Rooftop

2 1 0
                                    


November 13, 2010

   Ito ang araw ng birthday ko, dati para sakin yung birthday ko ay isang ordinaryong araw lang. Hindi ko gusto ang handaan pero naghahanda parin si mama kasi gusto niya laging maging special ang araw na ito, kaya hinahayaan ko nalang para na din sa mga kapatid ko na naghahantay sa handa.

   Sabado ngayon kaya wala akong dahilan para umalis ng bahay. Kailangan kong ngumiti sa mga bisita at magpasalamat na pumunta sila sa birthday ko. Hindi ako kumain ng kahit ano sa mga handa, wala akong gana at nagtataka ako kung bakit wala si Franz sa birthday ko. Ang sabi ni Mom may inasikaso at umalis, siya na lang inaasahan ko para sumaya ang araw na 'to pero wala pa siya.

   Nag kulong ako sa kwarto ko kasi napagod na ako makipag usap sa mga bisita at gusto ko na mapag-isa. Habang nakahiga at nakatulala may kumatok sa bintana ko, napatayo agad ako para tignan kung sino yun.

"Mom?" sabi ko na may pagtataka kung bakit siya kumakatok sa bintana ko.

"Punta ka daw sa rooftop niyo sabi ng mama mo" sabi ni mom. Kahit nagtataka ako kung bakit siya pa kailangan mag sabi nun sakin kahit nandito lang si mama sa bahay, sinunod ko nalang siya.

   Hindi naman sobrang laki ng bahay namin. 2 stories lang talaga 'to na may extra rooftop lang talaga na pinagsasampayan lang namin ng damit. Habang umaakyat may napansin akong ilaw na patay sindi. Christmas lights? Hindi naman pasko. Pagbukas ko ng pinto papunta sa rooftop bumungad kaagad sakin si Franz na may hawak na cartolina na may nakasulat na "Happy Birthday sa dabest kong BESTFRIEND". Bestfriend na dabest pa.

"So ito ba yung inaasikaso mo?" Pagtatanong ko sakanya. Nawawala na yung inis o tampo ko sakanya dahil wala siya sa party ko. Nang makita ko lang siya masaya na ako. Lalo na may pakulo siya ngayon.

"Oo. Nasurprise ka ba?" Sabi niya. Napakamot siya ng batok. Isang bagay na nakasanayan niyang gawin na nagpapatibok ng puso ko nang mabilis.

"Hindi ka naman sumigaw paano ako masusurprise?" Pabirong tanong ko sakanya. Para maiwasan na mamula ang mukha ko dahil sa ka-sweet-an na ginagawa niya.

"Edi.. SURPRISE! HAPPY BIRTHDAY STELLA!" Biglang sigaw ni Franz. Lumapit ako sakanya at biglaan siyang niyakap na parang gusto kong ihinto ang oras na'to para habang buhay na kaming magkasama.

"Thank you" sabi ko habang nakayakap parin sakanya. Niyakap din ako ni Franz na mas mahigpit pa. Humiwalay na kami sa isa't isa at nakangiti sakin si Franz. May gumagalaw na naman sa tiyan ko - butterflies.

"Anong akala mo ito lang nakahanda para sayo?" Tanong niya sakin. Tinignan ko siya at napansin niya siguro na naguguluhan ako sa sinabi niya. Naglakad siya papunta sa dalawang kurtina na nakasampay at pinanood ko siyang hawiin yun papunta sa gilid at bumungad sakin isa pang inihanda sakin ni Franz. Nagulat ako sa nakita kong inihanda niya para sakin.

   May nakalatag na kumot sa sahig at may nakapalibot na mga throw pillow, may lamesa sa gitna at may nakalagay doon na electric stove at mga pagkain na hindi pa luto, sa mga ingredients na nakikita ko ngayon pang spaghetti yun at meron pang maliit na lamesa malapit sa pwesto na yun at may nakapatong na laptop. Meron din nakasabit na mga christmas lights na nagpapaganda ng view lalo na mag gagabi na.

"Surprise ulit" sabi ni Franz habang tumatawa. Hindi ako makapagsalita kasi hindi ko inaasahan na may gagawa sakin ng ganito. Hindi ko napansin na naiyak na ako. "Sobrang saya mo naman at naiyak ka" sabi niya. Natawa ako at pinunasan ko na ang luha ko. Pinisil niya yung pisngi ko.

   Lumipat na kami sa nakalatag na kumot at nag umpisa na maghiwa ng hotdog habang nagpapakulo ng tubig para lumambot yung pasta at habang nagluluto nanonood din kami ng anime-naruto kasi yun yung favorite namin pareho ni Franz. Luto na yung pasta at gagawin na namin yung sauce.

"Ano ba yang ginagawa mo?" Inis na tanong ko kay Franz.

"Bakit?" Tanong niya sakin.

"Bakit mo inuna yung hotdog kesa sa sibuyas?" Pagtatanong ko sakanya. "Mag gigisa muna" dagdag ko sakanya. Napakamot siya ng ulo.

"Nagugutom na ako e" pagsasabi niya ng totoo.

"Trip mo to e" sabi ko sakanya pero hinayaan ko nalang din. Sa mga simpleng bangayan at asaran namin napapasaya niya na ako, hindi ko alam kung bakit. Kahit minsan nakakainis mas matimbang parin yung feeling na napapasaya niya ako at napapakilig ng hindi niya alam. Kahit alam kong mali lalo na bata pa kami- lalo na ako.

   Pagkalipas ng madaming pagtatalo namin sa pagluluto natapos na namin lahat at pwede na kaming kumain. Spaghetti lang niluto namin pero sobrang tagal halos naka apat na kaming episode ng naruto pero ito ang pinakadabest so far na bonding namin.

"Ano ba yan lasang kamay mo yung hotdog" pagrereklamo ni Franz. Binatukan ko siya.

"Edi wag mo kainin yung hotdog" sabi ko sakanya. Tinikman ko yung hotdog para makasigurado pero hindi naman lasang kamay, tinignan ko si Franz at napansin niya yung ginawa ko tumawa lang siya. Sira ulo.

   Kumain na kami ng tahimik at nanuod. Minsan may side comment si Franz sa pinapanood namin kahit nagrerewatch lang naman kami ng episode. Nang pareho na kaming busog itinabi na ni Franz yung natirang spaghetti at inilapit yung laptop para makahiga kami.

   Habang focus ako sa panonood may naramdaman ako na parang may nakatingin sakin. Nilingon ko si Franz at nahuli ko siyang nakatingin sa mukha ko, napangiti siya. Tumigil ang oras at napatitig ako sakanya, kung kanina napapabilis niya ang tibok nang puso ko ngayon parang huminto ito. Sa oras na 'yon in-admire ko ang itsura ni Franz tinitigan ko siya na parang gusto kong kabisaduhin lahat nang parte ng mukha niya. Nasa harap ko na yung taong nagpapasaya sakin at hindi na ako hihiling pa ng iba.

"Ano yun?" Tanong ko sakanya. Para mawala na sa utak ko yung iniisip ko. Umiling lang siya at hindi nagsalita. Nanatili na kaming tahimik.

   Nang pumatak na ang oras ng 11 pm napagdesisyonan na namin na tapusin na namin yung ginagawa namin. Nagligpit na kami at umuwi na din si Franz habang ako pumunta na sa kwarto ko. Nagpalit na ako ng damit at nang mapansin ko na nakabukas pa yung bintana ni Franz sumilip ako. Nakasilip din siya at parang hinahantay niya talaga ako.

"Sorry wala akong mairegalo sayo" sabi niya. Halata sa boses niya na malungkot siya na wala siyang maibigay sakin.

"Baliw ka ba? Yung surprise na ginawa mo ang pinakamagandang nairegalo sakin ng kahit na sino. Ikaw yung nakapagbigay sakin nun" pagsasabi ko ng totoo. Hindi ko naman kailangan ng materyal na bagay e. Siya lang okay na ako. Kahit ang cheesy pakinggan.

   Doon sa mga sinabi ko, doon ko narealize na nagkakagusto na ako kay Franz- o baka matagal ko na talaga siyang crush. Simula palang nung araw na kinalabit niya ako sa may hagdanan, baka doon palang may nararamdaman na ako sakanya natakot lang akong aminin sa sarili ko dahil alam kong walang patutunguhan 'to kasi hindi naman ako gusto ni Franz ng ganun. At ang mas masaklap pa mas nahuhulog pa lalo ang nararamdaman ko sakanya. Masyado pa akong bata dati okay lang na crush ko siya pero ngayon na may iba na akong nararamdaman mas natatakot ako.

"Good night, Stella" sabi ni Franz na nagpabalik sakin sa tunay na mundo.

"Good night"

   Alam kong mali kaya ginawa ko ang lahat para itago sakanya ang nararamdaman ko. Umakto ako ng bestfriend lang dahil 'yon lang naman talaga ako sakanya.




Hello, Goodbye And Another HelloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon