Kung saan tayo nagsimula..

9 2 0
                                    


June 2009

   Grade 3 pa lang ako niyan at Grade 6 si Franz (isang lalaki na hindi ko inakalang magpapagulo sa buhay ko)

○○○

   Isang araw sa buwan ng hunyo na-late ako nang gising kaya s'yempre na-late din ako ng pasok sa school, nag uumpisa na ang Flag Ceremony nang makadating ako at may patakaran kami na pag nahuli ka sa pag pasok- sa huli ng Flag Ceremony kailangan mong magpaiwan at sabihin sa teacher na naka-assign sa araw na 'yon kung bakit ka na-late.

   Tinignan ko kung ilan ba kaming estudyante ang nahuli sa araw na 'yon, anim kami at kasama doon si Franz (hindi ko pa siya kilala noon). Pagtapos namin kausapin yung teacher nag simula na agad akong umakyat sa classroom bago pa ako maunahan ng teacher ko, habang umaakyat may biglang nangalabit saakin at paglingon ko ay nakita ko yung isang lalaki na late din (si Franz).

  
   Isang Grade 6 student na naka- barbers cut at nakasuot ng nakaplantsang uniporme na may nakakainis na mukha. Grade 3 pa lang ako niyan kaya 'yon lang ang nakita ko sakanya noong mga panahon na 'yon. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa room dahil wala akong oras para makipag-away dahil ilang minuto nalang maari na akong ma-late ng tuluyan, nang makarating na ako sa pintuan ng room biglang sunod sunod ang pangangalabit sakin nung Grade 6 na lalaking hindi ko naman kilala, nabadtrip na ako sakanya kaya hindi ko na natiis at hinarap ko siya. Tutal nasa may room naman na ako.

"Ano bang trip mo?" Tanong ko sakanya. Bata pa lang ako galit na ako sa makukulit, maiingay, pakelamero at bullies. Hindi ko alam kung saang category siya noon pero kumulo talaga dugo ko sakanya lalo na nung ngumiti siya.

"Wala" ngiti ulit. Sa totoo lang kung hindi siya mas matanda saakin baka nasabunutan ko na siya pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Papasok na sana ako nang kinalabit niya ulit ako.

"Kuya, tigilan mo na ako bago pa kita ireport" pagbabanta ko sakanya, ngumiti lang ulit siya (hindi nakakatuwa)

"Franz pangalan ko hindi kuya. Franz Santiago" sarap sabihin na Pake ko?

  
   Bago ko pa siya masagot nakita ko na si Ma'am na naglalakad (teacher ko) kaya iniwan ko na siya sa may pinto. Dumeretsyo na agad ako sa upuan ko at nakita ko na kinausap muna siya ni Ma'am bago umalis (pinagalitan ata). Pinagpatuloy ko ang araw ko nang tahimik at masaya ako dahil wala nang nangulit sakin muli.

○○○

  
   Lumipas ang ilang araw at nakita ko muli si Franz habang naglalakad ako pauwi, hindi ko pa siya nakita sa neighborhood namin kahit kailan pero dahil hindi naman ako ganon ka-judgemental hinayaan ko na lang siya at inisip na baka liliko siya sa kabilang kanto. Nang malapit na ako sa bahay namin lumingon ako para tignan kung nasa likod ko pa siya at Oo, nasa likod ko pa siya. Nang mapansin niya na nakatingin ako sakanya nginitian niya lang ako at sinimangutan ko siya.

  
   Binilisan ko ang pag lakad ko papunta sa gate ng bahay namin para hindi niya na tangkain na kausapin ako, ngunit bago pa man ako makapasok narinig ko siyang magsalita - mga salitang hinding hindi ko matatanggap noong mga panahon na 'yon at promise gusto ko na siyang isumpa nung araw na 'yon.

"Biruin mo 'yon? Magkapit-bahay pala tayo" sabi ni Franz na may halong pangloloko sa tono ng boses niya. Mas nauna pa siyang makapasok sa bahay na katabing katabi lang ng bahay namin na nung isang linggo lang walang tao at naiwan ako doon na nakatulala. Sa dami daming pwedeng maging kapit-bahay siya pa?

○○○

   Sa mga araw na lumipas noong nalaman ko na kapit-bahay ko si Franz marami na agad akong nalaman tungkol sakanya nang hindi ko siya kinakausap o hindi nanggagaling sakanya yung mga impormasyon. 1. Isang anak lang siya at Mommy (tawag ni Franz sa mama niya) niya lang ang kasama niya sa bahay 2. Close siya sa mama ko 3. Magkatapat yung bintana ng kwarto ko sa bintana ng kwarto niya (yung bintana ko nakatapat sa study table ko habang yung bintana niya nakatapat sa kama niya) 4. Magaling siyang mag gitara 5. Gusto niya daw akong maging kaibigan. Lahat nang iyan ay nang galing sa bibig ng mama ko na sobrang saya na may bago siyang kaibigan na sobrang lapit lang samin at may gustong makipag kaibigan sa anak niyang galit sa tao.

