Mas pinaglapit..

2 1 0
                                    


August 1, 2009

  
   Araw ng birthday ni Franz, kahit pinaramdam niya na presence ko lang at frienship namin ay okay ng regalo para sakanya, naghanap parin ako ng material na bagay na maibibigay para may remembrance. Siya ang pinakauna kong kaibigan at ayoko na pangit ang una naming memory sa birthday niya, kaya binilhan ko siya nang t-shirt na may print ng banda na pinaka favorite niya. Maroon V.

  
   Hapon nagsimula ang birthday niya, nahihiya akong maunang pumunta kaya naghintay ako nang kaunti pang oras bago ko mapagdesisyunan na bumaba na. Nang makarating ako sakanila, siya ang nagbukas nang pinto at sinalubong niya ako ng ngiti. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya inabot ko nalang agad yung paper bag na hawak ko na may lamang regalo, halata sa mukha niya na nagulat siya na may ibibigay pala ako at mas lalong lumaki ang ngiti nya, nginitian ko siya pabalik.

  
   Pag pasok namin sa loob nang bahay nila napansin ko na medyo marami rin ang bisita niya, may mga namumukhaan ako na mga kaschoolmate namin na baka kaibigan o classmate niya at may mga medyo may edad na din na baka kamag anak nya. Mas nahiya ako lalo kasi wala akong kakilala bukod sakanya, uupo na sana ako sa gilid gilid nang bigla niya akong pinakilala isa isa sa mga bisita niya at pinaramdam sakin na welcome ako. Kinalaunan naging komportable din ako sa mga classmate niya at nagkakatuwaan kami, masaya din ako na sobrang gaan kausap ng mama niya na hindi ko inaasahan na makakasundo ko.

  
   Lumipas ang oras at hindi namin napansin na 6 pm na pala at kailangan ko nang umuwi dahil may curfew ako. Nagsabi na ako kay Franz at halata sa mukha niya na ayaw niya pa akong umalis pero sinigurado ko na makakausap niya pa ako mamaya sa kwarto, nagpaalam na din ako sa mama niya at nagulat ako nung niyakap niya ako. Hinatid ako ni Franz hanggang gate namin at nagpasalamat dahil pumunta ako, hindi niya alam na mas nag enjoy ako.

○○○

  
   Mga 9 pm na tapos ang birthday celebration ni Franz, nakahanda na ako para matulog pero hinahantay ko parin siya sa kwarto niya para makausap ko man lang siya bago ako matulog. Napansin kong bumukas ang ilaw sa kwarto niya, sumilip ako sa binata at naabutan ko siya na nakasilip din.

"Hinahantay mo ko?" Pang aasar niya.

"Matutulog na ako" bigla kong sabi. Tumawa siya.

"Joke lang. Hindi ko pa nabubuksan yung regalo mo. Wait kunin ko." Sabi niya. Nawala siya bigla pero nakabalik din agad habang hawak hawak yung paper bag na binigay ko sakanya. Pinanood ko siyang buksan 'yon at nung nailabas niya na yung tshirt para makita niya nang mabuti kitang kita sa mukha niya ang pagkagulat, sa totoo lang hindi ko talaga madescribe kung anong yung sakto o specific na itsura niya nun. Halo halo kasi.

"Wait! Totoo ba to?" Pagtatanong niya sakin habang nanlalaki yung mata. Hindi ko alam kung matatawa ako e.

"Ayaw mo ba?" Tanong ko sakanya.

"Baliw ka ba? Eto na ang pinaka da best na regalong natanggap ko!" Sabi niya habang tinitignan yung tshirt na parang mahal na mahal niya.

"Buti naman nagustuhan mo. Hinanap ko pa yan kasi alam kong limited edition yan" sabi ko. Proud na proud ako sa sarili ko nun kasi may napasaya akong tao. Kahit halos maubos ipon ko para mabili lang yon at hindi ako nakatulog ng maayos kakahanap sa internet na mabibilhan at magdedeliver agad kinabukasan, pero okay lang kasi worth it yung reaksyon niya.

"Dapat pala kanina ko pa to binuksan para nayakap kita" sabi niya habang nakangiti. Hindi ko alam kung anong naramdaman ko nung araw na yun. (Grade 3 palang ako niyan ang landi ko na hahahaha)

"Kadiri ka naman" sabi ko para maalis ko sa isip ko kung ano man 'yon. Tumawa lang siya.

   Nagpatuloy kaming mag kwentuhan ng mga bagay bagay. Tungkol sa music, sa school, sa mga pangarap namin sa buhay at pagtingin ko sa orasan 11 pm na pala. Nag paalam na ako sakanya para matulog at makapagpahinga na din siya.

"Hinding hindi ko makakalimutan 'tong araw na to. Good night Stella" sabi niya.

"Good night" at nang gabing 'yon nakatulog ako nang mahimbing.

○○○

April 2010

  
   Bakasyon na para saming mga lower grader pero para kay Franz espesyal ang buwan na 'to. Graduation niya na at hindi na siya makapaghintay na umakyat sa stage.

  
   Kahit bakasyon na gumising ako ng 5 am para batiin si Franz sa araw nang Graduation niya, binuksan ko yung bintana ko at nakikita ko syang nagpaplansta ng polo nya habang naghuhumming. Napansin niya ata na may nakatingin sakanya kaya tumungin siya sa may bintana.

"Uy! Good morning, aga ah?" Pagbati niya sakin. Nginitian ko siya.

"Good morning din. Wala lang, gusto lang kitang batiin ngayong Graduation mo" sabi ko.

"Sweet naman ng bestfriend ko. Gumising pa ng maaga para batiin ako" pang aasar niya. Unti unti na akong nasasanay sa kayabangan at kakulitan niya kaya minsan hindi ko nalang pinapansin o minsan bumabanat din ako para makaganti.

"Madapa ka sana sa stage" pang aasar ko pabalik. Nagulat siya ih.

"Wag ganon" sabi niya. Tumawa ako at kinalaunan sinabayan niya na din ako tumawa.

  
   Pinanood ko lang siyang mag ayos at ayaw niya daw malate sa Graduation nila. Bago umalis binasa niya sakin yung speech niya para mamaya (valedictorian sya) at sa totoo lang namoved at natouch ako sa speech niya. Nag good luck ako sakanya bago sya umalis at dahil hindi na ako makatulog bumaba nalang ako para kumain.

  
   Hapon na pero wala pa sila Franz sa bahay nila, sa isip ko baka nagbonding sila ng mama niya. Nilibang ko muna ang sarili ko sa loob nang kwarto ko, naglinis ako, kumanta, nagsayaw at nang mapagod ako humiga nalang muna ako sa kama. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

 
   Nagising ako sa ingay ng katok, tumayo ako para buksan yung pinto ng kwarto ko pero wala namang tao. May kumatok ulit at napansin ko na sa may bintana ko pala nang gagaling yung ingay, nakita ko na may stick na may gloves na kumakatok sa bintana ko. Napangiti ako sa kalokohan ng kaibigan ko.

"Hi!" Masigla kong bati sakanya. Tinignan niya ako at ngumiti nang matamlay. Hindi yun yung tunay niyang ngiti, may lungkot sa mga mata nya. "May problema ba?" Pagtatanong ko. Baka sakaling may maitulong ako. Umiling lang siya. Umupo ako para samahan ko lang siyang tumambay habang nagtititigan kami hindi ko na siya pinilit tanungin kasi baka ayaw niya pag usapan. Huminga sya nang malalim.

"Hindi man lang nagawa ng papa ko na pumunta sa Graduation ko" bigla nyang sabi na ikinagulat ko. Hiwalay na ang mama at papa niya, kahit kailan hindi ko naisipang iopen up sakanya ang about sa mga magulang niya kasi alam ko na masaya naman na siya at alam ko din ang pakiramdam na walang tatay, pero sa araw na yun alam kong hindi masaya si Franz at halatang gusto niyang makita ang papa niya. Alam kong may kulang sakanya. "Wala din siya nung birthday ko, pero pinatawad ko din agad siya kahit nakalimutan niya akong batiin. Nangako siya na pupunta sya sa Graduation ko. Kasama pa sya sa speech ko pero hindi din pala siya pupunta. Dapat hindi nalang ako umasa" nakita ko na may luhang tumulo sa mga mata niya, pinunasan niya agad 'yon at pumasok sa loob ng kwarto niya nang hindi nagpapaalam.

 
   Tumakbo agad ako palabas para makapunta sa bahay nila, pinagbuksan ako ng mama niya at nginitian ng malungkot. Kailangan ni Franz ng karamay ngayon, at alam 'yon ng mama niya. Pagpasok ko sa kwarto niya nasa kama siya at nakatakip ng unan ang mukha niya, narinig niya ata ang pag bukas ng pinto niya kaya napatingin sya sa direksyon ko. Napabalikwas siya at inayos ang itsura niya, nahihiya na makita ko siya sa mga panahon na mahina siya. Hindi ako nagsalita at lumapit lang sakanya, umupo sa tabi niya at niyakap ko siya.

  
   Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero hindi ako humiwalay sakanya, ilang sandali lang yumakap din sya pabalik at kahit walang tunog alam kong umiiyak sya. Nanatili kami sa ganong posisyon hanggang sa kumalma siya. Nang naghiwalay na kami sa pagkakayakap humiga kami at tumulala sa kisame ng kwarto niya. Nanatili kaming tahimik hanggang sa makatulog siya.





Hello, Goodbye And Another HelloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon