Nasa bahay sila ngayon ng kasintahan ni Jax.
Sinalubong sila ni Annika na naka apron pa.
"Pasensya na kayo, makalat dito sa loob. Hindi pa kasi kami tapos magluto eh" ani Annika na nahihiyang ngumiti sa kanila
"okay lang yun, makita lang kita masaya na ako" ani Jax na biglang umakbay dito
"Ano ka ba, baka makita ka nila tatay" inalis ang kamay ni Jax sa balikat niya
Sa tabi ni Jax ay nginisian ni Hunter ang pag alis nito ng kamay ng kaibigan.
"Hindi pa ba sila sanay na boyfriend mo ako?" tanong ni Jax na nakakamot pa sa ulo
"tyaka na natin yan pag-usapan, kukunin ko lang yung huling niluto namin, punta na kayo sa labas" sambit ni Annika
Nagpunta sila sa labas. May mangilan ngilan na siyang bisita na nakaupo sa kabilang mesa.
Mula pa kanina ay tahimik lang si Hunter, kung saan saan namamasyal ang tingin nito na tila may hinahanap.
"Kanina ka pa walang Bae, may problema ba?" napuna siya ni Jax sa pananahimik nito
Lumingon ito kay Jax "Ah, wala. Msy iniisip lang" aniya at tyaka ngumiti ng bahagya.
Nasulyapan niya ang paparating na si Annika na may hawak hawak na malaking bowl.
Nag-umlisa na ang kainan, self service kaya tumayo sina Jax at Hunter.
Sa kanilang mesa ay tumabi si Annika.
"Kamusta naman ang pagtransfer mo sa new school?" ani Jax
"Olay lang naman, may pagbabago sa pakikisama pero ganoon talaga sa umpisa, diba?" sagot ni Annika
"medyo malayo ng school na pinagtuturuan mo ngayon, ano kaya kung sunduin kita tuwing uwian niyo. " ani Jax
"Naku huwag na no, tulad ko may trabaho ka rin, ayoko naman na maging pabigat sayo" ani Annika
"Kailan ka naging pabigat abir?" ani Jax na binitawan ang kubyertos at humarap kay Annika.
Tumikhim si Hunter. Napalingon amg dalawa sa kanya.
Tumingin siya sa kanila at nag taas ng kutsarang may kanin.
Umalis ni Annika para asikasuhin ang iba pang bisita.
"Anong trabaho ng girlfriend mo?" biglang tanong ni Hunter
"Ah, titser siya sa public school. Nagtransfer siya dito dahil kakalipat lang nila mula probinsiya." sagot ni Jax
Tumango si Hunter, nang masulyapan si Annika na pumasok sa loob ay tumayo siya. "Pupunta lang ako banyo sandali lang." pagpapaalam niya dito
Pag pasok sa loob ay agad niyang sinundan ang kinaroroonan ni Annika na nasa kusina.
Sumandal siya sa pader malapit sa bungad. "Hindi ka nag punta ng mall kanina?"
"Ay butiki!" gulat na sambit ni Annika ng biglang may nagsalita sa likuran niya. Paglingon niya ay nakita niya si Hunter. "Nakakagulat ka naman Hunter."
"Sino yung kasama mo kanina sa mall?" tanong ulit ni Hunter
"Huh, anong mall. Hindi ako umalis ng bahay, sinamahan ko sina nanang sa pagluluto." pahayag niya
Lumapit si Hunter kay Annika. " Nakita kita kanina at noong isang araw, hindi magsisinunggaling ang dalawang mata sa nakita ko. Ako ba pinagloloko mo?" ani Hunter na hinigit niya ito sa braso
"Ano ba, nasasaktan ako bitawan mo nga ako!" pagalit na sabi ni Annika
"Kung lolokohin mo si Jax ngayon pa lang hiwalayan mo na siya, dahil hindi ako papayag na isang tulad mo ang gagago sa kaibigan ko, tandaan mo yan" ani Hunter na sinamaan niya ito ng tingin tyaka binitawan ang braso nito.
Humawak ito sa kanyang braso na hindi makapaniwala sa sinabi ni Hunter sa kanya.
Tinitigan siya nito ng ilang sigundo bago ito umalis.
Napasandal ito sa may lababo. "Anong pinagsasabi niya. Baliw na ba siya?" bulong niua sa sarili na hawak hawak pa rin ang braso na namumula sa pagkakahawak ni Hunter dito kanina.
Lumapit si Hunter sa kinaroroonan ni Jax. "Mauna na ako sayo, may gagawin pa ako. Ipaalam mo na lang ako sa girlfriend mo" aniya tyaka tinap ang balikat nito.
"Sige bae ingat" ani Jax na tinanguhan niya si Hunter.
Niglang hinto ng kanyang sasakyan sa tabi at napa sapo ito sa noo. "Bakit nagmamatigas siya na hindi siya iyon eh huli na nga siya."
Tumonog ang cellphone nito.
Kinuha niya iyon sa tinignan ang screen.
[One new message]
"sa pagbabalik mo meron ka nang secretary, kaka hires ko lang kahapon"
Ibinalik niya iyon sa bilsa at binihay nang muli ang makina.
Muntik na niyang makalimutan na kakatanggap lang niya ang posistion sa Company ng kanilqng tito Ruffo bilang Executive Director.
Kahit tinanggap niya ang position ay isa pa rin itong secret agent. Hindi niya matanggihan ang pakiusap ng kanilang tito Ruffo sa kabila ng kanyang trabaho, ayon dito, kailangan ng Company ng isang tulad niya. May culprit sa loob ng Kompanya na kailangan nilang mahanap.
Dumaan ito sa firing hall at doon niya nilabas ang inis.
"Tignan mo nga naman, ang astig na si Hunter Mariano andito." ani Yule
"Hoy, anong ginagawa mo rito asong sipsip" ani Liam
Nilapag niya ang baril sa mesa at inalis ang hearing protection nito.
Tinignan niya ng diretso si Liam na seryoso ang mukha
"oooooh nakakatakot" ani Liam na malalit ang mga mukha nila
"Bakit hindi niyo pagbutihin ang trabaho niyo nang sa ganun eh umangat naman ranggo ninyo hindibpuro dada na parang manok putak ng putak" panunuya niya kay Liam na pati ang mga kasama ay natamaan.
Sumeryoso ang tingin ni Liam. "Anong sabi mo?"
Nagkatitigan sila ng mata.
"Bakit natamaan ka?" ani Hunter na ngumisi sa mukha ni Liam
Hahawakan sana siya nito sa kanyang kuwelyuhang damit pero hinawakan ni Hunter ang kamay nito.
Binabawi niya ang kamay niya pero sa higpit niyon ay hindi maalis ang kamay nito na nakahawak sa palapulsuhan nito.
"Bitawan mo ang kamay ko!" sigaw ni Liam na nanlilisik ang mga mata
"Okay sabi mo eh" binitawan niya sabay hila sa gilid kaya muntik na itong sumubsob
Nag ngingitngit na ang mga ngilin nito ng humarap siya, iindahan niya ito ng suntok ng mabilis na nakailag si Hunter. Sumugod na rin ang kasama nito. Puro lang ilang ang ginagawa nito. Natumba sa sahig ang ilan.
Pinagpagan ang damit. "woooh, hindi man lang ako pinqg pawisan, husayan niyo pa sa taekwando mukhang sa tango kayo magaling eh" aniya at nginisihan niya ang mga ito na parang toro na gagalit umuusok ang mga ilong na iniwanan niya.
YOU ARE READING
The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 Completed
Misteri / Thrillerbachelors series book 4