"Tama na girl! Mag-out ka na dyan at balikan mo cake mo dito!" singit ni Linds sa phone.
"Oo na sige na! Pabalik na!" medyo depressed na sagot ni Jea. Nanavigate na nya ang cursor sa log-out tab nang biglang nagpop-up ang isang friend request...
Giel Carlos wants to be friends on Facebook.
"Ha!" Spell gulat? J - E - A!!!
"Oi! What happened there?" tanong ng kausap sa telepono na di na nasagot pa ni Jea.
* * * * * * *
Jea Christina Romualdez confirmed your friend request. Reply to send her a message or visit her timeline.
Ngiting-ngiti na si Giel habang nakikita nya ang pagkagulat ni Jea
"Sir, eto na yung pinaprint nyo" sabi ng nagbabantay sa computer shop habang inaabot sa kanya ang pinaprint at ang flashdrive.
"A sige, salamat!" at inabot naman nya ang bayad at papalabas na ng computershop habang nagtatype sa phone nya.
* * * * * * *
Di pa rin makapaniwala si Jea sa nangyari. At lalo syang di makapaniwala sa chat na nareceive nya
Sorry kung nahirapan kang i-add ako ha. Here's my number. 09265714781. Just passed your station, nagpaprint...
At lumingon sya sa counter sabay tanong, "Kuya, may nagpaprint sayo kanina? Asan na sya?"
"A ayun po, palabas na," sabay turo sa direksyon ng pintuan.
At duon nya nakita si Giel na nakalingon sa kanya habang patuloy na naglalakad palabas ng computer shop. Binuksan nito ang pinto at nag-smile sa kanya bago tuluyang lumabas ng computer shop."OH MY G!"
*********************
"Nakakahiya girl!" sabe ko sa dalwa"Totoo! Nakakahiya ka! Nagpahuli ka pa talaga!" sabe ni Linds
"Eeeh! Hindi ko naman alam na andun sya eh!" naiiyak nako
"Wala na tayong magagawa jan Je. Wag ka na lang masyadong paobvious next time" sabat ni Mitch
**********
"Totoo tol? Type ka talaga siguro nun" sabi in Paul
"Malamang! Paulit-ulit pag-aadd sa facebook eh" sagot ni Chad
"Oh well, that just shows how handsome your tropa is" sabe ko sabay papogi pose
"Ulol!" at kinutusan ako ng dalawa, "Feel na feel mo potek!"
"Anong balak mo ngayong alam mong me gusto sya sayo?" tanong ni Matt
At napaisip nga naman ako
*************
So ayun nagstart class at hindi pa din ako mapakali. Parang di ko kakayanin na makasalubong ulit si Giel. Not after that nakakahiyang eksena sa comshop. I wonder kung chinika na ba nya sa friends nya. If Linds is right, magiging pulutan ako ng kwentuhan ng magtotropa. I will be lying to myself if I say di ko gustong mapansin ako ni Giel, pero sana di matake advantage like Mitch is fearing.
******************
Iniisip nya kaya ako ngayon?
Di mawala sa isip ko ang cuteness nya nung nilingon ko sya. Gulat na gulat sya eh. Pero cute pa din. Bat kase ang ganda nya damn!
At mukhang mabait pa.****************
Wait lang! ang weird mo self ! Bat parang inlove na inlove ka na agad ke Giel? Ano self? Kateng kate?
Hooooo! Kalma self! Hindi to tama! Babae ka! Pahinhin ka dapat! Dalagang Pilipina yeah! Dapat sya unang magchat!
******************
Chat ko na kaya sya? Pero di pa sya nagrereply sa chat ko eh. Sineen lang nya. Baka nahiya na sya saken. Baka isipin nya itetake advantage ko sya dahil alam ko nang crush nya ako. Sana di sya maturn off
*******************
Replyan ko na ba? Baka naman isipin masyadong easy to get. Pero kung di ko naman replyan, baka sabihin suplada. Hooo! Ang hirap maging babae! Kailangan mong maging prim and proper kahit na gustong gusto mo yung tao.
*************************
Please follow Me on Social Media
Facebook, Twitter, Instagram: @iamjeromeangelo
![](https://img.wattpad.com/cover/224962620-288-k2acd52.jpg)