"Ate maaayyy!!! Namiss kita promise." Tinakbo ni Kisses ang kanyang bespren sabay yakap dito"Aray ko naman bebe girl, hindi halatang miss mo ko ah. Haha" biro naman dito ni Maymay
Since elementary days pa lang ay magbespren na sina Maymay at Kisses.
Bagong lipat sila noon sa exclusive village ng makilala niya ang iyaking bata na si Kisses.
Naglilibot siya nun sa park na nasa loob ng village ng makita niya itong umiiyak sa isang sulok.
Lalapitan niya sana ito para kausapin ngunit naunahan na siya nito at bigla siyang niyakap na parang nagsusumbong. Kaya simula noon lagi na silang magkasama at naging matalik na magkaibigan.
"Miss na miss ate kaya nga nung nasa vacation kami is gusto ko ng magkaroon na ng class para makita na kita."😊 Sweet na sabi nito sabay ngiti na hindi makita ang mata
"Wow naman ang sweet sweet naman ng baby girl ko.☺️"
'Thank you, pero yung mga pasalubong ko is daanan mo na lang mamaya sa bahay huh. May ibibigay din kasi sayo sina ate Heidi e."
"Sige sige, pero mamaya na lang yan kasi malelate na tayo e. Sige bebe una na ko. Pupunta pa kasi akong SC office." sabi nito sabay tayo na"Sige po ate may, see you mamayang lunch."
Nagkawayan na lang sa isa't isa ang magkaibigan dahil nagpatiuna na si Maymay dahil pupunta pa nga daw ito sa SC office para sa kanyang mga obligasyon sa school nila as the SC president.
Pagkatapos ng klase ay naupo na lang muna si Kisses sa isang upuan na nasa school garden nila habang hinihintay niya ang kanyang ate Maymay at iba pa nilang mga kaibigan.
Ganito lagi ang routine nilang magbespren kapag may klase simula ng manalong SC President si Maymay.
" Eyy kisses kanina ka pa dito?" Tanong ng kararating lang na si Kristine
" Hmm hindi naman, si Fenech?" Hanap niya sa isa pa nilang kaibigan
" Hindi daw siya makakasabay satin ngayon kasi kakain sila sa labas ng kuya niya."
" Ay sayang naman, first day pa naman natin ngayon. At halfday pa naman." Sagot naman ni Maymay na kararating lang at may kasama
Nagtataka namang napatingin ang dalawang dalaga sa kasama ni Maymay. Parang ngayon lang nila ito nakita dito sa campus.
"Ayy sorry nakalimutan ko, siya nga pala girls eto si Yong. Transferee student dito. Yong sina Kristine at Kisses. Girls si Yong."
Pagpapakilala ni Maymay sa binatang nasa likuran niya.
"Hi girls." Nahihiyang pagpapakilala naman nito sa mga dalaga
"Hi nice to meet you. Yass nadagdagan na naman tayo." Magiliw namang sabi ni Kisses
" A, nice to meet you Yong. Akala namin boyfriend ni ate May kasama niya eh. Haha"
Biro naman ni Kristine kaya nagkatawanan na lang ang magkakaibigan at napakamot na lang sa batok ang binata.
Dahil hindi na nila mahintay ang iba pa ay napagpasyahan na lang nilang hintayin ang mga ito sa cafeteria kaya nauna na sila doon.
"Hey guys sorry em late. Pinatapos pa kasi ni prof yung activity namin eh" Sabi naman ng humahangos na si Christian
"No it's okay , mag order kana dun ng makakain ka na rin. Hihintayin ka na lang namin." Ngiting ngiti naman na sabi ni Kisses
" Okay thank you." Sabay ganti naman nito ng ngiti sa dalaga
Matapos makipagkilala sa bagong kaibigan ay masaya silang nagkwentuhan tungkol sa mga bakasyon nila at nagkulitan.
" Siya nga pala ate May, diba blockmates kayo ngayon ni Edward?" Pang iintriga ni Kristine kay Maymay na natigilan naman sa pagkain sa biglaang pagtatanong ng kaibigan.
" Hmm oo bakit?"
Patay malisyang tanong niya dito."Alam mo ate May kanina pa tanong ng tanong yan tungkol kay Edward. Ewan ko ba diyan."
Sabat naman ni Kisses kaya bigla siyang siniko ng kaibigan at pinanlakihan ng mata"Bakit crush mo yung mestisong yun?" Balik tanong naman nito
"Hindi a, may nakalap lang kasi akong hot news." exagge nitong sabi sabay ngisi
" Hay naku Kristine."
Napailing na lang ang mga ito sa kaibigan dahil umaatake na naman ang pagiging chismosa nito.
Ano kayang HOT NEWS yan Kristine?😅 Abangan po natin sina Edwardo sa susunod.Ayan po guys naiintroduce na sa inyo ang ibang characters sa ating story. Parating na ang iba pa😅
Enjoy reading😘💞
BINABASA MO ANG
Hanggang Ala-ala na lang Ba?
FanfictionNagsimula ang lahat sa isang barya at nagtapos din ng dahil sa isang barya. This is your not so typical story. Their friendship is like a rollercoaster ride. Magulo at nakakahilo. Hanggang saan kaya sila dadalhin ng isang barya. Ito ba ang magdidikt...