Hirap akong magisip kung kanino talaga sya mag e-end,
Kaya bahala na, kung sino nalang ang mas maganda ang takbo ng love story dun ko nalang
e-ending........
pero marami pang mangyayari dito, sana Enjoy nyo ang kwento nito..
Tatlong araw ng hindi nakakatulog si Claire dahil sa mga nagyayari, hindi rin nya sinasabi kay mythos ang tungkol duon. ayaw kasi niya na pati ito ay mamroblema pa lalo na't busy ang binata sa pag aaral nito,, dalawang buwan nalang kasi ay magtatapos na ito bilang pulis. Ojt ito kaya alam nyang pagod lagi ang kanyang nobyo. magtatapos narin sana sya kung hindi sya nag shift sa business management ayon narin sa kagustuhan ng daddy nya..
mabigat ang katawan nya ng araw na yun pero pinilit nyang bumangon, kaso talagang hindi nya kaya pakiramdam nya lalagnatin sya, kaya muli syang humiga.hindi nya namalayan na nakatulog syang muli. nagising sya ng maramdaman nyang may yumugyug sa balikat nya. pagdilat nya'y nakita nya ang daddy nyang nakatunghay sakanya.
Anak ok ka lang ba? medyo mainit ka.
Ok lang po ako dad, siguro kailangan ko lang ipahinga ito.
mabuti pa nga anak, pero bumangon ka muna't mag almusal at uminom ka ng gamot pagkatapos,
Sige po.
Sagot nya at saka sya bumangon , pero nakaramdam sya ng pagkahilo, natutop nya ang kangyang mukha,
Anak sigurado kabang ok ka lang.. wag mong pilitin kung hindi mo kaya. papadala ko nalang ang almusal mo dito.
ika ng daddy nya at saka sya tinulungang muling humiga. at saka ito lumabas ng kuwarto nya, nakasalubong nito si Darren na nooy papasok din sa kwarto nya.
Dad hindi po ba papasok si Sofia?
tanong nito sa magiging biyenan.
Hindi Darren, masama ang pakiramdam nya,
Ho'
may pag aala ang reaksiyon nito.
Pwede ko po ba syang makita?
Sige iho.
Tinapik sya sa balikat at saka nagpatuloy na ito sa paglakad. pumasok naman sya sa kwarto ng dalaga.. lumapit sya sa kama at saka umupo duon. sinalat nya ang noo nito, dumilat naman ito ng maramdaman nya iyon,
Anong ginagawa mo dito?
walang gana nitong tanong.
Ihahatid sana kita sa School pero masama daw ang pakiramdam mo. kumain kana ba?
Wala akong gana, at oo masama ang pakiramdam ko ngayon dahil sayo.
Kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot.. ano bang gusto mong kainin?
wika nito, hindi nito pinansin ang pagsusungit nya.
Wala, at gusto kong magpahinga, kaya kung pwede iwan mo na ako.
Ok sige, pero babalik ako dadalhin ko ang almusal dito.
Salamat nalang Darren, wag kanang mag abala pa.
hindi sya nito sinagot,, tumayo ito at lumabas sa kwarto nya. nagtungo si Darren sa kusina para tignan kung ano ang pwedeng kainin ni Sofia. nadatnan nya roon ang kusinerang si manang nellia
Manang ano po bang hinanda niyong almusal?
Bungad nya dito.
Topsilog ang menu ngayon, kakain kaba?
BINABASA MO ANG
CINDERELLA'S PRINCE
FanfictionKwento ng makabagong cinderella.. na komplikado ang lovelife. dahil may pagka Romeo and Julliet ang love story.. sa dami ng hadlang sa pag iibigan nila. sila parin kaya hanggang sa huli? O baka matutunan nya ring mahalin ang prinsipeng nais ng ama n...