Dalawang araw ding hindi nakapasok si Claire buti nalang at huwebes sya nagkasakit kung hindi baka ilang araw din syang aabsent pangatlong araw na kasi ngayon ang lagnat nya.. hindi naman napagod si Darren sa pagdalaw sakanya.. gaya ng araw na yun dinalaw sya ulit pero nag paalam din ito bibili daw ng pagkain para sakanya. kahit ilang beses nya itong pahiyain,, ay hindi parin ito tumitigil.
bumangon sya at inabot ang celphone nya ng marinig nyang mag ring ito. si Mythos ang tumtawag,
Hello Mythos.
Claire may sakit ka raw, kumusta na ang pakiramdam mo?
Medyo ok na ako ngayon.. ikaw kumusta kana?
Pagod,, alam mo na, Sorry ha kung hindi kita madalas natatawagan at nabibisita.
Ayos lang yun naiintindihan ko, Mythos may problema tayo.
oo balak na nyang sabihin kay Mythos.
Ano yun?
Naiba ang plano tungkol sa kasal..
Paanong naiba?
Currious nitong tanong.
sa isang buwan na ang kasal Mythos.. hindi ko alam kung paanong gagawin para hindi matuloy.
saglit na natigilan ang nasa kabilang linya.
Mythos narinig mo ba ako.? pero sa halip na sagutin ang tanong nya ay..
Hintayin mo ako pupunta ako dyan.
Mythos wag......
hindi na nya naituloy ang sasabihin dahil nawala na ang nasa kabilang linya. halos lumipad naman ang motor siklo ni Mythos dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito,, sa isip nya bahala na pero kung kailangang lumuhod sya sa harap ng daddy ni Claire gagawin nya, mapigilan lang nya ang kasal na pinaplano ng mga ito. agad syang nag doorbell ng makarating sya sa mansiyon ng mga mondragon.. bumukas naman agad ito at si ace ang sumalubong sakanya.
Mythos ikaw pala? pero sorry pre andito si sir hindi kita pwedeng papasukin,
Ace sya naman ang ipinunta ko dito eh,
kumunot ang noo ni ace sa sinabi nya.
O sige sandali lang tatanong ko muna sakanya kung pwede kang pumasok.
Salamat Ace.
iniwan naman siya nito.. kasalukuyang nasa sala ang matandang don nagbabasa ito ng dyaryo
sir mawalang galang na po andito po si Mythos papasukin po ba?
tanong nya dito.
Papasukin mo malamang nalaman nyang may sakit si Sofia kaya sya dumadalaw.
ika nito wala pa naman kasi itong alam tungkol sa dalawa.
sige po.
Muli naman nyang binalikan si Mythos.
Pasok ka, nasa sala si sir.
Hinatid sya nito hanggang sa kung nasaan ang don.
Magandang araw po sir,
bungad nya dito.
Magandang araw din., maupo ka muna ipinatawag ko na si Sofia,
Hindi po sya ang ipinunta ko dito sir, kayo po.
Ako?
nagtataka nitong tanong, sa halip na sumagot ay lumuhod sya sa harap ng matandang lalaki.
Naparito po ako para makiusap sainyo.. o magmakaawa, sir wag nyo nyo pong ipakasal ang anak nyo sa iba.. mahal na mahal ko po sya.
Anong pinagsasasabi mo?
mataas ang boses nitong tanong.
Ako po at ang anak nyo ay magnobyo,, kaya nakikiusap...
hindi nya naituloy ang sasabihin dahil bigla sya nitong kuwinelyuhan, napatayo sya sa lakas ng puwersa nito.
Tinanong kita nuon binata, ang sagot mo nun ay wala kayong relasyon ng anak ko. pagkatapos sinasabi mo ngayon na nobyo ka ng anak ko..
galit na turan nito.na hindi parin sya binitiwan.
hindi po ako nagsinungaling sainyo nun.. nito lang po kami nagkaroon ng relasyon. sir sana po naintindihan mo kami.
Punyeta.
sabi nito at inambaan nya ito ng suntok. pero hindi nya naituloy dahil naagapan ni Sofia.
Dad tama na.
sigaw nito sa ama.
Sinisigawan mo ako dahil sa punyetang lalaking yan.
mataas ang boses ng don.
Dad mahal ko sya,
Hindi kana nahiya, nakipagrelasyon ka sa iba habang nakatakda ka ng pakasal. ano nalang ang sasabihin ng mga magulang ni Darren?
sakto naman ang pagdating ni darren ng sabihin yun nang don.
Mas inaalala nyo pa ang sasabihin ng ibang tao, kaysa sa nararamdaman ko. tinanong nyo ba ako kung gusto ko Dad, o kung ok lang ba ako, kayo lang naman ang may gusto nito eh.
At matutuloy to sa ayaw at sa gusto mo.
matigas na tugon ng ama nya.
Pwes kung ang tanging paraan lang para hindi matuloy to, ay ang bumalik ako kila nanay gagawin ko Dad.
pagkasabi nun ay tinalikuran nya ang ama, hinawakan nya ang kamay ni Mythos at naglakad palabas ng bahay, ng mapadaan sya sa tabi ni Darren ay pinigil sya sa braso pero winaglit nya ito
magpapatuloy na sana sila pero narinig nya ang sigaw ni Timothy nang lumingon sya ay nakita nyang nakabulagta ang daddy nya,, patakbo naman itong dinaluhan ni Darren.
Ace ipahanda mo ang sasakyan kay mang kanor.
utos ni Darren kay Ace, agad namang tumalima ang huli. LUMAPIT SYA SA MGA ITO.
Dad,, dad please gumising ka, I'm sorry,
umiiyak nyang sabi, habang nakatingin lang sakanila si Mythos hindi nya alam kung tutulong ba sya,,, pakiramdam nya kasalanan nya ang mga nangyayari. wala na ang mga ito duon pero nanatili syang tulala.naramdaman nyang may tumapik sa balikat nya.
Go home for now Mythos..
Timothy sorry, hindi ko sinasadya.
ika nya
Don't blame yourself Mythos everything happens for a reason.
pangaalo nito sakanya. pero hindi parin nya maiwasan na hindi sisihin ang sarili.
BINABASA MO ANG
CINDERELLA'S PRINCE
Fiksi PenggemarKwento ng makabagong cinderella.. na komplikado ang lovelife. dahil may pagka Romeo and Julliet ang love story.. sa dami ng hadlang sa pag iibigan nila. sila parin kaya hanggang sa huli? O baka matutunan nya ring mahalin ang prinsipeng nais ng ama n...