Chapter 10: The First layer: Royals vs. Crizten Gueverra
Crizten's POV
A month has passed since the day that they let us visit our houses. And its been a month pero hanggang ngayon ay bumabagabag parin sa akin ang mga sinabi ni Manang Eba. The smell of Death in our house every night, Mom said that I should not look for her and everything she said.
Nung araw din na iyon ay galit na galit sa akin si Chino dahil 9 pm na ako nakabalik sa main camp. I spent 6 hours there, is it my fault na nakatulog ako don?
Sa nakaraan na buwan ay tinuruan din kami ni Ms. Limauco ng shadow transportation. Syempre kami lang tatlong bago since ilang beses na iyong ginawa nina Chino at Cassandra. However, if you are just new on using it, 77 percent of your energy will be consumed kaya hindi din namin iyon magamit. Ang mapupunta lang din namin ay mga lugar na dati na naming napuntahan.
"You spaced out again!" Napatingin ako sa sumigaw. It was Cassandra, katabi naman nya si Chloe at Chino na parehong nakahalukipkip at nakataas ang kaliwang kilay.
"Sorry, what is it again?" tanong ko. Bumuntong hininga naman ito.
"The trio said na may training daw ulit tayo ngayon."
Tumango ako. "Ah, akala ko naman kung ano na eh." Saka ako nagkibit balikat.
"You become like this after that day," komento ni Lucas sa gilid ko. These days kasi, lagi daw akong tulala at hindi makausap. Nakakausap pero hindi matino tulad dati. Lagi din daw malalim ang iniisip ko.
Napakamot na lang ako ng ulo.
"Kukuhin ko lang ang armor ko." saad ko. Aalis na dapat ako para kunin ang armor ko nung hinawakan ni Chino ang balikat ko.
"It would be training for physical strength." saad nito. Tumango na lang ako. Napapaghalatang hindi ako nakikinig, eh no?
"Ah,"
Narinig ko naman ang pagsinghap nila.
"Tara na. Baka kung ano pang magawa ko sayo," saad ni Chloe saka ako hinila. Sumunod naman sa amin yung iba pa.
Habang nasa daan kami ay nagkwe-kwentuhan sila samantalang ako ay tahimik lang. Iniisip kung paano ako makakapuslit para matignan ang loob ng bahay namin. Since kasi nung tinuruan kami ni Ms. Limauco ng shadow transportation ay hindi na nila ako iniwan. Laging nasa paligid ko sina Cassandra at Chloe. Kapag naman napunta ako sa gubat naroon iyong kambal, pag pupunta ako sa main campus kalat din doon si Chino at Lucas.
"Not thinking how to get out of here again, do you?" tanong ni Charene. Napabunting hininga na lang ako. I forgot, they can invade each others mind!
"Nope. Im just thinking about it," sagot ko. Tumango ito.
She just believe what did I said, amazing. Hahaha
Nung nakarating kami sa training room ay nagiintay na roon sina Ms. Limauco, Mr. La Vinci at Mrs. Buenaventura.
"Chino must have told you that this training would test you physical strengths, which is half-true and half-lie. Not only you physical strength but also how you think logically in terms of bare hands fighting. We can't be sure what does the specialty of the Necromancer that we are going to fight. Half-lie because..." Tumigil si Mr. La Vinci sa pagsasalita kaya napatingin kaming lahat sa kanila.
"We are going to use our armors, and your going to dodge or counter it by your bare hands." dugtong ni Ms. Limauco. Lahat kami ay nanlaki ang mga mata sa sinabi nya.
YOU ARE READING
Sayans Academy: School for Majic
FantasyTransferees, everyone, welcome to Sayans Academy: School for Majic! The Academy for special abilities!