sa kanya, awww. Sweet naman ni Tita, baka nilalanggam na siya ngayon. Lol. So speaking of, eto kasabay ko ngayong naglalakad 'tong si kuyang ewan ko ang pangalan. Matanong nga. Tinanong ko kung anong pangalan niya, JC pala. John Christian daw.
Nandito na kami sa tapat ng bahay ko so nag paalam na ako sakanya. Napansin ko lang ang tahimik niya? Hay naku, itutulog ko na nga lang 'to.
*after 4 weeks*
"Sige na Sapp! Uminom ka na ng kape, masarap to. Promise!" Pilit sa akin ni JC. Opo, bffs ang peg namin ngayon. Gwapo, eh. Haha. "Ayoko nga! I just can't imagine myself drinking that crap!" bawi ko naman agad sa kanya, eww kaya. "Please. Para sa akin." Pucha naman oh. Tikman ko kaya? Ayyy... Uhmm... SIGE NA NGA!
Tinikman ko... And uhmm. Okay naman pala 'yong lasa, eh. Ako lang talaga 'yong maarte. Hehe, sorry naman. Iba kasi 'yong lasa ng kape niya, eh. Unlike others, na ang pait. So yun nga, natapos ang araw na pinaubos niya sa akin yung kapeng yun. Gladly, naubos ko nga. Para ngang gusto ko pa ng isa, eh. Lol.
**fast forwarded**
Ilang buwan narin ang nakalilipas. Maybe mga 2 na ata. I never thought na we will come to this. This na nagpabago talaga ng buhay ko, imagine, I'm drinking coffee na two times a day? Isn't that what you called addiction? Sa kape ba o sa nagtitimpla? Haha, corny. Yep, tama kayo ng basa kami na ni JC, ang bilis ba masyado? Love 'yan, eh. So ayun nga, umiinom na ako ng kape, kumakin na ako ng mga coffee jelly sa Starbucks, XO candies. Anything that have coffee. I'm starting to like it na.
Nasaan kaya si JCMyLoves ko? Baka may iba yung kalandian ah? Sus, eh mahal ka kaya nun Sapphire! Think positive. I texted him to ask if where he is at the moment. He said that he is currently behind me. Ha?
"Ay puchang kape!" anak ng pusit naman oh oh. Behind nga! Nandito kasi kami ngayon sa Mall ng mga kaklase ko, we have few materials to buy for our project kase. "Aba, pinupucha mo ang kape?" Sus! "Joke lang, Baby. Ikaw naman, hihi. Cute mo talaga." Lambing ko sa kanya. Inaya ko naman siya sa Starbucks at iniwan ko ang mga lukaret kong kaklase. Bahala nga sila dun. Haha.
"Baby, gusto ko ng Caramel Frappe, please? Hihihi." sabi ko sa kanya with my puppy eyes. "Opo, baby." "Yehey!" Hehehe. After 6 minutes dumating na rin 'yong order namin. Ang tagal ha, I'm starving. Starving pero kape ang gusto? Impossible. "Parang kelan lang, hindi kita mapainom ng kape ah?" pagoopen ng topic ni JCMyLovesKo. Haha, ipinagdamot lang?
Isang taon na. Isang tao na ang nakalilipas. It means, one year na kami ni Baby JC ko. Birthday ko bukas, the next week naman ay anniversary namin. Hihi, I'm turning 17 this October. Nandito lang kami sa tambayan namin sa park ng subdivision. Picnic lang. Nakahiga ako sa lap niya, yiiie. Kilig ako.
"Baby, may sasabihin ako." sabi ko, "Ano 'yun, baby?" balik naman niya sa akin. "Alam mo bang ikaw ang dahilan ng lahat?" "Lahat?" Oo, siya talaga. "You are the reason kung bakit ako nahilig sa coffee, natuto akong mag organize ng stuffs ko, naging maalam akong mag gitara, nahilig akong mag aral, natutong akong magpngupo kahit ayaw ko. Haha, natuto akong mag dota, CoC, Minecraft, LOL, Uberstrike at kung ano ano pa. I know this may sound corny, pero sabi nga nila it's not love when it isn't corny. Ikaw, eh. Mahal kasi kita, sana magtagal tayo Baby. Sana forever na kahit sinasabi ng mga bitter jan sa kanto na 'walang puribir' sana patunayan mo 'yun sa akin. Masyado kasi kitang mahal, eh. I don't know what to do pag iniwan mo'ko. Mahal kasi kita, ako mahal mo ba ako?"
Mahabang litanya ko sa kanya, natahimik ata siya. "Baby, ano ka ba? Mahal kita no matter what happens, and you do know that. You do not have to think or hear those things sa mga jeje at bakal boys jan sa kanto. From day one ng panliligaw ko sa'yo. Nasabi ko na kaagad sa sarili ko na 'no I will neither hurt nor break the heart of this girl, papatunayan kong may forever' at palagi mong tatandaan ng mahal kita, itaga mo sa kape. Haha" Ano ba yan, why am I so kinikilig? Ahihihi. Tae. Haha.
Umuwi na kami, malayo pa kasi subdivision nila, eh. Birthday ko na nga pala bukas, ano kayang regalo niya sa akin?
Good Morning! Yaahh, it's my birthday already, actually kanina pang 12 midnight. Lol, haha. So 17 na ako, ang tanda ko na! Napagpasyahan kong papuntahin na lang ang mga classmates at friends ko dito sa bahay. May foods na kasi akong pinaprepare sa mga maids. 3:29 p.m. na. Ang bilis naman ng oras, natapos na yung party. Hindi pa rin dumadating si JC. Baka naman busy o 'di kaya nagpeprepare ng surprise niya for me! Ohmy, I'm so excited. Tinext ko siya na matutulog muna ako, baka sakaling hanapin niya ako, eh.
**4 days had passed**
"Apat na raw mo akong pinagintay John Christian! Hindi mo na nga ako nabati ng simpleng Happy Bday at Happy Anniversary! Anniversary natin kahapon but where were you? Ha! Ano, tapos kung di ko pa malalaman sa friends mo, may iba ka na palang girlfriend? Tangina, wag namang ganyan!" ay pucha! Nakakinis! "Ano bang problema mo Sapphire? Hindi pa ba obvious 'yon na gusto na kitang layuan?! Ayaw ko na sa'yo!? Ang tanga mo naman!" Aba aba, natanga pa ako, hindi niya ba alam na masakit?! "Tangina! Anong nangyari dun sa papatunayan mong may forever?! Ano, ha!" sigaw ko sa kanya habagpng humihikbi, hindi ko na kaya...
"Let's get this straight. Sapphire, I'm breaking up with you. Hindi kita mahal at hindi kita minahal, niloko lang kita. Inuto lang kita. Masyado kang nagtitiwala. Umalis ka na, lumayo ka na. Makakalimutan mo din ako. Sorry na lang, masyado mong sineryoso, eh." huling sabi niya sabay alis.
Ganun ganun na lang ba 'yun? I never thought na ganito pala kasakit... Parang nalaglag 'yung puso mo sa sobrang sakit. Hindi ko alam, isang araw ayos lang, sweet naman kami ah? Anong nangyari? All thes time niloloko lang niya pala ako! How dare he! May mali ba sa akin? Meron ba? Alam mo 'yung masakit? 'Yung iiwan ka niyang nagiisip kung saan ka ba nag kamali. Saan ba ako nagkamali? Nagkulang ba ako!? Ang sakit na.
Dahil sa simpleng kape...nabago ang lahat...pero hindi ko alam na dito rin magtatapos ang lahat. Bakit ba hindi na lang ako maging masaya? Siguro nga ito ang itinadhana sa akin. Hindi pa tama 'yung panahon, ang tanga tanga mo naman kase Sapphire! Coffee break...
Sinimulan niya, tinapos niya.
WAKAS
BINABASA MO ANG
Coffee Break (One Shot)
Teen FictionHindi. Hindi talaga ako umiinom ng kape. Kahit mga XO candies, never talaga! Imagine ang pait pait niya and then hindi ka pa makakatulog ng ayos. Yes, I tasted it once. Not twice, not thrice, as in once lang talaga. But all of these suddenly changed...