  
   Tuwing nagkakasalubong kami sa school pilit ko siyang iniiwasan kasi ayaw ko na kausapin niya ako at mag feeling close. Lagi niya akong nginingitian habang ako sinisimangutan lang siya. Madami na din nakapansin sa school namin (mostly classmate ko or classmate niya) na may relasyon na namamagitan saaming dalawa. Pinilit ko nalang hindi pansinin iyon.

   Napansin ko din na lagi nalang kaming nagkakasabay ng uwi halos araw-araw na, it's either nagkakataon lang o hinihintay nya talaga ako para sabay kaming makauwi. Katulad ng araw na 'to na halos isamg buwan na siyang buntot ng butot saakin at hindi niya matigil yung bibig niya kakasalita.

"Lagi ka na lang nakasimangot" sabi niya sakin. Nakakarindi kasi yung boses mo. "Ayaw mo ba ako maging kaibigan Stella?" Tanong niya sakin. Medyo na guilty ako kahit naiinis ako na nalaman niya na ang pangalan ko pero hindi ko parin siya pinansin. "Narinig kita kumanta kahapon" sabi niya na ikinagulat ko.

"Huh?" Unang salita na binitawan ko sakanya simula nung nalaman ko na kapitbahay ko siya.

"Sabi ko narinig kitang kumanta kahapon. Ang ganda pala ng boses mo." Sabi niya. Mahilig akong kumanta pero hindi ko pinaparinig sa mga tao yung boses ko, si mama lang ang may alam at ngayon alam na din ni Franz. Ang galing.

"Hindi ako 'yon" pagtatanggi ko. Ngumiti lang siya. Akala ko hindi na siya magsasalita ulit.

"Hinanap ko sa internet yung kinanta mo tapos inaral ko yung chords para pag kinanta mo ulit yun masabayan kita gamit gitara ko" sabi niya. Isang bagay na mas ikinagulat ko, hindi ko maisip kung bakit niya gustong gawin 'yon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit kaya ngumiti nalang ako nang pilit.

  
   Nung hapon na 'yon tapos na ako sa lahat ng pwede kong gawin, nakita ko na bukas yung bintana ni Franz at nag gigitara siya. Binuksan ko ng kaunti yung bintana ko at ginawa ang bagay na hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas ng loob para gawin. Nagsimula akong kantahin yung kinanta ko kahapon, nilingon ako ni Franz nang marinig niya ako kumanta at nginitian niya ako, sinimulan niya na akong sabayan gamit ang kanyang gitara. Pagkatapos nang araw na 'yon alam kong naging malapit na kami sa isa't isa, hindi ko namamalayan na kinakausap ko na siya ng maayos tuwing naglalakad kami pauwi at nag jajamming kami tuwing hapon.

"Stela,birthday ko pala bukas." Sabi ni Franz pagkatapos namin mag jamming, nakasilip siya sa bintana nya.

"Weh? Dapat sinabi mo agad sakin para napag-isipan ko ireregalo ko sayo" sabi ko sakanya. Ngumiti siya.

"Hindi ko naman kailangan ng regalo. Iimbitahan lang naman kita dito samin kasi maghahanda daw si mommy, pumunta ka lang okay na 'yon" sabi niya. Alam kong medyo nahihiya pa siya sakin kahit sobrang kulit niya, baka kasi dahil sa masungit ako minsan sakanya o hindi ko pa talaga tinatanggap ng buong buo. At sa moment na 'yon alam ko na ang pinakamagandang maireregalo ko sakanya at maireregalo ko na din sa sarili ko.

"Syempre naman pupunta ako. Para saan pa na magkaibigan tayo kung hindi ako pupunta sa birthday ng kaisa isa kong kaibigan?" Sabi ko na may tunay na ngiti sa aking labi at tunay na saya sa aking mga mata. Ngumiti din si Franz ng abot langit at pagtapos ng araw na 'yon hindi na kami mapaghiwalay.

---

A/N: So ito na ngaaaa, may bago na naman po akong sinusulat na kwento at pinapangako ko po sainyo na itutuloy tuloy ko po ito at hindi ko idedelete. Kaya sana po suportahan niyo po ito at mahalin.

P.S This is a true story (hindi ko na sasabihin kung sino haha). Iniba ko din ang pangalan nila para hindi matago ang pagkakakilanlan nila. Para sa nakakabuti.

P.S Through out the story po paiba iba yung POV, minsan parang nagkwekwento lang yung protagonist tapos minsan naman nagiging first person. Sana hindi mo kayo malito sa pag susulat ko.


Enjoy!





Hello, Goodbye And Another HelloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon