30

165 7 4
                                    

[A/N:] Warning: This chapters contains a handful of foul words, sorry. Can't be help. Happy reading still. 😘

Kabanata 30

"Ponti!" Tawag ng nakababata kong kapatid na si Ciro.

May hawak akong pitsel at nagsasalin sa baso. Tumuntong pa ako sa stool ng kusina dahil di ko maabot yong counter top. "Oh, nandyan na ba sila Leone?" Tanong ko bago inumin ang tubig.

"Wala pa. Pero nandyan yong anak ni Lolo." Naubos ko ung laman ng baso at bumaba sa mataas na silya.

Mas matangkad ako kay Ciciro ng ilang pulgada, tinulak ko siya sa kanyang balikat.

"Oh talaga, anong itsura naman." Sabi ko nang makarating na kami sa hardin. Nandon si Tita Lia at Daddy, hawak ang isang sanggol na babae, alam kong babae kasi nakabalot siya ng pink.

"Boys, come here." Malambing ang boses ni Tita habang kalong niya sa kanyang tiyan ang tahimik na bata.

"Isn't she lovely?" Aniya. Binuhat ni Daddy si Ciciro, at inupo sa couch tabi ni Tita. Lumapit rin ako at tinignan ang mukha ng baby.

Maputi ang balat niya, mapupula ang mga pisngi at labi. Matingkad ang kulay itim nitong buhok at may kulay abong mga mata. Napansin ko yon sa palagiang pagkurap niya.

"She is your Auntie Arietta." Saad ni Tita, nagkatinginan kami ni Ciro habang may sumilay na ngiti sa aking labi. Humarap ako ulit kay Tita na ngayon ay sinasayaw na ang tahimik na si Arietta.

Dumukwang ako upang masilayan ang bata. Suminggit naman si Ciro at pinisil ang pisngi niya. "Ciro!" Babala ni Tita sa ambang pag-iyak ng bata.

Sinundot muli ng nakababata kong kapatid ang pisngi ni Arietta. Umiyak na ang baby. "Hala ka, Ciciro. Pinaiyak mo." Nalulungkot na saad ko, napatayo si Tita upang ihele ang bata, ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak.

Inalalayan na siya ni Daddy sa likod. Nakabusangot lang si Ciciro habang pinagmamasdan ang mga magulang na inaalagaan ang bagong dating.

Tumabi ako sa kanya. "Bakit mo ginawa yon? Pinaiyak mo tuloy.." Nais ko siyang konsensyahin, umupo ako sa couch, kapwa kami nakatunghay sa mga magulang na pinapatahan yong sanggol.

Hindi pa umaabot ang paa naman sa lapag.

Umiiyak pa rin si Arietta, napagod na si Tita at muling naupo sa sopa. Inabot naman ni Daddy ang bote ng gatas niya, sinubo yon ni Tita kay Arietta.

Akala namin ay tatahan na pero, muli na namang umiyak ang baby. Inalis pa niya ang bote sa bibig.

Lumapit ako, pinatunong yong rattle para subukang patahanin ang umiiyak. Mas lalong lumakas ang daig ni Baby Arietta, napasimangot tuloy ako.

"Ayaw rin sayo Pontius." Sabi ni Ciro, pero hindi ako sumuko. "Baby.. toy oh." Alo kong muli. Pinakita ko pa sa kanya ang sungki kong ngipin. "Don't cry na, baby."

Umiiyak pa rin, kaya walang hiya-hiyang hinalikan ko na ang pisngi. Ayon sa wakas tumigil siya, binuhat ako ni Daddy sa kanyang kandugan at ginulo ang buhok. "Ang bilis mo, boy." Pang-aasar niya, napahagikgik si Tita. At niyakap ang tahimik na si Arie.

Bumaba ako ulit kay Daddy at kiniss pa ang pisngi ni Arie. "Wag ka nang iiyak ah, kasi kapag umiyak ka. Lagi kang ikikiss ni Ponti."

Di ko sinasadyang maitulak siya sa chocolate fountain, hindi niya kasi ako pinapansin. Magso-sorry pa sana ako pero pumunta na siya sa Mama niya.

Nasa malayo lang ako at kasama ang mga tauhan ng Lolo, kasal nina Tita at Daddy ngayon pero ayoko sumali. Di naman ako anak ni Tita eh, si Ciro at si Baby Poy lang naman ang mga anak nila. Sabi ng iba, sampid lang ako sa pamilya kasi putok lang naman ako sa buho.

Mistress of the Strings ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon